CHAPTER 86

187 5 2
                                    

Scarlet POV-

Mag dadalawang araw na din simula ng umalis si Vince dito sa Abraham at wala pa akong na tatanggap na kahit anong sulat mula sa kanya. Pero sinabi namin sakin ng isa sa mga tauhan niya na ligtas siyang nakarating sa palasyo ng hari kaya na kaka sigurado naman akong ayos lang si Vince.

Lunes na naman at ang ibig lang sabihin ay may pasok na ako. Kahit tinatamad akong pusok ay wala naman akong magagawa kung di ang bumangon na at mag ayos ng sarili.

Mga ilang oras din ang tinagal ko mag ayos pero maaga pa naman at makakapasok naman ako ng maaga sa class ko. Nang masigurado ko ng ayos na ako at ok na lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto at paka labas ko ay kakalabas lang din ni Carla.

"Good morning"

Bati ko kay Carla at sabay ngiti sa kanya.

"Good morning din, tara na"

Pag aayaya niya sa akin. Ako naman ay napa tango sa kanya at sabay kapit sa kanyang braso.

_______________TIME_SKIP_______________

Matapos naming bumili at kumain ng almusal sa Cafeteria ay papunta na kami ngayon ng classroom ni Carla ng mapansin ko sa bawat madadaanan namin ay pinag titinginan kami ng lahat at na pansin kong may mga hawak din silang newspaper.

"Carla, bakit parang pinag titinginan nila tayo?".

Pabulong na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam pero na iirita ako sa mga tingin nila".

Pagalit na sabi niya habang sabay kaming nag lalakad. Sa bawat madadaanan namin ni Carla na papansin ko ang panay bulungan ng mga babaeng student at ang iba naman ay masamang naka tingin samin. Hindi ko alam kung bakit sila ganun makatingin pero nag patuloy parin kami sa pag lalakad at hindi ko nalang pinansin sila.

Na ramdaman ko sa akin tabi na huminto bigla si Carla kaya naman ay napa hinto din ako at tinignan siya. Pero na gulat na lang ako sa sunod na ginawa niya.

"Anong tinitingin tingin nyong lahat ha!"

Malakas na sigaw nito sa lahat at kita kong galit na galit si Carla ngayon. Agad naman akong lumapit sa kanya para pigilan siya.

"Carla"

Tawag ko sa kanya at sabay hawak sa kanyang braso pero hindi manlang niya ako tinignan at kumawala sa kapit ko. Lumapit siya sa apat na babaeng nag uusap sa isang gilid at alam ko na kung anong gagawin niya.

"Kayo anong pinag bubulungan nyo ha!, baka gusto nyong lakasan para marinig namin!"

Sigaw nito at akmang manunugod na sana si Carla ng agad ko siyang hinawakan sa kanyang braso para pigilan siya at hinila papalayo.

"CARLA!"

Malakas na sigaw ko sa kanyang pangalan at na tigil naman siya bigla. Napa tingin naman siya sa akin at alam kong na gulat siya sa biglang pag sigaw ko.

"Gusto mo bang maparusahan ng tuluyan Carla?, Alam mo namang muntik kanang maparusahan nung nakaraan kaya sana naman kumalma ka".

Kalma kong sabi sa kanya at hindi piniling magalit sa pinag gagawa niya.

"Alam ko Scarlet pero na kakainis lang dahil ang agaaga tapos ganyan sila makatingin".

Galit niyang sabi sabay tingin ng masama sa lahat ng naka tingin samin ngayon. Unti unti ko naman tinanggal ang aking kamay sa kanyang braso at tinignan ko din ang lahat ng mga estudyanteng nasa paligid namin ngayon.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon