17th CHAPTER

83 9 0
                                    


"Derp! Gising kana riyan at tuturuan kitang magmaneho. Pasalamat ka free ako ngayon, kaya bilisan mo na."

Nagising ang diwa ko nang marinig ang salita ni Ate. Niyakap ko ang unan at umidlip ulit sandali.

Bakit niya natanong iyon kung bakit may gusto sa akin si Riedun? Magkaibigan sila at hindi niya alam.

Minulat ko ang mga mata dahil tuwing pipikit ako ay iyon ang pumapasok sa isipan ko. Ang bawat galaw niya nakikita ko. Ang mga titig niya ay napapansin ko. Umupo ako sa kama at nihilamos ang mukha.

Oh damn!

"Oh? Akala ko bumalik ka na naman sa pagtulog. Kanina pa kita ginigising bilisan mo na riyan nang hindi pa ako tinatamad." Binuksan ni Ate ang pintuan at nagsalita then umalis agad.

Napasabunot ako sa aking buhok.

Bakit may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya at palagi na siyang laman nang isipan ko.

Magtahali na nang simulang ituturo sa akin ni Ate kung paano ang magmaneho.

"Hindi ka pa nga marunong ih! Ako riyan at doon ka muna sa shotgun seat. Ganito 'yon, heto ang susi syempre paandarin mo muna ang sasakyan... At dapat alam mo ang left and right." Tumango ako at tinuturo niya ang bawat parte ng sasakyan. "Then ito... Teka nga lang, lalabas ako at dito ka uupo para maituro ko nang maayos."

"Sure na ba talaga 'to, te? Baka mabangga ko lang 'to, nakakatakot."

"Huwag ka kasing kabado madali lang naman 'yan, kung makikinig ka." Lumabas siya at umupo ako agad sa driver seat. Hinawakan ko na ang manibela. "Dapat ay komportable ka sa pagkakaupo mo, ilagay mo ang seatbelt nang maayos." Inayos niya ang upuan ko. "Iyan, ayos na ba 'yan?" Tango na lamang ang sagot ko.

"Nak? Hindi pa 'yan marunong si Kly baka kung ano pa ang mangyari. Huwag mo nalang siya turuan hayst. Menor de edad pa lang siya." Bungad ni Mom nang lumabas ng bahay.

"Mom, don't worry. Madali lang naman iyan at mabilis lang din naman turuan si Derp." Sagot ni Ate at lumakad na umikot, baka sasakay na siya sa tabi ko.

Nilalaruan ko muna ang manibela.

"Ate, ikaw muna rito magmaneho at titignan ko kung saan ang mga parte na-aapakan at gagalawin." Napalabi aniko.

Kinakabahan kasi talaga ako.

"Fine. Ayusin mo ha! Ayaw ko nang paulit-ulit ang pagtuturo."

Nakakainis siya, 'di ba! Ang bilis niyang gumive-up. Pinaandar niya na ang sasakyan at sa harapan lang ako nakatingin. Hindi naman nagsasalita si Ate. Umabot na kami sa Fontana street. Nasa labas ng bahay nila si Kuya Jayvee at nililinisan ang kanyang motor.

Huminto si Ate at binaba ang window.

"Saan kayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Kuya Jayvee at lumapit sa sasakyan at hinalikan si Ate.

Huy, 'wag sa harap ko!

"Tuturuan ko siyang magmaneho para magamit niya 'tong sasakyan kapag papasok siya sa school."

Sinilip ako rito ni Kuya Jayvee, nakangiti pa rin siya. "Tuturuan mo siya? Hindi pa naman siya sa tamang edad ha. Baka mapano." See, tama si Kuya. Baka mahuli kami o makasira ako dahil hindi pa ako marunong.

"Don't said that. Magaling 'yan si Derp at mabilis lang din siya turuan, wala naman kasi sa edad ang pagmaneho." Ani Ate at magkahawak-kamay sila. Pinatay muna ni Ate ang engine at bumaba. "Mamaya na tayo magsasanay." Aniya't bumaba at sinarado ang pinto.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon