5th CHAPTER

204 15 2
                                    


“Bye Mom! Papasok na po ako.” I smiled and kiss Mom on cheeks.

“Ingat nak.” She kissed me too. “Huwag ka munang magmadali o tumakbo kakatapos mo palang kumain.” Haplos ni Momma sa buhok ko. “At maaga pa naman.”

I smiled. “Opo Mom.”

Masaya akong naglalakad dito sa kalsada at binabagalan ko ang bawat hakbang dahil kakakain ko nga lang nang almusal at maaga pa naman.

Paiba-ibang oras kasi si Ate kung umalis ng bahay kaya hindi niya man lang ako nahatid. Minsan late in the morning and madalas too early in the morning siya umaalis.

Hinawakan ko ang straps ng backpack ko. Kapag nasa likod ko na ang aking backpack ay matik na hahawakan ko agad ang straps nito. Sa daanan lang din ang tingin ko at napapangiti sa pinapakinggan kong kanta.

'♪♪ Cause if we just smile... We can forget all of our troubles for a while... We can just live inside this moment... You and I get through the darkness... Knowing we'll find the light... If we just smile If we just, if we just... If we just smile Yeah, if we just smile..♪♪'

Ang ganda nang panahon ngayon hindi sobrang init at 'di rin sobrang lamig. Tama lang na nalilipad ng hangin ang buhok ko.

May dumaan na nasa bike niya't kinawayan ako, ningitian ko lang siya. Siya ang kaibigan kong babae na kapit-bahay namin, hindi naman kami sobrang close... lagi lang nagngingitian at minsan lang din kami niyan nagkakausap dahil busy.

'♪♪ If we just smile when the sky is falling... Smile, when the love comes calling... We can take tomorrow on with style... If we just smile... We can forget all of our troubles for a while...♪♪'

'♪♪ Yeah, we can just live inside this moment... You and I get through the darkness... Knowing we'll find the light... If we just smile If we just, if we just..♪♪'

Napapangiti ako dahil sa kanta. I imagine that I'm on music video.

Palagi naman akong masaya dahil nariyan ang mga kaibigan at pamilya ko, ang swerte ko sa kanila kahit na may kulang.

Si Papa, close kasi ako kay Papa bata pa lang at noong panahon na nagloko siya't iniwan kami ay bigla nalang naglaho ang lahat. Hindi naman sa nagtatanim pa ako nang galit. Matagal na 'yon at itinanggap ko nalang ang pagkakamali niya sa pamilya namin.

Kaya nga dapat ay ngumiti ako at kalimutan ang nakaraan. Masuwerte pa rin naman ako dahil nandiyan si Momma at Ate na nagmamahal.

Habang naglalakad at nag-jamming sa kanta ay nagulat akong may tumabi sa gilid ko at tinignan ito.

“Hey? Good morning.” He smiled. Matagal pa akong tumitig sa kaniya at itinuon na sa daanan ang paningin.

What the! Ang bilis nang pintig ng puso ko. Sa sobrang bilis parang sasabog na. Damn! Dahil siguro sa ginulat niya ako nuh? Uhm. Ni-off ko ang music sa phone at hindi pa mapakali ang mga titig ko.

“Ah, Good morning din.” Ngiti ko.

Sinubukan kong maging maayos ang galaw ko, dahil sa loob-loob ko ay parang gusto kong isigaw ang nararamdaman kong ito. O, bibilisan ko nalang kaya ang lakad ko? Wala ka naman respeto kung ganoon.

“Papasok ka na rin ba?”

“Yeah. Mabuti nga ay nagkasabay tayo.” Ngiti niya't tinanguan ko lang.

Hindi ko siya matignan nang sobrang tagal dahil nagwawala ang puso ko. Pero minsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin.

Nainis pa naman ako sa kanya kasi kahapon ay hindi man lang siya bumaba para puntahan kami at hindi niya sinabi na same village lang pala kami. Bakit niya naman sasabihin Klyzia, close ba kayo? Hindi!

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon