CHAPTER 24

249 4 0
                                    

Masaya kaming nag lalakad papuntang room nina Madison at Anna ng bigla nalang may bumunggo sa amin.

Napahawak nalang ako sa balikat ko at humarap kung sinoman ang bumunggo sa amin. Nakita kong naka talikod si Alice habang katawanan ang mga kasama rin niyang mga babae.

Lumingon si Alice sa amin habang naka ngiti pa.Sinamaan ko na lang ng tingin si Alice at pinakalma ang sarili para hindi na magalit. Hihilain kona sana sina Madison at Anna ng bigla na lang nag umigaw si Madison.

"Hoy ikaw baliw! anong problema mo ha!"

Pinigilan ko si Madison pero huli narin dahil lumapit na sa amin kaagad si Alice kasa ng mga kasama niya.

Tumingin siya kay Madison ng masama bago sagutin ang tanong nito sa kanya.

"Sa ganda ko magiging baliw ako ha! at tinatanong mo ako kung anong problema ko?, ayang kasama mo ang problem ko!"

Napa tingin siya sa akin ng masa kaya ganun rin ang ginawa ko bago ko siya tanungin.

"Ano naman ang problema mo Alice! kung wala rin namang kwenta wag mona sabihin sa amin kasi inaaksaya lang natin ang oras. May klase pa kami mauna na kami"

Aalis na sana kami ng bigla nalang hawakan ni Alice ang buhok ko nakita kong hinawakan sina Madison at Anna ng mga kasama ni Alice para hindi maka lapit sa akin.

"Alam mo Scarlet panira ka! alam mo dapat ako ang papasok sa Abraham Academy pero sinira mo kasi pabida ka!"

Lalo nya pang hinigpitan ang pagkaka hawak sa buhok ko habang ako naman ay na sasaktan na.

"Hindi ko naman ginusto na mapili! at hindi rin ako pabida masyado kalang na iinggit  Alice".

Bigla naman nya akong iniharap sa kanya at nagulat ako sa ginawa ni Alice  dahil bigla nalang niya akong sinampal.

Napa hawak na lang ako sa pisngi ko at napa tingin kay Alice ng deretsyo.

"Ikaw ang na iinggit sakin Scarlet dahil lahat nalang kinukuha mo!"

Sinugod ako bigla ni Alice at hinila ang buhok ko kaya ganundin ang ginawa ko sa kaniya at pinag sasabunutan korin siya.

Napa higa nalang kaming dalawa sa sahig habang nag sasabunutan parin.Bigla nalang may humila sa akin at inilayo ako kay Alice. Nakita kong hawak hawak nina Madison at Anna ang magkabilang braso ko .

Susugod pa sana si Alice ng pumagitna sa amin si Ma'am Mendoza at kita ko sa mga expresyon ni maam Mendoza ang galit.

"Ano ba kayo kanina pa kayo pina titigil hindi kayo na kikinig. Pumunta kayo sa Principal office ngayun din!"

Nakita ko maraming mga istuyante ang naka tingin sa amin ngayon pero hinayaan ko nalang sila. Nakita kong humarap sa akin si Anna para ayusin ang buhok kong nagulo habang si Madison naman ay pinapagpagan ang likod ko.

Sumunod kami kaagad kay maam Mendoza kasama sina Alice habang nag lalakad kaming lahat ay hindi ma iwasang pag tinginan kamin ng mga istuyante.

Ng makarating kami sa Principal office ay napa upo nalang kami sa upuan habang sinesermonan ni Mrs Beverly.

"Ano ba kayong dalawa isa kayo sa mga ma agaling na istuyante dito sa paaralan natin dapat magka sundo kayo hindi yung nag aaway kayong dalawa"

"Ikaw miss Alice alam kona ang ginawa mo at ikaw ang pasimunong manakit, maraming naka kita sayo!"

Nakita ko sa mga muka ni Alice ang pag tanggi pa niya kay Mrs Beverly.

"Mrs Beverly! bakit ako?, wala akong ginagawang masama sa kanya syanga itong na ngunguna"

Biglang tumayo si Madison sa kanyang pag kakaupo at nag salita.

"Anong si Scarlet ang na una diba sabi mo ikaw dapat ang papasok sa Abraham Academy kaso inagaw lang ni Scarlet kaya ka na gagalit sa kanya"

Bigla kong hinila si Madison para umupo na pero masama parin ang titigniya kay Alice pero hindi lang iyon pinansin ni Alice.

"Miss Alice matalino ka pero kelangan moring tanggapin na si Scarlet ang na pili namin at hindi na mababago iyon"

kalmang nag salita si Mrs Beverly kay Alice pero bigla na lang na patayo si Alice at sinagot si Mrs Beverly.

"Bakit Mrs Beverly! pinag tatanggol moba PO! si Scarlet?, malay koba baka ng daya lang yan kaya mataas ang nakuha sa special test o baka binayaran ka nila Mrs Beverly para mapili sya!"

Nagulat kaming lahat kay Alice dahil sa mga pinag sasabi nito kay Mrs Beverly kitang kita ko sa expresyon ni Mrs Beverly ang galit bago mag salita.

"Hindi ko na gugustuhan ang lumalabas sa bibig mo Miss Alice .Ipapatawag ko ang mga magulang mo ngayun din"

Agad niyang tinawag si Mrs Mendoza habang si Alice naman ay parang iritang irita na naka upo.

"Mrs Mendoza paki tawag ang mga magulang ni Alice at paki samahan sya papuntang detention office at ang iba makakalabas na pero maiiwan ka dito Miss Scarlet"

Padabog na lumabas si Alice kasa si Mrs Mendoza at pati ang mga kaibigan nito habang nag aalangan pang iwanan ako nina Madison at Anna.

"Ayos kalang ba Scarlet kung iiwan ka namin dito"

Tumango ako sa kanila at na kinumbinsi korin silang iwan muna ako kasama ni Mrs Beverly.

Kalama akong kina usap ni Mrs Beverly habang ako naman ay na kikinig ng ayos sa kanya.

"Miss Scarlet hindi rin maganda ang ipinakita mo, nakipag away ka"

Huminga ako ng malalim bago nag salita kay Mrs Beverly.

"Mrs Beverly hindi naman po ako ang na una at pinag tanggol kolang din po ang sarili ko".

Narinig kong nag salita pa si Mrs Beverly kaya napa tingin ako sa kanya.

"Miss Scarlet maraming sulat na kaming ipinadala sa magulang mo at sayo pero wala parin kaming na tatanggap"

Agad kong sinagot ang tanong sa akin ni Mrs Beverly.

"Hindi parin po sila payag Mrs Beverly at yung mga sulat po na ipina dadala nyo para sa akin tinatago po nila. Kanina kolang po nabasa ang ibang sulat na ng galing sa inyo"

Napa tango na lang sa akin si Mrs Beverly bagong kalamang nag salita.

"Ahh...sige Miss Scarlet makakabalik kana sa room mo at kakausapin kona muna ang mga magulang ni Miss Alice"

Tumayo naman ako kaagad at nag pa salamat bago lumabas ng Principal office.

Wala na akong mga estuyanteng na kita sa labas kaya ako nalang ang mag isang nag lalakad pabalik ng aming classroom.

habang nag lalakad ay na kakaramdam talaga ako ng kakaiba na parabang may na nonood sa bawat galaw ko tumingin tingin ako kung saan pero wala namang tao.

Inisip ko nalang na baka pagod lang ako kaya kakaiba ang pakiramdam ko.Huminga nalang ako ng malalim at nag patuloy nalang sa pag lalakad.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon