35th CHAPTER

82 7 0
                                    

XXXV


"Dito!"

Sigawan at ingay ng mga manlalaro ng soccer ang nagpagulat sa amin habang naglalakad at isama na ang hiyawan ng mga manonood at ang pag pito ng coach. Pursigido na ang pag practice nila Ravyn ngayon dahil malapit na rin naman ang kanilang laban. At ang makakalaban nila ay mga sikat na publikong paaralan.

Dinaraanan namin ang mga naglalaro at napasulyap ako roon saglit at tinignan si Ravyn na tinignan din ako. Kasama ko si Aiya, na naglalakad lang habang vacant pa namin.

"Ang kapal naman ng mukha nun! Huwag lang talaga siya magpapakita sa akin. Kaya pala parang pilit lang kung kasama natin siya." Asik ni Aiya, patungkol sa ginawa ni Jayne sa akin.

Hindi ko naman kinwento sa kaniya pero nagulat nalang ako na alam niya.

"Bestie Kalma." Ngisi ko at inakbayan siya. "Hayaan nalang natin siya, okay? H'wag na nating palakihin ang gulo. Mas lalo lang 'yan lalala kung papatulan pa natin siya..."

"Naiintindihan ko siya kaya niya nagawa iyon, kasi mahal niya ang tao tapos... bigla nalang niyang nalaman na mayroon na palang nagmamay-ari. 'Di ba?" Dugtong kong napanguso.

"Pero hindi pa rin tama 'yon, bestie! Kasi kung ako ang nasa sitwasyon mo kahit anong dahilan pa 'yang gawin niya ay mali pa rin ang saktan ka pisikal. Kung ako 'yon pinatulan ko na." Sumuntok pa siya sa hangin.

Natawa kaming dalawa.

"Hindi ko magagawa 'yon nuh! Hindi naman malala ang ginawa niya sa akin e, kaya hinayaan ko nalang."

"Malala yon bestie! Hindi ba dati ay ipinagtatanggol mo pa nga ako sa mga nanakit sa akin at wala naman silang ginawa sa'yo, pero ginawa mo sa kanila kung ano ang ginawa nila sa akin." Lingon niya sa akin.

"Dati pa 'yon..." Tingin ko sa kawalan. "Pero may ginawa naman kasi sila sa iyong kasalanan, kaya dapat lang 'yon gawin sa kanila, mga mayayabang."

Pumasok na kami sa sumunod na subject at nakakaantok ang lesson. Umatake na naman ang katamaran ko sa klase. Nag explain sa harapan ang guro at pilit ko naman binubuksan ang mata dahil anong minuto ay pipikit na siya. I really hate school.

"I'm sorry Ma'am, we're late." Ani Riedun sa guro namin at kakarating lang nila ni Ravyn galing sa practice.

"Okay, umupo na." Aniya at sumulat sa blackboard. "Hollins and Beech.. Isa ba kayo sa manlalaro ng soccer?" Lingon na tanong ni Ma'am sa dalawa na kakaupo palang. "Kailan iyon?"

"February 18 po Ma'am." Sagot ni Ravyn.

"Sa isang buwan pa pala..." Anito at bumalik sa pagsusulat sa blackboard. "Kumuha na ng kwaderno at isulat ang mga ito." She added.

Nagsusulat lang kami rito at bigla kaming nagulat sa pagbukas ng pintuan at sila ni Ollie ang bumungad. Nabigla pa si Ma'am sa kanila at nagagalit na naman ito.

Bakit ngayon lang sila pumasok sa pangatlong subject na?

"Doon na muna kayo sa labas at huwag nang pumasok! Anong oras na ha? Hindi man lang ba ninyo iniisip kung anong oras na kayo pumapasok at madalas na 'yang ginagawa niyo!" Sigaw ni Ma'am sa kanila. "Ikaw Jagielo! Pumunta rito kahapon ang Mama mo at sinabing pumapasok ka naman palagi pero, bakit wala ka rito sa school? Gusto mo naman bang bumagsak ngayong third grading!"

"Pumapasok po ako Ma'am. Wala lang kayo." Tamad na sagot ni Ollie at lumabas ng room.

"Aba! Lumabas na kayo at sumulat na, 'hindi niyo na gagawin ang ma-late sa klase at pumasok na sa araw-araw' sa limang whole paper! Naiintindihan niyo?... Hindi kayo makakapasok dito sa loob ng classroom kung hindi niyo iyan tatapusin!" Dagdag ni Ma'am at umupo na sila sa labas ng classroom.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon