CHAPTER 84

155 3 1
                                    

Third Person POV-

"MAY NAG AAWAY SA LABAS!"

Sigaw ng isang estudyanteng babae sa buong dining hall at agad itong lumabas.Nag si tayuan din ang ibang mga estudyante at nag uunahang lumabas para tignan kung anong ng'yayaring gulo.

"Diba kanina pa nasa labas si Carla?"

Tanong ni Amanda sa tatlo.

"Oo pero sabi nya iintayin daw nya tayo sa labas"

Sagot naman ni Scarlet kay Amanda.

"Di kaya si-"

"CARLA!"

Sabay sabay nilang sabi at tyaka nag mamadaling lumabas ng dining hall.
Bago pa sila maharangan ay naka labas na silang apat at patakbong sumunod sa ibang mga estudyanteng nakalabas din ng dining hall.

Ng makarating sila ay napansin nila kaagad ang mga kumpulan ng mga estuyante at kabikabilaang ingay.

"IKAW ANG NA UNA!"

"SINUNGALING KA IKAW ANG NA UNA!"

Rinig nilang sigawan at kaagad nilang na pansin kung kanino ang mga iyon ng gagaling.

Agad silang apat nakipag siksikan sa iba pang estudyante hanggang sa maka punta sila sa harapan.

Laking gulat nalang nila na tama ang mga kanilang hinala.

"CARLA!"

Na gulat sila ng makita si Carla kaya agad nila itong nilapitan at pansin agad ni Scarlet na may mga galos at halata din sa buhok nito na may pagka magulo kaya agad nya itong inayos.

"Anong ng'yari sayo at tignan mo may mga galos ka".

Pag aalalang tanong ni Scarlet kay Carla.

"Ehh ayang babae nayan bigla akong sinugod!"

Galit na galit na sabi ni Carla sabay turo kay Evenin.

"Ikaw ang unang sumugod sakin hindi ako!"

Pag depensa ni Evenin sa lahat kaya maslalong na galit si Carla.

"Sinungaling ka talagang babae ka!"

Nang gigil nasabi ni Carla at akmang susugod sana ng bigla na lang dumating ang mga teachers kasama pa ang mga president ng students council at kasama din pati si dark prince.

"What's going on here?!"

Maotoridad na tanong ni dark prince at kaagad tinignan sina Evenin at Carla.

Napa yuko ang lahat dahit halatang galit din ang prinsepe.

"Unang na nakit si Carla, dark prince"

Sabay turo ni Evenin kay Carla. Akmang susugod sana si Carla ng bigla siyang pigilan ni Scarlet at Amanda.

"Kumalma ka Carla nandiyan si dark prince".

Bulong ni Amanda kay Carla at agad naman kumalma ito pero may bahid ng galit sa kanyang mukha.

"Sinungaling ka!, ikaw ang unang nanakit satin at self defense lang ang ginawa ko".

Kahit kalma na siyang nag sasalita ay mahahalata parin sa kanyang expresyon ang galit.

"Ikaw nanga ang nauna mag sisinungaling kapa!".

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon