22nd CHAPTER

86 8 0
                                    

XXII


“Students! Please Quiet!”

Patahamik ng guro sa stage. Narito kaming lahat nang pang-umaga at nag flag ceremony. P.E din ng lahat dahil Friday na at huli na naming pasukan ito bago kami mag bakasyon.

“Huwag daw kayo maingay.”

“Hoy kayo!” Nagkaturuan pa sila.

“Okay! Bago tayo magsimulang umawit ng lupang hinirang ay may sasabihin muna sa inyo... Ma'am?” Tawag ng isang guro sa isa pang guro.

Nakahanay kaming lahat na students at nasa pinakalikuran ako. Hindi ko nabilang kung pang-ilan. Sa gilid ko, sa boys ay si Ravyn. Matangkad siya kaysa kay Riedun at si Kier ang nasa unahan ni Ravyn. Sa unahan ko naman ay si Eumi at sa likod ko ay si Aiya. Matangkad nga ako pero, may mas matangkad pa sa akin.

“Students! Because this is your last day before the holidays, y'all need to submit all your shortcomings and projects so that we can fix your grades. That's all.”

“Yes ma'am!” Sigaw ng lahat.

Tumunog ang kantang lupang hinirang at iniligay na namin ang kanang kamay sa dibdib. Sumabay lang ako sa awitin at napalinga-linga ang mata sa estudyante.

“Bago kayo tumuloy sa inyong classroom ay magsasayaw muna kayo.” Anila. Ipinapaakyat nila ang grupo na susundan namin ng steps. “Sabay-sabay ha, huwag magulo!”

“Ang dami talagang alam pasayaw sayaw pa.” Aiya whispered to me.

“Kainis nga e.” Sagot ko.

Natawa nalang kami.

They on the music and starts to dance. Nakatalikod sa amin ang nasa stage at tinignan lang namin sila. Hindi pa ako gumagalaw at nagkatawanan kami nila Aiya at Eumi dahil sa sayaw. May pa kembot kembot pa! Hindi ko talaga gusto ang sumayaw pero, hindi ibig sabihin na hindi ako marunong.

Sa unahan namin na sila Eileen at mga kaibigan niya ay ang hyper sumayaw. Napapatingin ang ibang students sa kanila dahil g na g kung sumayaw. Sumabay nalang din ako sa sayaw kahit na hindi ko gusto.

Nagkatinginan kami ni Kier at natawa. Ayaw ko silang tignan kasi parang nahihiya rin sila at syempre ako rin ay nahihiya at natatawa.

“Buti naman tapos na.” Si Aiya

“Hindi ka nga gumalaw eh.”

“Gumalaw kaya ako ang paa't kamay nga lang.” Nagtawanan kami at umakbay siya sa akin. Kung ayaw ko ng sayaw, mas ayaw na ayaw ni Aiya.

Nagsipasok na kami sa room at sinimulan na ang huling araw bago magbakasyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bakasyon, tatambay nalang siguro kami.

Hindi rin ako makakadalaw sa puntod ng mga yumao kong pamilya dahil malayo ang probinsiya namin.

“Huwag niyong kalimutan na maglinis muna ng classroom bago umuwi.” Ma'am remind us.

Sinusulat namin ang nasa blackboard.

May kung ano sa puso ko na sana huwag nalang kaming magbakasyon dahil mas gugustuhin ko pumasok para makita lang siya pero, mayroon din sa puso ko na magbakasyon dahil tamad ako sa paaralan. Damn!

Ako po'y naguguluhan.

“Mamimiss ko kayo.” Yakap ni Aiya sa'min.

“Lol. Magkikita-kita pa naman tayo.”

Paibaba na kami at hinintay si Brai saglit para sabay na kaming lahat.

Tinignan ko sila Fabs na nag-uusap habang naglalakad at napangiti ako.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon