16th CHAPTER

99 9 0
                                    


"Huwag mo nga akong hatakin."

Hindi ko naman siya hinahatak ah, hinahawakan lang. Gusto ko lang naman malaman kung totoo 'yong nangyari sa kaniya, kay Ollie.

"Sabihin mo na kasi 'yon."

"Ang kulit mo naman, lumalayo na nga ako sayo."

"Huh?! Nais ko lang iyon malaman, hindi iyang nararamdaman mo!"

Binitawan ko siya.

Nais ko nga na malaman iyon kung hindi ko nais ay wala ako rito sa tabi niya. Nasa hallway na kami ng school at kanina sa canteen ay nakita ko siyang palabas doon, so, hinabol ko siya at dito na sa hallway naabutan.

"Okay! Pre, sunod nalang ako."

Papayag naman pala na sasabihin ay tinatagalan pa! Umalis na ang mga kaibigan niya at kami nalang nakatayo rito sa hallway. May mga dumaraan pa naman na mga students. Iniwan ko pa sila saglit ni Fabs doon sa canteen, kumakain pa kasi sila at nagpaalam naman ako.

"Anong sasabihin? Bakit ba gusto mo malaman 'yon?"

"Yong nangyari nga. Nais ko ngang malaman 'di ba!" Matigas kong salita at umupo sa upuan. Tinignan niya lang ako hanggang sa maka-upo ako.

"Hindi mo kasi dapat malaman 'yon." Aniya, atsaka umupo din sa tabi ko.

"Bakit naman hindi?"

Nakakainis naman ito dapat kasi na sabihin niya na kung ano ang nangyari, hindi iyong pinapatagal pa.

Diretso lang sa harap ang tingin ko habang siya ay nakatingin sa akin.

"Uhm, ganito kasi 'yon. Ano 'di ba may gusto ako sayo..." Bakit iba ata ang pinagsasabi niya. "At nagalit si Papa sa akin dahil ayaw niya na magkagusto ako sa iyo."

What?! Nang dahil pala sa akin kung bakit ginawa 'yon ni Papa? siguro ay sinagot-sagot niya si Papa kaya mas lalong nagalit. At bakit nalaman ni papa na gusto niya ako, sinabi niya?

"Kaya pala nagka-cutting ka? At impossible nang dahil sa akin ang mga iyon. Sadyang inihahayag mo lang ulit ang damdamin mo! H'wag mo na ulit sabihin iyon, h'wag ka magbiro nang ganyan!" Inis kong sambit at magkasalubong na nga siguro ang mga kilay ko ngayon.

"Millie, totoo iyon at sana nga biro nalang ang mga iyon." Sambit niya at yumuko. "Nasabi ko na lahat nang gusto mong malaman, pwede kanang umalis."

Hindi pa rin ako makapaniwala na, nang dahil sa akin ang mga iyon. What the! Sa kaniya palang unang mangyayari kung ganoon nga na nagalit si Papa na magkagusto siya sa akin. Pero pati ba ang pagka-cutting at ang pag-od niya ay kasalanan ko rin?

Bakit lahat nalang kasalanan ko!

Tinignan niya ako rito sa upuan kung umalis na ba ako.

"Ano pa ba gusto mo marinig ha?"

"Huwag ka ngang sumigaw, ang ayos nang pakikitungo ko sa'yo ngayon."

"Eh, umalis kana kasi. Nasabi ko na ang lahat.."

"Pati ba ang pag-od at pagka-cutting mo ay dahil din ba sa akin? The hell!" Pinagsadahan ko ng daliri ang aking buhok. I can't believe it.

Kung dahil sa akin ang pag cutting class at pag-od niya. Bakit ano? Kung pwede naman siyang pumasok at hayaan nalang ako at lumayo sa akin.

"Lahat nang sinabi ko 'yon na 'yon─ Shit!" Tumayo siya. Ano aalis na ba siya? Hindi pa kami tapos mag-usap!

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon