11th CHAPTER

135 12 0
                                    


The bell rang and we go to our classroom.

“Group in to seven. Isama niyo na ang mga nagsi-absent para kompleto kayong lahat.” Ani Ma'am. Nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko sa pagpili ng magiging grupo nila.

Sabi kasi ni Ma'am na gagawa kami ng project at by group iyon.

“Ma'am narito po ang tatay ni Ollie.” Napatingin ang ilan sa pintuan nang sabihin iyon ng aming kaklase.

Hindi pa nila binubuksan ang pintuan pero ramdam kong si Papa 'yon.

Pinapatahimik kami ni Ma'am at lumabas siya't isinarado ang pinto.

“Hoy! Kayo may grupo na kayo?”

“Sali niyo naman ako!”

Nagsisigawan na sila.

“Kly! Dito ka.” Tawag ni Aiya at inilingon ko siya't tinanguan.

Ang iba kong kaklase ay nagsilapitan na sa kanilang mga grupo.

Ravyn, may grupo ka na?”

Napalingon din ako sa kaklase namin nang tanungin niya si Ravyn. Siya ang babaeng katabi ni Ravyn sa unang pasukan. Tinignan pa ako ng babae.

Ravyn looked at her. “Yeah.”

“Woy, Ravyn at Klyzia punta na kayo roon. Kanina pa namin kayo tinatawag. Kulang pa tayo ng isa.” Pagsingit ni Aiya. Pumunta pa talaga siya rito sa upuan namin.

“Hi, Wala pa akong grupo pwede sa inyo nalang.” Sabi ng babae kay Aiya.

“Sure. Ano nga ulit name mo?”

She smiled. “I'm Eileen.”

Tumayo ako at para pumunta na roon sa kanila Fabs pero, parang gusto ko puntahan si Papa at tanungin kung bakit niya iginawa 'yon.

“Guys! kumpleto na tayo! Ito si Eileen sasali sa'tin.” Ani Aiya sa kanila at si Riedun ay nandoon na nakaupo at katabi niya si Kier.

Pinabilog namin ang mga upuan.

Nag-uusap lang sila tungkol dun sa project na gagawin namin. Ako, ang utak ko ay gumagala, parang gusto kong puntahan si Papa at kausapin.

Kung totoo ba ang sinasabi ni Brai.

Hindi rin alam ni Papa na kaklase ko si Ollie dahil hindi naman siya nagtatanong tungkol dun. Nung recognitions noong 9th grade ako ay roon ko lang nalaman na sila pala ni Ollie ang pangalawang pamilya ni Papa. Nagulat pa ako nun miski si Ollie, na may gusto pa nga siya sa akin. Pero nang malaman niya na Papa ko ang step father nila ay mas lalo lang niya akong pinagtitripan.

At kapag sinasaktan ko siya ay hindi siya bumabawi sa akin. Hinahayaan niya lang akong suntok-suntukin siya.

“Saan ka pupunta?”

Napabalik ako sa huwisyo nang kalabitin ako ni Aiya. Nasa labas na ako ng classroom. Nilingon ko siya.

“Nag-uusap kami, hindi ka naman nakikinig tapos ito bigla-bigla ka nalang aalis..” Hindi ko na siya pinatapos pa at umalis nalang.

Gusto kong makausap si Papa.

“Okay po, Mr. Martyn, sabihan ko nalang ang iba pang co-teachers para sa excuse ni Jagielo.” Rinig kong sambit ni Ma'am. Kapag students ay apelyido ang madalas na itawag ni Ma'am sa mga estudyante niya.

Nasa loob sila ng science Lab room at may kaunting teachers ang naroroon, nakatago lang ako rito sa gilid pinto.

“Okay, Salamat.” Rinig kong sambit ni Papa at umalis ako roon sa pagkatago. Dahil naririnig ko ang yapak nila na palabas na sila ng room.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon