14th CHAPTER

119 10 0
                                    


Dumaan ang ilang linggo.

Ganoon lang ang naging routine ko. Papasok sa school at nag di-distansya nang kaunti kanila Xia at Brai. Hindi naman siguro niya iyon napapansin kasi, kapag kinakausap ako ni Brai ay agad na magsasalita sila Fabs.

Naglalakad ako ngayon rito sa village at nakikinig ng kanta. Kasama ang puppy ko, Mom's adopted this yesterday. Sobrang cute niya at ang ipinangalan ko ay Frosty.

Sa mga araw-araw na pangyayari ay may nagbago naman, iyon ay nalaman nila Fabs na crush ko na nga si Riedun at inaasar pa nila ako palagi dun e, crush ko lang naman siya at hindi mahal. At hindi lang naman isang beses akong umamin sa kanila na may crush ako, dati ay sinabi ko narin sa kanila kaso ang mga naging crush ko na 'yon ay lumipat na ng school o 'di kaya pang-hapon.

"Frosty! Frosty.." Hinihimas ko ito.

Tinanggal ko ang kabilang airpod at humanap ako ng mauupuan. Sa malapit na bench ako umupo at magpahinga muna sandali.

"Rhia! Bumalik ka nga rito!"

Nagulat ako sa narinig at nilingon ko iyon. Si Ravyn ay hinahabol si Rhia na mabilis tumakbo sa mga slides at tumatawa pa.

"Ahh, Kuya! Time freeze." Natatawa ani Rhia nang mahuli siya ni Ravyn.

Kinuha ko ang puppy ko at nilagay sa lap ko at aking hinihimas. Napaka cute talaga nitong puppy ko.

"Time freeze, time freeze ka riyan! Ubusin mo na ang pagkain mo roon, kakakain mo lang tumatakbo ka na naman." Utas ni Ravyn at hinahatak ang kapatid na tumatawa lamang.

Binaling ko agad sa aso ko ang paningin nang maglakad na sila at napadaan pa sa gawi ko't napatingin.

"Ate? Ikaw nga 'yon Ate Klyzia!" Rhia said and ran towards me. I smiled at her. "Woah! Ang cute ng puppy.. Puppy mo po 'to ate? Ano po name hihi." Ngisi niya't hinihimas narin si Frosty.

Tinignan ko siya. Ang saya niyang nilalaro ang puppy ko. "Frosty."

"Kumusta ka na?" Ravyn asked. Nilingon ko siya't ningitian. Nakatayo siya sa likuran ni Rhia at ito namang si Rhia ay kinakausap ang puppy ko at nanggigigil dahil ang cute raw.

"Ayos lang naman." I smiled, "Ikaw?"

"Ayos lang din." Aniya at hinawakan na si Rhia. "Saglit lang ha, Rhia tara na muna hindi ka pa tapos kumain dun."

"No, mamaya na ang cute kasi ni Frosty sana meron din tayong puppy, Kuya." Sagot ni Rhia at pilit nag pumiglas sa paghawak ni Ravyn.

May narinig kaming sumisigaw at napalingon kami roon sa may bahay na malapit dito sa playground.

"See, tinatawag na tayo ni Tita, bilis baka magagalit 'yon, hindi kana makakapunta sa kanila." Kumbinsi ni Ravyn kay Rhia at nakasimangot naman na tumakbo si Rhia roon.

"Hmm?" I reacted, hindi pa kasi siya sumusunod dun kay Rhia.

"Is this your puppy?" Tanong niya.

Ba't napapa-english naman 'to.

Umupo siya sa tabi ko.

"Yeah." I just smiled. "Papasok ka ba bukas?" Tanong ko nalang para hindi maging tahimik. Hindi kasi magsasalita 'tong isa kung hindi mo kakausapin. Bigla naman tumalon ang puppy ko't hinawakan ko nalang ang tali para hindi tumakbo.

"Oo naman papasok ako, Ikaw?" He asked I just nodded. Tumayo ako dahil ang aso ko'y pilit abutin ang maliit na bola. "Sasali ka ba sa football?"

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon