10th CHAPTER

149 11 0
                                    


Go! Team Ravyn!!”

“Go! Team Riedun!”

Puno ng pagsuporta ang mga kaklase ko sa mga kaklase naming naglalaro ng football. Kaming section lang ang narito sa field sa oras na 'to dahil may mga klase na ang ibang estudyante.

Nakaupo kaming iilan dito sa bench at binabantayan narin ang mga bag nila. Hindi mawala sa isip ko ang pinagsasabi ni Brai kanina.

Paano na saktan at ipinahiya ni Papa si Ollie sa mga kaibigan nito e, hindi naman siya ang tunay na tatay nito at bakit niya 'yon ginawa?.. At narito na pala sila ni Papa. Ang alam ko ay nasa province pa sila.

Malapit narin ang kaarawan ng kapatid ko kaya siguro narito na sila.

Ahh!! Team Riedun!”

Ang iingay nila. Hindi na nga ako makapukos sa panonood dahil ang gulo nang isipan ko. Si Ollie, kumusta na kaya 'yon? Kanina pa sila roon sa clinic ha? At hindi na siya pumasok sa lahat nang subject. Excuse siya siguro.

“Beh! Samahan mo ako.”

Si Eumi lang kasi ang malapit sa akin at ang iba ay naroon malapit sa field. Nagtayuan sila sa panonood. Hindi pa nakasagot si Eumi ay hinatak ko na.

“Saan?” Tanong niya.

Dumiretso muna kami sa toilet para umihi ako panandalian. Pero magpapasama talaga ako sa clinic. Gusto ko lang naman malaman kung totoo nga ang mga sinasabi ni Brai. Nasa loob ako ng toilet at naghihintay naman si Eumi sa labas.

Gusto ko rin tanungin si Eumi kung may problema ba o ano kasi, pakiramdam ko ang tahimik na niya.

“Tara na.” Yaya ko. Walang reaksyon ang mukha niya. Palagi na siyang ganito, e dati palagi siyang nakangiti. “Kumusta kana pala, may mga problema ba?” Inakbayan ko siya.

Ah wala, saan pala tayo pupunta?” She asked and looked straight ahead. I smiled. Wala? but as if something had changed in her, she became quiet.

“Sa clinic.”

She looked at me. “Huh?”

“Ano kasi, pupuntahan ko lang si Ollie at tanungin narin kung ano ang nangyari.”

Narito na kami sa labas ng clinic.

Kakatok pa ba ako?

“Sama ka sa loob?... Ah sige hintayin mo nalang ako rito, saglit lang naman ito.” Dagdag ko at tumango lang siya.

Kumatok muna ako at walang may nagbukas ng pinto kaya ipinihit ko ang door knob ng dahan-dahan.

“Sino yan?!” May sumigaw kahit hindi ko pa binuksan nang malawak ang pintuan. “Millie!” Aniya ng kasama ni Ollie. Tatlo sila lahat ang narito.

Uhm.” Lunok ko at sinara ang pinto. May teacher sa kabila at glass window lang ang harang. Tinignan ko ang dalawa at si Ollie na tulog. “Pwede ko ba kayong maka-usap?” Tanong ko sa kanila at inihinto nila ang paglalaro sa phone at nagtitigan pa ang dalawa.

“Bakit?” May tono ang pagtanong nila.

“Kung magtatanong ka sa nangyari hindi na bale, umalis ka na lang.”

“Gusto ko lang malaman kung anong nangyari.” Mahinang aniko. “Totoo ba na si Papa raw ang gumawa niyan sa kanya?” 'di pa rin sila makapagsalita at tumayo ang isa.

“Millie, umalis ka na lang kung magtatanong ka kung ano ang nangyayari. Si Ollie lang ang makapagsabi niyan. Sige na umalis ka na.” Anito. Napatingin ako kay Ollie na ang himbing nang tulog.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon