8th CHAPTER

170 11 0
                                    


Bigla kong minulat ang aking mga mata sa bilis ng tibok ng puso ko dahil sa isang panaginip. Napanaginipan ko na naman si Papa. Maliit lamang ako noon nang umalis siya.

Pinunasan ko ang tumulong luha.

Bakit ba kasi tuwing naiisip ko ang nakaraan ay hindi ko mapigilang mapaluha. Humagulhol ako sa iyak noong anim na taon pa lamang ako. Pinipigilan ko pa si Papa na huwag umalis. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pilit niya tinatanggal ang pagkakapit ko at tuluyan na siyang umalis no'n. Damn! Ang sakit!

Daddy's girl ka pa naman.

Umupo ako sa aking higaan at tinignan na rin ang oras sa phone. Four am na at wednesday ngayon kaya mag P.E uniform kami.

Pagkabukas ko ng mobile data ay nag popped-up agad ang mga notification galing sa facebook at messenger ko.

“What the...” Sambit ko nang 'di makapaniwala na ini-add ako ni Riedun sa facebook.

Bakit ngayon niya lang ako ini-add ha? Buti nga ini-add ka! Stalkin' ko nga muna siya bago ko i-accept.

“Ang gwapo niya pero, sino 'tong babae na nakapalupot sa beywang ni Riedun? What the?” Bulong ko.

Nakangiti ang babae at ito namang si Riedun ay pilit ang ngiti sa camera. I just scrolling.. at kaunti lang ang mga larawan niya at puro tagged-photo na.

“Mag-almusal muna kayo bago umalis.” Ani Mom at nilapag ang sinangag at bacon sa mesa. Ningitian ko lang siya, si Ate kasi ay busy sa phone niya, may ka text. Sana lahat.

“Mom, pwede po bang makahingi ng pera para po sa P.E uniform?” Tanong ko at sinusubo ang pagkain.

Napatigil si Momma sa paghuhugas at ngumiti't nilingon ako. “Oo naman nak, magkano ba 'yon?”

“450 pesos po.” I replied and drank a glass of milk.

Tumango lamang si Momma at itinuloy na ang paghuhugas.

“Mom, aalis na po kami.” Paalam ni Ate at hinalikan si Mom sa pisngi.

Sinusuot ko pa ang sapatos ko.

“Sige po Mom, alis na kami.” Sabi ko naman at humalik sa pisngi ni Mom.

Tinignan ko pa ang nasa computer niya at mukhang mahirap ang tinatrabaho ni Momma. Hindi ko maintindihan e at ang mga nakalagay ay mga numbers and nakasulat na mga emails? Ang alam ko lang ang trabaho niya ay VA pero hindi ko alam kung paano trabahuhin iyon.

“Nak, ang pera!” Lalabas na sana ako, nilingon ko si Mom at lumapit siya para ibigay ang pera ko. “Oh eto, at kung may kailanganin ka pa ay sabihin mo lang sa'kin.” Aniya pa tumango ako at umalis na, naghihintay na si Ate sa labas.

Ibibili ko talaga ito ng P.E uniform dahil hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanila. Tuwing linggo kasi ay binibigyan ako ni Mom ng baon at minsan si Papa ay nagpapadala rin sa akin. Nasa Damascus City kasi siya nakatira ng pangalawang pamilya niya at may bahay rin naman sila rito sa Michigan City.

Naglalakad ako papunta sa tambayan namin, ngayon. Hindi ko na tinignan ang mga chat nila sa group chat.

Nagbabasa ako e, ayaw ko sa lahat na inaabala ako. Nag e-emot pa naman ako ngayon dahil sa binabasa ko.

“Kly!” Napatingin ako sa harapan nang may sumigaw. Kumakaway sa akin si Aiya at kasama niya si Eumi at Brai, si Kier ay wala pa.

“Hey! Good morning.” Bati ko't umupo.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon