19th CHAPTER

91 11 0
                                    

XIX


Naglalakad ako papunta sa room na may binabasang text. Sabi ni Aiya ay dumiretso nalang ako sa kwarto namin dahil maaga pa ang simula ng examinations. Na-late nga lang ako ng ilang minuto dahil late na gumising.

Yaazanyah Faith : Schedule natin ay 6:00am to 10:30am.

Pumasok na ako sa room at sakto ang pagkarating ng guro namin. Umupo ako at nagsimula nang maaga ang exam. Binigay ni Ma'am ang test paper and answer sheet na i-shade namin at English ang first subject.

Nagkatinginan lang kami nila Fabs habang nag e-exam. Napasulyap ako saglit kay Ravyn, na late rin siya kanina nang mga ilang minuto. Pero hindi kami magkasama at hindi ko na rin kasi siya hinantay pa e, late na nga ako ay hihintayin pa.

"Okay, pass the paper!" Salita ni Ma'am at ang pagtunog ng bell.

"Mukhang mahirap ang test, 'di ba?" Eumi asked,

"Hirap ka riyan. Madali lang kaya." Natawa si Aiya.

"Ang daling hulaan."

Umupo kami agad pagkarating sa canteen at mabilis dumami ang mga tao. Nga pala, saglitan lang kami rito dahil test na namin in twenty mins.

"Woy buti nalang umabot pa kami." Nagulat kami kay Brai at kay Codie, narito na sila at umupo naman agad.

"Mabilis lang ba ang break time?"

"Oo twenty minutes lang. Nag order na ba kayo?"

"Oo meron na."

Kumain lang kami pagkarating ng mga pagkain. Siyam kami lahat ang narito at napansin kong ilang araw nang hindi sumasama sa amin si Jeorge. Nung kahapon lang ay nag-away pa sila ah. Hindi ko na rin siya nakikita kung pumapasok ba siya. Matino pa 'yon kaysa kay Ollie.

Sabay na kami lahat umakyat kasabay ng mga estudyante na pakalat-kalat. Pumasok na kami sa room at binigay ni Ma'am ang next subject na i-exam. Pumunta naman ang Teacher namin sa English dito sa room.

"Students! Don't forget the task, tommorow morning."

"Yes! Ma'am!"

Nag-usap ang dalawang Teacher at tahimik kaming nagte-test dito. Kinaya naman ng aking braincells itong exam. basic lang 'to! Kidding.

Natapos ko na iyong task at ipapasa ko nalang 'yon bukas. Tinapos ko na ang exam sa pang-apat na subject at nag vibrate naman ang phone ko. Text lang ito kaya sinilip ko saglit dahil nasa harapan si Ma'am. Bawal pa naman mag phone kapag nag-te-test at napalinga-linga ako sa mga kaklase ko na nakapukos lang sa exam.

Brylle Jaiden : Buddy. May sasabihin ako sayo, later.

Ano naman kaya ang katarantaduhan na ginawa nito. May pa-later-later pa. Hindi kita re-replayan. Bahala ka sa buhay mo... Niligay ko na sa bulsa ang phone at umayos nang pag-upo.

"Ms. Hayes? I said phone is not allowed in this examination. Why are you using it?"

Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Ma'am. Ang adviser namin. Shit! Panira talaga 'tong si Brai! Titig na titig si Ma'am sa akin at napayuko nalang ako. Oo na, talo na ako sa titigan na yan baka kasi kapag naging matigas pa ako baka ang grade ko ay matigas din, kasing tigas ng palakol.

"Uh, sorry po Ma'am." Paumanhin ko at inangat ang tingin kay Ma'am na palakad-lakad sa harapan.

"Ilang beses ko pa ba sasabihin sa inyo na bawal nga ang mag cellphone habang nag-exam. Tapos kana ba?"

Tumango ako at 'di na sumagot dahil ano. Ahh! Natatakot ako sa grade ko, baka kasi dahil lang dito ay bababa ang grade ko. Ang sungit pa naman ni Ma'am. Pinapakuha niya ang test paper ko at tumayo ako para ipasa.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon