23rd CHAPTER

92 9 0
                                    

XXIII


Abala sila Momma at mga Tita ko sa pagluluto rito sa kusina namin. Maaga palang ay pumunta na sila rito para maghanda sa undas. Mamaya nang gabi iyon at tumutulong din ako sa kanila sa mga dapat lutuin.

Ang iba kong pinsan ay naglalaro lang doon sa labas, sa may garden.

“Pasuyo nga ng gulay 'nak.” Utos ni Mom at inabot ko sa kaniya. Abala sila sa pagsasahog at ang iba naman ay sila na ang gumawa ng mga desserts.

“Ma! Nandiyan na sila Tita.” Sambit ni Jacqui, pagkapasok dito sa kitchen.

Hinugasan ko ang aking kamay at naisipan na puntahan rin sila Tita.

Mga pinsan ko na maliliit ay sobrang makukulit at napapagalitan tuloy sila dahil napakaabala nga at naiistorbo nila. Dito na 'yan sila dumadalaw pag mga holidays para isang handaan nalang ng aming pamilya at dito rin sila natutulog para pagkabukas ay gagala sila rito sa Arizona City.

“Nariyan na sila kuya!” Kulit ng mga pinsan ko.

“Ano ba! Sinira mo 'yong laruan ko.”

Nagkaaway pa sila rito sa may garden pagkadaan namin. Binuksan agad namin ang gate at inilabas na ng mga pinsan kong lalaki ang mga dala nila.

“Hi po Tita.”

“Ako na po Auntie.” Ani Jacqui.

“Sige salamat. Johari, iyong Lechon pala kukunin niyo muna roon sa LJ's lechon. Bayad na iyon.” Auntie said,

“Magandang umaga Ping!”

“Narito na pala kayo ang aga niyo ha. Sige pakilagay nalang doon sa mesa diyan sa labas.” Aniya ng isa kong tita.

Lumabas sila Tito para salubungin narin sila Auntie. Pinapapasok sila at abala sa paglipat ng mga dinala nilang pagkain sa kotse papunta roon sa bahay, sa labas ng garden namin ay may malaking mesa.

“Ma, Malayo ba 'yon?” Tanong ni Johari sa ina pagkatapos nitong mag-usap sa kanila Tita.

“Malapit lang iyon.” Nakisali ani Jacqui.

“Malapit lang, ito ang address. Ipakita mo lang itong resibo... Sandali lang muna.” Sabi ni Aunt sa kanila Mom at kinukuha niya ang resibo sa bag niya.

Nakatayo lang kami at nag-uusap lang ang mga kakarating na kamag-anak namin. Marami rin ang mga sasakyan dito sa labas, may mga motorsiklo pa.

“Samahan kana namin.” Sabi ko kay Johari. Ngumiti lang siya at pumasok na roon sila Tita at Mom sa bahay.

“Hey Kly! Musta? Matagal na kitang hindi nakikita ha.” Aniya ng isang pinsan kong nakakatanda sa aming lahat. Kasama niya ang asawa niya.

“Ayos lang naman.” Ngiting sagot ko.

“Anong dadalhin natin na sasakyan?” Tanong ni Alif. Pagkaharap sa amin pagkatapos nitong magyosi sa tabi.

Nakasunod lang kami ni Jacqui sa kanilang naglalakad at sinusuri nila ang mga sasakyan na dadalhin namin.
Sa harap na bahay ay pagmamay-ari ng Tita ko, at sa katabi namin ay na-abandona na bahay din ng kapamilya namin kaya pwede sila mag parking rito sa tabi.

Palapit namang pumunta rito si Garen habang may katawagan sa cellphone niya. “Wait. Iyong Hilux mako na isa ang dadalhin dahil doon natin ilalagay ang Lechon. Ikaw na Johari sa Rover. Oh ang susi!” Ani Garen at hinagis kay Johari ang susi.

Binuksan naman ni Jacqui ang sasakyan at pumasok siya sa loob. Ang kulit pa ng iba naming pinsan dahil gusto nilang sumama at ayaw nilang isama ang mga ito dahil mga bata pa.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon