36th CHAPTER

86 7 0
                                    

XXXVI


“Bilisan niyo! Baka magsisimula na.” Mahinang tili ni Aiya at tinutulak ang mga nasa unahan niya, na sila Brai.

“Ang excited mo talaga Aiya! Wala pa nga.” Asik ni Brai.

“Wala akong pake sa'yo, basta bilisan niyo.”

Madilim ang loob ng cinema at ang mga manonood ay may mga dalang lightstick kaya lumiwanag ang daan papasok. Marahan lang ang bawat hakbang namin at nagkadikitan na nga kami nila Fabs dahil sa iba na tumutulak sa aming likuran. Maiingay rin sila at kung anu-ano ang sinasabi.

Hinawakan ako bigla ni Ravyn at lumapit ako sa kaniya. Hindi ko siya nakita kanina dahil sa madilim ang lugar at nasa likuran ko lang pala siya, nakasunod sa akin. Agaran kaming umupo pagkarating sa loob.

“Nakaupo na ba lahat?” Tumayo si Aiya at tinignan kaming lahat na tumango lang.

May lumabas sa screen at nabigla ako sa sigawan ng mga manonood. Ang lalakas ng boses at may halong tili pa. Excited na sila sa palabas na katulad ko rin at nais nang mapanood ang movie. Pinapanood muna sa amin ang music video ng grupo. Masasabi kong napakatalentado rin ng grupong ito. Kaya 'di ko masisi na napamahal ang mga ito kay Aiya.

Ang ganda ng lightstick at sabay nila itong winawagayway at sumasabay sila sa awitin. Pero kakasabi lang kanina ng nagsalita na huwag maingay... bakit ang ingay na nila ngayon? Mas lumakas pa ang sigawan nila sa chorus ng kanta at maganda naman ang music video, kaya nag enjoy rin ako sa panonood.

“Huwag nga kayo mag chismisan diyan.” Suway ni Aiya sa kina Brai.

Narinig ko na lamang ang halakhak nila roon.

Dito sa right side ko ay nangunguna na nakaupo si Riedun at katabi niya si Brittany and Ravyn then me at katabi ko sa kabila ay si Aiya, Brai, Eumi and Kier. Nilingon ko sila Fabs na nag-uusap at napangisi, kaya galit na sinuway ulit sila ni Aiya.

Si Kier ay may kausap sa phone niya roon sa dulo at si Eumi na tutok sa screen sa harapan at si Brai na yumuko dahil may kinakalikot sa kanyang phone. Si Aiya na ngiting-ngiti na nakaharap doon sa harapan at napangiti na lamang akong tinignan siya. Nabigla ako nang i-abot ni Ravyn ang popcorn sa akin at kumuha ako at tinignan sandali si Brittany na nakatitig sa screen at si Riedun na kinausap ng katabi niya.

Nagsimula nang ipalabas ang documentary video o movie ng grupong paborito ni Aiya. Nagtilian ang lahat nang isa-isa itong nagpakilala. Hindi ko maintindihan ang sinasabi sa video pero ito ay may subtitles naman kaya naiintindihan ko kahit papano.

“Ayan na! Ayan na!” Tili ni Aiya at napangisi na lamang ako.

“Ano ang pangalan nung may black bucket hat Aiya?” Brai asked. “Hoy Aiya! Ngising-ngisi ka riyan. Hindi mo na ako naririnig..”

“Pwede bang tumahimik ka muna Brai. Mamaya ko nalang ipakilala lahat at panoorin muna natin. Ayaw kong nilalaktawan ito, Okay? Tumahimik ka na riyan... ah!” Ani Aiya at tumili na naman sa lumabas screen at tinuro ang paborito niyang miyembro sa grupo.

Nag-uusap lamang ang iilang manonood o mga kasama ko sa gusto o paborito nilang miyembro at sa mga paboritong kanta. Nangalay ang ulo ko at inihiga ito sa balikat ni Ravyn at hinawakan niya rin naman ang mukha ko para maayos na mailagay sa balikat niya.

May pasok kanina at dumiretso kami agad dito sa mall para mapanood ang movie. Mabuti nga ay pang-umaga kami dahil alas dos nagsimula ang cinema at mga dalawang oras siguro kami rito manonood. Mabuti nalang din na bumili kami ng mga pagkain sa labas bago pumasok at hindi naman bawal dahil may umiikot pa ngang nagtitinda ng popcorn sa loob e.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon