34th CHAPTER

93 7 0
                                    

XXXIV


All my life I have read about it in manga, books, dreamed about it every night, and yearned for it every day. Now that I finally found him and I have him, who love me with all his heart. I have nothing more to ask but to be with him for the rest of my life.

Natanaw ko ang aking pamilyang nagsasaya. Sila Mom at mga tita ko ay kumakanta at sila tito naman ay nag-iinuman. Pinapanood ng mga pinsan ko ang mga paputok sa labas at marami naring mga kapit-bahay ang naroroon sa may kalsada upang tignan din ang magandang fireworks.

Nakangiti kong tignan ang kalangitan at naiisip ang tanging minamahal.

“Happy New Year!” Bati ng kaibigan kong kapit-bahay at ngumiti.

“Happy New Year din.”

Maraming ng mga Bata ang nag-iingay dahil sa mga torotot nila at sigawan pa. Naamoy narin namin ang mabahong amoy ng paputok dito.

Minsan ay nagpabalik-balik ako sa loob para kumain o kumanta at pumupunta sa labas kapag may narinig na fireworks para panoorin. Kahit matagal na akong nakakita ng fireworks ay 'di ko pa rin maiwasan na mamangha sa kagandahan nito.

Nabigla ako nang mag vibrate ang aking phone at binigay ko muna ang microphone kay Jacqui at nagpaalam na may kakausapin lang.

“Happy New Year!” Bati ko agad.

Maingay pa rin kahit narito ako sa gilid garden namin. Narito kasi ang garden, malapit sa gate namin at natatanaw ko ang labas ng bahay, roon sa may kalsada ay maraming tao na nanood pa rin sa mga nagpaputok.

[Happy New Year Kly. I miss you.] Ang sarap pakinggan ng kanyang boses at biglang lumamig ang panahon nang mag hangin.

“I miss you more. What are you doing now?” I asked. Napatingin ako sa kalangitan at maliwanag ang buwan. “Tignan mo ang langit ang ganda ng buwan, ang sayang tignan dahil nakisabay sa bagong taon.” I added.

Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya, nais ko sanang makasama siya ngayong taon... hindi ko lang masabi.

[Uh-huh. Heto nakatingin narin sa langit at naiisip ka.] Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

Sana narito ka para mayakap kita.

In this new year, all i want is to be with you forever. I've been thinking for a long time that I want to give or that my life can be with only one person, and you are my only one.

“I wish you were here...” Bulong ko sa hangin. Maingay din naman sa kanila ni Ravyn kaya siguro'y hindi niya iyon maririnig.

Kinuha ko sa mahabang lamesa dito sa labas na maraming mga regalo, ang ibibigay kong regalo para kay Ravyn.

Hindi ko alam kung mahilig ba siya sa relo, heto lang kasi agad ang naisipan kong bilhin sa kaniya. Siya pa nga lang ang unang lalaki na bibigyan ko ng regalo. Kaya hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kaniya.

[Saan ka pala ngayon? Pasensya na talaga ang ingay rito sa amin. Hindi ba naman tumitigil ang mga Bata sa pagtorotot.] He chuckles.

“Katulad din dito, ang sakit na nga sa tainga.” I giggled. “Narito kami sa labas at pinagmamasdan ang mga fireworks.” Sagot ko pa. Nang narito na ako sa may kalsada at tinignan ang mga naglalarong ilang Bata.

Hawak ko ang regalo para sa kaniya.

Hindi rin naman ako napapansin nang ilan dahil abala sila sa panonood ng mga paputok. Tinignan ko saglit ang phone at mga ilang minuto nalang ay mag alas-dose na.

I really miss him every day. You miss that you want to see him even for a moment a day, because yesterday we were together but you miss that he is there and you want to see him, it is enough to make you feel better. I love him that I cannot even begin to explain, a feeling that I have never felt before.

Bounds Of LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon