CHAPTER 21

257 4 0
                                    

DARK PRINCE POV -

Kasalukuyan akong naka upo sa aking upuan habang tahimik na nag babasa ng libro.

Masyadong na kakapagod ang araw na ito dahil ipina hahanda na sa akin ng hari at reyna ang pag dating ng anim na mga istuyanteng papasok sa aming school.

Habang nag babasa ako ay may bigla nalang kumatok sa aking pinto na kakayamot man pero pina pasok kona kung sino man iyon.

Nakita kong pumasok ang isa sa mga tauhan ko pero nasa libro parin ang atensyong ng aking mga mata.

"Dark Prince! nag padala po ng sulat ang Harson Academy tungkol sa kanilang istuyanteng ipapasok sa ating academy".

Nabaling ang atensyong ko sa sinabi ng aking tauhan kaya sumiryoso ako ng upo sa akin upuan bago mag tanong sa kanya.

"Nasaan ang sulat"

Ibinigay naman niya sa akin kaagad ang sulat ng makuha ko ito ay agad ko naman itong binuksan.

Mahal na Prince ako po si Principal Beverly ang Principal ng Harson Academy.

Humihingi kami ng tulong sa inyo po dahil ayaw payagan ng Monroe Family ang aming i rerepresenta nasi Scarlet  Monroe sa inyong academy  sa kadahilanang ayaw nilang malayo ang kanilang anak.

sana matulungan nyo po kami na maipasok si Scarlet Monroe sa inyong Academy .Laging handa ang aming school na makipag usap po sa inyon tungkol sa aming munting problema.

Maraming salamat Dark Prince.

Agad kong nilukot ang sulat sa sobrang yamot at ibinigay ito sa tauhan ko.

Sa sobrang inis ay na pasigaw nalang ako habang kina kausap ang tauhan ko.

"Gusto kong ipatawag mo si Herbert at Clary ngayun din ! ".

Agad naman siyang tumango bago umalis sa harapan ko.

Na pa upo nalang ako sa upuan habang inaantay ang dalawa kopang tauhan nasina Herbert at Clary.

Makalipas ang ilang minuto naka rating narin ang dalawa agad nilang niyuko ang kanilang mga ulo bilang pag galang sa akin habang ako naman ay naka tingin lang ng malalim sa kanila.

Narinig kong nag salita si Herbert kaya napa tingin ako sa kanya.

"Dark prince ipinatawag mo raw kami,ano po ba ang inyong ipag uutos"

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"I want you two to go to Harson Academy and talk to Mrs. Beverly, the Principal of the school. Tungkol sa hindi pag payag ng Monroe Family na ipasok ang kanilang anak"

Agad naman silang tumango sa akin bago ko sila pa alisin ay may isapa akong sinabi sa kanilang dalawa.

"Gusto koring tulungan nyo ang Harson Academy na maipasok si Scarlet Monroe sa academy natin. If the Monroe Family doesn't agree, you know what to do scare them".

Agad naman sila tumango at iniyuko ang kanilang mga ulo senyales ng pag galang .

Pina alis kona ang dalawa kaya ako na lang ang na iwang mag isa habang malalim na nag iisip.

Sumagi sa isip ko ang Monroe Family parang narinig kona kung saan iyon pero hindi ko alam kung saan.

Na baling ang atensyong ko sa isang Wine na naka lagay sa gilid ng aking mesa.

Agad ko naman itong kinuha at tinignan ng maigi. Nakita ko ang isang tatak kung saan naka lagay ay Monroe wine.

Ibig sabihin anak ng mga Monroe ang papasok sa academy namin pero malaking tanong sa akin kung bakit ayaw nilang i pasok dito ang kanilang anak .

Na kakapag dududa rin na dahil lang ayaw nilang malayo ang kanilang anak kaya hindi sila papayagan.

Di kaya may tinatago sila pero kung meronman kelangan kong alamin kung ano iyon.

Kapag may sekreto silang itinatago na may kinalaman sa Prinsesa malalagot ang Monroe sa akin



Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon