CHAPTER 30

228 2 0
                                    

Natapos ang buong araw namin sa Harson at umuwi na muna sa kanya kanyang bahay nina Madison at Anna.

Umuwi muna ako sa bahay para kunin ang mga gamit na hinanda ko dahil duon ako ma tutulog kayna Anna ng matapos mag handa ay nag pa hatid ako kay papa .

Ng makarating kami sa bahay nina Anna ay nakita ko silang nag aabang sa labas ni Madison.Nag paalam na ako kay papa bago pumunta kayna Madison para yakapin sila.

Nakita kong may dala dala pang gamit si Madison kaya tinanong ko siya kung kakarating lang ba din niya.

"Kakarating mo lang ba Madison?"

"Oo sumunod kalang sa akin"

Tumango na lang ako bago narinig si Anna na inaya kaming pumasok sa kanila kaya pumasok na kami ni Madison dala dala ang mga gamit namin.

Ilang beses na rin akong naka punta dito sa bahay nina Anna pero hindi pa talaga namin na susubukan nina Madison na matulog dito kaya ito ang unang beses na gagawin naming itong tatlo.

Nakita kong papalapit ang mama ni Anna sa amin nasi mrs Mare.Binati at niyakap kami ni mrs Mare kaya ganundin ang aming ginawa ni Madison.

Tinawag ni mrs.Mare si Anna

"Anak papanikin mo muna sila sa kwarto mo para mailapag na nila mga dala nila"

"Opo ma"

Inaya na kami ni Anna na pumanik ng bigla ulit tinawag si Anna ni mrs Mare kaya napa lingon kaming tatlo.

"Anak mamaya pala kakain na tayong lahat , pahinga muna kayong tatlo sa taas tas ipapatawag ko lang kayo kapag kakain na"

"Kung may kelangan kayo Madison at Scarlet,wag kayong mahihiyang mag tanong sakin"

Ngumiti sa amin si mrs Mare at kami naman ay nag pasalamat bago pumanik sa taas kasama si Anna.

Binuksan ni Anna ang pintuan ng kwarto niya at hinayaan na lang kaming maka pasok bago niya ulit isara ang pintuan.

Maraming beses na rin kaming naka pasok sa kwarto ni Anna at malaki tagala ang kwarto niya pero maraming nag bago ngayon.

"Diba Anna kulay ng kwarto mo violet?"

"Oo pero binago ko kasi masmaganda pink at gold na kulay"

Kaya pala ako na ninibago pero maganda naman ang kulay at maganda din ang pagkaka desenyo sa kwarto niya.

Napa upo nalang ako sa isang bakanteng upuan na nasa gilid ng bintana para maka pag pahinga.

Habang sina Anna at Madison ay may kanya kanyang ginagawa at ako naman ay na isip munang tignan kung may mga kulang na gamit ba akong hindi na dala.

Naka rinig kami sa labas ng pintuan na may kumakatok .Agad namang binuksan ni Anna ang pintuan.

"Maam kakain napo inaantay na po kayong lahat sa baba".

Agad na mang nag pasalamat si Anna bago umalis ang babae.Inaya na kami ni Anna na pumunta sa baba kaya sumana kami sa kanya.

Pagka rating namin ay agad kami binati ni mrs Mare at mr Eric kaya ganundin ang aming ginawa bago ma upo sa kanya kanyang upuan.

Nag umpisa nakaming kumain at masaya ding nag kwentuhan ng matapos ay nag pa alam na kaming tatlo na papanik para makapag pahinga na kaming lahat.

Ng maka panik sa taas ay bigla na lang humilata si Madison sa kama ni Anna kitang kita ko na pagod na ito.

Hinampas ni Anna ang hita ni Madison kaya napa tingin ng masama Madison sa kanay.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon