12th CHAPTER

119 11 0
                                    


Bigla akong naalimpungatan nang marinig ko ang ingay sa labas ng kwarto. Bumangon ako at kinusot saglit ang mga mata at nag stretching.

“Uh! Good morning Kly.” Bulong ko sa sarili.

“Sandali lang!” Sigaw ko nang may kumatok. Bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto. “Ano ba 'yon?”

“Ang tagal buksan- Hoy Derp! Bakit hindi ka pa nag-ayos. 5:30 na, ano ba yan! Kanina pa ako naghihintay ha! Iiwan na kita!” Bulalas agad ni Ate na nanlalaki ang mata sa gigil.

Natameme ako sandali sa sinabi niya at mabilis na pumunta sa bathroom.

“Holy cow! Bakit hindi ko alam na, late na ako ahh!” Inis kong sigaw at binuksan ang shower. Binibilisan ko na ang galaw ko dahil late na nga.

I walk downstairs. “Mom!”

“Yes? Ang Ate mo ay nauna na pala. Pumasok ka na at baka mahuli ka pa.” Aniya. Humalik ako sa pisngi ni Momma at lumabas na ako ng bahay.

“Damn it! Shit!” Napapamura ako habang tinatahak ang lugar dito sa amin at palabas ng village.

Agad naman akong nakakita ng dyip at sumakay na.

Ang lakas nang tibok ng puso ko sa kaba dahil late na ako at traffic pa. Malapit-lapit narin naman ang school. Hindi talaga ako mapakali sa kina-uupuan ko rito sa dyip dahil late na talaga ako nang halos trenta minuto. Kung hinintay pa ako ni Ate ay ma-late rin siya. Bawal pa naman sa kanila ang late dahil strikto ang paaralan nila.

“Mam, saan po kayo?” Kuyang guard, stopping me.

Nagmamadali na nga ako ay hinarang pa. Saan pa ba ako pupunta edi rito sa school!

“Ah, Kuya na late po kasi ako, 10-Hugo po.” Ngiti ko para papasukin, sana naman ay tumalab. May kinausap sandali si kuyang guard. “Kuya, mayroon po akong ID, ito po.” Kinuha ko ang ID sa bag at ipinakita.

Hindi ko lang laging sinusuot 'to.

“Sige mam, pasok na po kayo.” Ani Kuya guard at tumabi siya sa daanan.

Mabilis naman akong tumakbo. Shit! Bakit ba kasi hindi ko alam na late na akong nagising. Wala naman akong ginawa magdamag ha! Nanood lang.

Sa mga nadadaanan kong room dito sa hallway ay napakatahimik at sarado ang mga silid. Wala na ring mga students na pakalat-kalat, may mga klase na talaga silang lahat.

Nang makarating sa labas ng room ay rinig na rinig ko agad ang ingay sa loob ng room namin. Ang pang araw-araw na ingay na maririnig mo. Kahit may teacher man o wala ay maingay na talaga sila. Nahihiya ako magpakita, kasi nga late na ako.

Biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang mga babae kong kaklase na nagkwentuhan pa. Nakita nila ako rito sa may gilid hallway at narinig kong nag-uusap sila kung bakit nasa labas pa raw ako, bumaba sila roon at sumunod na lumabas ay si Eileen.

“Oh hey, bakit hindi ka pa pumasok?” Aniya na napahinto pa sa harap ko.

Tinignan ko lang siya. “Hmm?”

“Uh wala si Ma'am Mitchel may meeting sila.” Ngiti niya't umalis.

Nahihiya pa rin ako. Bakit kasi late!

“Klyzia!” Sigaw ni Aiya at agad na sinunggaban ako ng yakap.

“Ano, okay na?” Bulong ko sa kanya at ang saya-saya niya. “Parang isang taon tayo 'di nagkita ha.” Biro ko pa at syempre niyakap ko rin siya.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon