CHAPTER 62

174 0 0
                                    

Scarlet POV -

Kahapon naging normal lang ang araw ko dahil hindi ko nakita si dark prince at hindi din nya ako ipinatatawag para utusan.Pero ngayong sabado ay talagang kinakaban akong makita siya.
at nag dadalawang isip pa kung tutuloy ba ako o hindi

Kahit kinakabahan ay kaylangan ko paring pumunta dahil utos nya iyon sa akin kaya wala akong magawa kungdi ang pumunta sa kanya ngayon para kitain sya.

"Kaya mo ito Scarlet, wag kang kakabahan"

Sabi ko sa sarili habang papunta sa opisina ni dark prince.

Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng opisina ni dark prince at parang di kona alam ang gagawin ko.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinton.Wala pang kalahating oras ay agad ding bumukas ang pintuan at na kita ko si manang Luisa.

"Miss Scarlet, buti nan dito kana sakto lang ang dating mo"

"Ahh..manang si Dark Prince po nandyan po ba?"

Kinakabahan pa ako nung sabihin ko iyon pero diko ipinahalata.

"Wala sya ngayon kaya ako ang inutusan nya para kitain ka at samahan sa pupunta natin"

Nakahinga ako ng maluwag dahil saktong wala ngayon si dark prince pero nag tataka naman ako kung saan ba kami pupunta ni manang kaya agad akong nag tanong.

"Saan po ba tayo pupunta manang?"

"Malalaman morin mamaya.Sa ngayon sumama kana muna sa akin".

Tumango lang ako kay manang bago kami umalis.

________________TIME_SKIP______________

Nasa tapat kami ng isang malaking gate at tanaw ko sa loob ang pag kalaking mansion.May nag papasok sa amin na lalaking nag babantay kaya naka pasok kami.

"Manang kanino po'ng mansion ito?"

"Kay dark prince ang mansion na ito"

Na gulat ako at di makapaniwala kay manang.

"Yung nasa kanan ay kay princess Victoria at yung nasa kaliwang bahagi naman ng mansion ni dark prince ay para naman kay Princess Catherine.Yung katabing mansion ni princess Catherine ay kay Prince Chester".

Turo nya sa mga nag gagandahan at nag lalakihang mansion ng mga prinsepe at prinsesa.

Napa tango na lang ako kay manang Luisa bago nag patuloy sa pag lalakad .Malapit lang ang mga mansion nila sa school kaya pala nag lakad lang kami papunta dito.

Pumasok kami sa loob ng mansion ni dark prince at namangha ako sa ganda at laki ng mansion niya.May dalawang babae ang papalapit sa amin ni manang luisa at binati kami kaya ganundin ang ginawa namin.

"Sya naba yung sina sabi mo samin manang?"

Tumango lang si manang sa babaeng nag tanong sa kanya at ngumiti ito sa akin bago inilahad ang kanyang kamay.

"Ako nga pala si Myra at ito naman ang anak kong si Evenin".

Agad akong nakipag kamay kay ate Myra at nag pakilala din sa kanila ng anak niya.

"Hi po ako pala si Scarlet Monroe"

Naisipan ko nading tanungin sila kung bakit ba nandito ako ngayon.

"Matanong ko lang po ano ba ang gagawin ko po dito?"

"Tutulungan mo muna sila dito sa mansion ni dark prince dahil tatlo lang ang katulong ni dark prince, isa na duon si Myra at kasama din ang anak nya na tutulong ngayon"

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon