26th CHAPTER

99 7 0
                                    

XXVI


“Mauuna na ako. May importante pa akong pupuntahan.” Paalam ni Aiya pagkatapos akong iyakap.

“Sige ingat!” Aniko. Nagkawayan pa kami nila Kier doon na tumawid na at si Aiya naman ay sumakay na agad sa nakita niyang dyip. Papuntang Traverse city. Nagmamadali na kasi siya kaya hindi ko na nakawayan pa.

Kami naman ang naiwan ni Ravyn Karl dito at si Eumi ay hindi ko na naman makita. Hindi ko rin siya nakaka-usap na kaming dalawa lang kanina at ngayo'y umaalis na agad.

Nilingon ko si Ravyn at ngumiti siya't tumango para pumunta na kami roon sa motor niya. Dahil sa kaniya ay naisipan ko kung ano ang magiging buhay ko kapag siya ang maging kasintahan ko. Dati rati kasi ay wala pa akong maiisip na taong mamahalin ko dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman kong ito. Pero, ngayon ay totoo na ito hindi na isang paghanga lang dahil ayaw ko na, na mawala siya sa buhay ko.

“Klyzia,” Aniya't pagkababa ko ng motor at pagtanggal ng helmet. “Hmm, ano nga ba yon.” Iwas niya nang tingin, napangiti nalang ako.

“Ang ano?”

“Uh, sige pumasok ka na.” He smiled. Napanguso tuloy ako. “Wala yon.. Nevermind. Pumasok ka muna tsaka ako aalis.”

Tumalikod ako at pumunta na rito sa harapan ng gate namin at ilang metro ang layo sa kanya. Hindi ko siya tinitignan at sa iba lang ang paningin ko. Bakit kasi! Napanguso ako lalo.

“Sige, umalis ka na.” Nakahawak lang ako sa strap ng backpack ko at sa daan ang tingin. Tinitignan ko siya sa gilid ng mata ay hindi pa rin umaalis at hindi pa pinapaandar ang motor. “Bakit 'di ka pa umaalis?” Lingon ko sa kanya. Nagtama ang panigin namin at pinagmamasdan niya lang ako.

“Hindi ka pa pumapasok.”

Kumunot ang noo ko at tinalikuran siya para pumasok na sa gate. “Teka lang..” Isinara ko agad ang gate at sinundan niya pa ako. At nasa labas nga siya't nagkakatok. Akala ko ba ay aalis na siya kapag pumasok na ako. “Kly, Hindi pa tayo nagkaunawaan at maayos na paaalam. Klyzia.” Katok niya pa ulit.

“Ang sabi mo pagkapasok ko ay aalis kana at tapos ngayon na nasa loob na ako 'di ka pa rin umaalis!” Bukas ko ng gate at malapit pa siyang matumba dahil sa malakas na pagbukas ko at siya ay nakasandal dun.

“Sorry na..” Tingin niya sa akin. “Ayaw kong nagagalit ka sa akin, kahit hindi mo sasabihin ay nararamdaman ko. Pasensya na kung iba ang ibig sabihin sa iyo na aalis na ako at pumasok ka na. Na parang ayaw kitang kasama... kung bakit nagmamadali ako. Ganoon siguro ang naiisip mo,” Hawak niya sa mga kamay ko at napayuko na lamang ako.

Bakit niya alam kung ano ang nararamdaman ko?

“Pero hindi ganoon. Gusto ko lang sabihin iyon dahil kinakabahan ako na tanungin ka tungkol sa..” Kagat-labi niya't sa gilid napatingin.

“Ano kasi, kagagaling mo palang sa isang problema.. kaya ayaw ko munang gumulo. At tsaka alam mo naman na gusto kita 'di ba? At nagwawala ang puso at pakiramdam ko kapag kasama ka. Kahit nga tignan mo lang ako e, 'di ko makakaya.” Dagdag pa niya.

Parehas kami nang nararamdaman sa isa't-isa. Kahit na titignan niya lang ako ay hindi ko talaga makakaya.

Pero magkaiba kasi ang feeling kapag lalaki ang nagmamahal. Siya'y may respeto sa babae, nahihiya at umiiwas nang tingin o nanlalambot kapag tumingin na ang babaeng mahal niya sa kanya. Ang mga babae naman ay pinapakitang hindi siya apektado sa mga titig nito o nagpapanggap na maayos kapag kaharap ang lalaki pero sa loob-loob niya ay nagwawala na ito. Ang mga lalaki kasi ay maipakita agad ang kanilang mga emosyon. Ang mga babae naman ay nagtatago ng emosyon, pero kapag wala sa harap nila ang kanyang Mahal ay bigla yan sisigaw agad at mag-eemot. Ganoon lang sila makapagmahal sa iyo kapag pure intention ang pakay nila sa'yo.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon