31st CHAPTER

91 8 2
                                    

XXXI


Nang kina-umagahan ay maaga pa kami gumising lahat para mag preparar sa pasko. Mamaya nang gabi 'yon at excited na ako.

“Hello Ate!” Tumayo ako sa pagkaupo at sinagot ang tawag ni Ate.

[Kumusta naman diyan?]

“Mabuti naman. Pasensya na pala hindi ako nakapagpaalam sa iyo dahil wala ka naman 'lagi sa bahay.”

Narito ako sa labas ng bakuran. Habang abala ang mga tao roon sa mga niluluto nila. At marami rin ang mga nakapila sa poso para kumuha ng tubig, malapit lang naman iyon dito at natatanaw ko ang mga kakilala kong kaibigan ni Ravyn. Kasama ko rito ngayon ay ang mga pinsan ni Ravyn na kumakain nang almusal.

Si Ravyn naman ay inutusan na kunin nila ang mga binili sa fabrica at kasama ang mga pinsan niyang lalaki.

[Hindi ka pa rin nagpaalam. 'Di na bale, Kumain ka na ba?]

“Yup!” Sagot ko at umupo. “Merry Christmas! Pakisabi nalang din kay Momma ng Merry Christmas.” Aniko.

Matagal pa bago siya sumagot.

Masarap ang simoy ng hangin ngayong araw.

[Merry Christmas din. Okay, sige. Mag-ingat ka riyan... Sige na, bye na.]

“Okay, bye.” Tipid na sagot ko at pinatay ang tawag.

Tumutulong ako sa kanila sa paghahanda. Dito rin sa labas ng bahay ay may malaking mesa at dito ilalagay ang mga pagkain. Mamayang hapon din ay mag boodle fight kami. Napakasaya dahil tulong-tulong at sama-sama kami sa mga gawain.

Nagpapahinga muna ako rito sa balkonahe at nilalaro ang gitara na pinahiram ng pinsan niya sa akin. Nasa ibaba si Ravyn at tinulungan sila roon sa mga gawain. Narito ako sa balkonahe at kitang-kita ko sila, na naroon sa ibaba. May mga abala at ang iba'y nagsimula narin kumain.

Dito sa itaas ay kasama ko lang ang batang pinsan niya at tinitignan ako kung magtutugtog ba ako ng gitara.

“Do you know how to play the guitar?”

“Hindi, po.” Iling niya.

Kaharap ko siya at pangiti-ngiti lang siya na tinitignan ako.

“Hindi rin ako e,” Ngisi ko.

Ini-strum ko lang ang gitara. Hindi talaga ako marunong. Mali-mali at wala sa tono ang pag-strum ko.

Napalingon kami roon sa ibaba nang mag ingay at may pamilyang dumarating at binabati nila ito.

“Ravyn! Hatid mo muna rito ang inihaw.” Ani Tita ni Ravyn. Naroon kasi ang mga lalaki sa gilid at may inaasikasong pinapaluto na inihaw na isda. Pagtawag sa kaniya ng Tita niya ay hinatid din naman niya agad.

Medyo nagulat pa ang ilang kababaihan na dumarating, at hindi ko naman alam kung kanino sila nagulat? Nakikita ko kasi ang kanilang mga reaksyon. Nang mailagay ni Ravyn ang inihaw doon sa lamesa ay nagpaalam siya na umakyat na muna. Lumingon pa siya rito sa akin at binalik ko agad ang tingin sa gitarang hawak ko.

“Do you know bahay kubo? Let's sing!” Sambit ko sa bata at tumango lang naman siya. Nag strum ako at kumanta na siya ng bahay kubo.

Kahit mali ang tono ng gitara ko ay patuloy siya sa pagkanta. Napangisi ako at tinitignan siyang kumanta.

Kaya ako'y nagsasalita ng lengwaheng English sa kanila ay dahil mas naiintindihan pa nila ang lenggwahe na 'yon kaysa sa salita ko. Magagaling sila lahat sa wikang English.

Napansin ko ang paakyat ni Ravyn, at nag pukos na ako sa pag strum ng gitara. Sinasabayan ko rin sa pagkanta ang Bata. “Yehey! You're so good at singing.” Aniko sa pagtapos ng kanta at ginulo ang buhok niya.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon