2nd CHAPTER

244 19 0
                                    


Pagkarating namin sa harapan ng shop nila Mang Reg ay hinihingal pa kaming tumigil. Lumapit agad sila roon sa gate at tinatawag nila ito.

“Mang Reggie?” Sambit nila.

Sarado ang Carson shop ngayon at wala ring tao na nagbabantay rito. Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo at umupo naman ang iba sa nakitang upuan sa tabi.

Nagsasalita pa rin kami at bigla kaming napatayo sa pagkaupo nang may narinig kaming mga yapak.

“Ano 'yon?”

Binuksan nito ang gate at sinilip kami.

“Kayo pala iyan mga hijo.” Lumapit ito sa amin. “Alam ko na, mag-re-renta ba kayo ng mga bisekleta?” Tumango lang kami kay Mang Reg. “Sayang mga hijo isa nalang ang natira riyan, kasi hiniram iyon ng aking pamangkin.”

“Sige po. Salamat po Mang Reg siguro next time nalang.” Paalam ni Kier.

Tinanguan lang kami ni Mang Reg. Tsaka pumasya na kami na bumalik na roon sa plaza.

“Shit naman naunahan pa tayo!” Mura ni Eumi. Naka-busangot na siya, ang kaninang masayahin niya ngayon ay naging malungkot.

Omsim! Saan na tayo nito?” Si Brai, napaakbay na naman siya sa akin.

Akala niya bati na kami, hindi pa!

“Mag skateboard tayo ulit.” Sambit ni Aiya at napatingin kami sa kaniya.

“Huwag na 'yon ang init pa naman nang panahon ngayon. Bukas nalang dahil nakalaro naman tayo kanina, 'di ba? Magpahinga muna tayo roon sa ilalim ng puno at mamaya ay mag movie marathon tayo sa kanila ni Kier.” Sabat ni Eumi.

“Buti pa nga.” Sagot ni Brai.

“Sige ba!” Si Kier.

Tumakbo agad si Eumi sa may ilalim ng puno. Ang init na kasi at sumunod naman sila Aiya at Kier.

Nilingon ko ang mga nag biking. Ayon paikot-ikot sila at ang saya pa nila, abot na abot kasi rito ang kanilang mga tawa. “Buddy, pasan mo ako.” Ani Brai na nakaakbay pa rin sa akin, nauna na sila Aiya roon.

“Pasanin mo ang sarili mo!” Tinanggal ko ang pagka-akbay niya at naunang lumakad.

“Wait lang Buddy, ayan ka na naman nagagalit.” Aniya pa, naabutan niya ako at bigla niyang pinilipit ang kamay niya sa leeg ko.

“Ano ba, epal ka!”

Tumatawa lang siya at inakbay na niya sa balikat ko ang kamay niya na kaninang iniipit. Sinusuntok-suntok ko siya. “Porke kinakausap kita akala mo bati na tayo, hindi pa!”

Itinanggal ko ulit ang kamay niya sa balikat ko at tumakbo na para pumunta roon sa kanila ni Aiya.

“Ahh!” Sigaw ko sa gulat nang may bike na diretso akong banggain.

Agaran akong napaupo, pero huminto ito at hindi naman ako natamaan o nasaktan. Nagulat lang talaga ako. Akala ko ay babanggain niya na ako. Damn it! “Tangina!”

“I'm sorry,” He said. I looked at him.

Ito 'yong kaklase namin na lalaki at kaibigan ni Riedun 'di ba. Si Ravyn?

“Buddy!”

“What the heck! Kly!” Sigaw nila Aiya at tumakbo sila papunta sa amin.

“Uh, ano, Okay lang ako, hindi naman ako natamaan.” Aniko at pina-pagpag ang suot. Ang sama naman nang tingin nila Fabs kay Ravyn.

“Hoy! Bakit mo binangga ang Best friend ko ha!” Ang lakas ng boses ni Aiya. Hinawakan ko agad ang braso niya para kumalma.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon