4th CHAPTER

209 16 0
                                    


“Section Hugo! Sabi ni Ma'am Mitchel pupunta sa kaniya ang mga kasali sa student council.”

Paalis na sana kaming magkaklase dahil nga uwian na pero, Bakit ngayon pa kami itinawag? Bakit kasi isinali pa ako sa student council na 'yan ni Ollie. Nakakainis talaga siya!

“Oy ano Tara na hindi naman tayo kasali riyan.” Salita ng mga kaklase kong hindi kasali sa student council at nag-iingay pa sila at umalis na.

Hindi naman kami na-inggit na uwian niyo na at kami hindi pa.

“Sumama ka nalang muna sa'min Kier. Wala pa naman sila Brai.” Ani Aiya. Naglalakad narin ang mga kasali pa sa student council papunta roon sa school building.

Mga dose lang siguro ang student council sa room? Hindi naman kasi ako nakapukos nung botohan.

“Una ka president! Ikaw ang presidente namin ih.” Ngisi ko.

Wala kasing may magbabalak na pumasok sa room ni Ma'am at naghahantay sila kung sino ang mauuna.

Kung ayaw nila edi ako nalang! Just kidding.

“Wala naman yata rito si Ma'am.” Sagot ni Eumi pagkasilip sa pinto.

Nasa likuran niya kaming lahat na kasali sa student council.

Ano ba kasi ang mayroon bakit itinawag pa kami?

Tumabi kaming mga naghahantay rito sa labas ng room nang dumating na ang mga pang-hapon.

Nagulat pa si Eumi dahil binuksan ng lalaking estudyante ang pinto at nakasilip doon si Eumi sa Room.

Aba bastos ng lalaking...

Hoy Gago! Nagulat ako sayo ha!” Salita ni Eumi at hinampas ang lalaki sa balikat. Natawa ang lalaki at natawa rin kami sa reaction ni Eumi. “Dito ba kayo kaklase?”

“Kaya nga papasok ako kasi room namin ito e.” Salita ng lalaki at ang mga kaklase niya ay nasa tabi din na nag-aabang para pumasok sa room.

“Luh? Gumaganiyan ka na ha.” Si Eumi at umalis sa kinatatayuan niya.

“Eumi joke lang.” Hawak ng lalaki sa balikat ni Eumi at ngumingiti pa.

“Hugo!”

We were shocked by Ma'am Mitchel's voice and we looked at her from behind. “Sinabi ko 'di ba na pupunta kayo. Bakit pa kayo narito? Kanina pa naghihintay lahat ng student council sa social hall.” Maam's really rugged.

“Ih Kasi Ma'am ang sabi rito..”

“Bilisan niyo na riyan kanina pa nagsisimula ang meeting doon!” Utas ni Ma'am at bumaba na.

Nagtinginan kaming mga students council at napailing na sumunod kay Ma'am. Paano kasi ang sinabi ng inutusan niya na sa room 240A daw kami pupunta pero hindi naman pala. Pinagmukha lang kaming tanga.

Masikip na ang social hall dahil narito na nga ang ibang sections. At section nalang siguro namin ang hinihintay.

Pinapapunta kami roon ni Ma'am sa may mga upuan para umupo at napapayuko kaming dumaan sa gitna. Nakakaabala naman kami sa kanila na nakikinig nang maayos sa nagsasalita roon sa harapan.

“Bilisan niyo na riyan, sa unahan ang president.” Bulong ni Ma'am sa amin.

Tinignan ko muna si Eumi at umupo na siya roon sa unahan at katabi niya ang vice president namin.

Dala-dalawa ang magkakatabi? Sino ba ang scort namin? Inikot ko ang paningin sa mga kaklase ko at tinignan ko kung sino pa ang hindi umuupo... Si Ravyn pala ay isa rin sa mga Student council?

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon