33rd CHAPTER

85 8 1
                                    

XXXIII


“Klyzia!”

Sigaw ni Aiya na tumatakbo, at tumakbo ako palapit sa kaniya. Mahigpit kaming nagyakapan at tumatalon pa.

“I miss you!” Ngisi ko. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

“Namiss din kita!”

Magkadikit ang aming katawan at masayang nakangisi ang aming labi. Ilang araw din kaming hindi nagkita.

“Bilisan niyo na riyan!” Sigaw ni Brai doon sa sasakyan. Tinignan namin sila at tumawa kami ni Aiya. “Narito na sila.” Dagdag na sigaw pa niya at nakikita narin namin ang mga hinihintay naming sila Riedun, Brittany, at Kier.

Tumakbo kami ni Aiya papunta roon sa sasakyan at nasa labas pa si Ravyn at Brai na nakatayo lang. Lumabas ng kotse si Eumi para mabeso si Aiya at batiin din ang mga dumating.

Pupunta kasi kaming magkaibigan ngayon sa mall para bumili para sa bagong taon. Bukas na ang bagong taon at bagong taon na naman na makasama ko sila Fabs and of course si Ravyn na aking minamahal.

“Mga pagong ba kayo?!” Asik ni Brai sa kanila Kier. Natawa lang naman ang mga ito at nilagay na nila sa kotse ang mga dala nila.

Nilapitan ko si Brittany para yakapin. Ganun din ang ilan, may nagkabatian at mga may nagkulitan.

“Ang ingay mo Brai! Magmaneho ka na nga lang.” Sagot ni Kier at binuksan ang pangalawa na pintuan.

Tinawanan na lamang siya ni Brai.

“Hayop! Hindi ako ang magmaneho.” Anito at nagsipasukan na sila sa loob.

Ang magmamaneho ng kotse ay si Riedun at katabi niya si Brittany. Sa pangalawa naman ay pinagitnaan ni Kier at Brai si Eumi. Ako ang nasa gitna dito sa ikatlong row at si Aiya at Ravyn ang nasa kabilaang gilid ko.

“Guys! What's the problem? Why are you all so quiet?” Sigaw ni Aiya. Kahit na may awitin na pinapatugtog ay rinig na rinig namin ang sigaw niya.

Totoo naman kasi na ang tahimik ng mga nasa unahan namin. Kaming tatlo lang ang nag-iingay at tumatawa sa mga jokes namin dito sa hulihan.

“Wala kaming naririnig.” Sagot ni Brai at tinakpan ang tainga at nagbingi-bingihan.

“They are asleep, kaya walang nag-iingay.” Lingon sa amin ni Brittany at pinahinaan naman nila ng kaunti ang awitin.

“Ano ba'ng mga ginawa niyo bakit kayo inaantok, ang tanghaling tapat e!” Ani Aiya, at sumandal nalang siya. “Parang naantok din ata ako ah.” Bulong niya na ako lang ang nakarinig at natawa kaming dalawa.

Madalas siguro silang magpuyat tuwing gabi dahil walang pasok.

Inihiga ko ang aking ulo sa balikat ni Ravyn.

Naglalakad na kami ngayon dito sa loob ng mall at kung saan pupunta ang isa ay roon din kami. Parang mga buntot lang kami na sumusunod sa kanila. Nakaakbay si Aiya sa akin habang naglalakad at sina Eumi at Brittany ay nasa unahan namin na nag-uusap lang. Ang mga lalaki ay nasa aming likuran.

“Kumain na muna, kaya tayo?” Huminto si Aiya na nagtanong sa mga lalaki. Kaya napahinto kami rito sa gitnang mall.

“Sige! Gutom narin ako.” Mabilis na sagot ni Brai at hinimas ang tiyan niya.

“Saan naman?” Eumi asked.

“Jollibee!”

“McDo!”

“Kahit saan!”

Sabay na suggest nila at ang sagot ni Brai na walang kwenta. Kahit saan? Mayroon bang kainan na kahit saan?

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon