6th CHAPTER

186 14 0
                                    


Mag dapit-hapon na natapos ang paligsahan. at narito kaming lahat sa labas para maglalaro sa mga iba't-ibang piryahan na naririto. Nagsimula kasi kanina ang contest ay mga 2pm at maggagabi na ngayon.

“Samahan mo ako. Bibili ako ng cotton candy.” Hatak ko kay Brai.

Nanonood lang kasi siya sa mga naglalaro. Si Eumi ay hindi ko pa rin nakikita mula ngayon dahil umalis siya kanina kasama ang pinsan niya.

“Wait lang! Bibili muna ako ng mangga.” Pigil niya sa akin.

Lunakad siya palapit sa stalls ng mga mangga. Parang gusto ko narin tuloy bumili ng mangga.

“Ate magkano po 'to?”

“Tig-sampu.” Sagot ng tindera kay Brai na agad naman siyang kumuha.

Nasa likuran niya lamang ako kasi, may mga bumibili rin. Kaya hindi pa ako makakakuha.

“Heto po Ate.” Abot ni Brai ng manggang hawak niya. Natatakam ako lalo na may alamang. “Ikaw Buddy, gusto mo?” Lingon nito sa akin. Tinignan ko siyang nakangiti para bilhan niya rin ako.

“Bili ka!” Asik agad nito na hindi ako pinasagot. I pouted. Ang epal talaga! Kumuha nalang ako ng mangga at pumipili ng mas malaki. “Ito na. Hindi ka naman mabiro. Heto pa Ate pakilagyan po ng maanghang.”

Nakalibre pa ako.

“Salamat ha! Baka masama ang loob mo na nilibre mo ako.” Ngiting tingin ko sa kaniya. Naglalakad kami rito at papunta sa bilihan ng cotton candy, doon pa sa dulo 'yon.

“Anong masama? Hindi ha! Kaya kita inilibre kasi alam kong ililibre mo rin ako ng cotton candy.” Ngiti pa niya at kagat sa mangga.

Kaya naman pala! Iba rin 'tong luko.

“Kuya magkano po ito?” Tanong ko at itinuro ang cotton candy. “May kulay dilaw pa po?” Tingin-tingin ko sa mga Candies.

“May dilaw ba niyan?” ani Brai.

“Ah Heto po. Tig-lima.” Salita ni kuya. Tumango lang ako. “Isa nalang po ang dilaw, heto po.” Inikot ni Kuya ang mga maraming candy at ikinuha ang kulay dilaw at ini-aabot sa akin.

“Salamat po kuya. Heto po.” Abot ko ng Bayad.

“May dilaw pala niyan. Ang alam ko lang pink at blue ih.” Sambit ni Brai. “Kuya may black po niyan?” Natatawa kong tignan si Brai.

Seryoso black? Meron man ata pero kasi hindi pa ako nakakita na may nagtitinda ng ganung kulay.

“Baliw! Anong black?” Natawa ako. Natawa ang ilang bumili dahil sa dami pang dinaldal ni Brai. At sa huli ay kulay pink nalang ang kinuha niya dahil iyon ang mas marami ngayon.

Binayaran ko na ang mga binili.

Hindi ko inasahan na makasalubong ko siya sa maraming tao at nagkatitigan na naman kami. Siya ang unang umiwas ng tingin at pakain-kain lang ako ng cotton candy.

Talagang napakagaling nila tumugtog kanina. Iyon ang unang beses ko na mapakinggan ang pagtugtog niya.

“Hoi! Tara na umuwi na tayo gabi na oh!” Aya ni Aiya sa boys dito sa may Bingo game. Naglalaro sila.

“Sige. Saglit lang malapit na kaming matatapos dito.” Si Kier.

Nag-iingay sila dahil sa nilalaro nilang Bingo. Hindi ako mahilig maglaro niyan. Pwede pa sa baryang pisong na ibabato at makakakuha ka ng prizes, iyon ang gusto ko at ang barilan din.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon