CHAPTER 1

1K 14 0
                                    

Scarlet POV -

Napa bangon ako bigla dahil sana panaginipan ko at pinag papawisan ako ng sobra. Paulit-ulit nalang ang ngyayari sa panaginip ko.

Diko maintindihan kung bakit ako na nanaginip ng masama. Lagi kong nakikita sa mga panaginip ko na may ng yayaring sunog at maraming tao ang humihingi ng tulong .

Pero sa lahat ng panaginip ko may isang babae na may hawak na sanggol ang na kikita kong umiiyak. Kapag lalapit ako sa kanya bigla bigla nalang ako napapa bangon.

Huminga na lang ako ng malamin at dina inisip ang mga nakikita ko sa aking mga panaginip siguro pagod lang ako kaya ang daming pumapasok sa utak ko

Bigla nalang ako nakarinig ng katok mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto at alam kong si Mama yun.

"Nak bumangon kana diyan at Mag aalmusal na tayo"

Agad naman akong nag salita.

"Opo ma, mag aayus lang po "

Sabi ko at agad akong tumayo at dumiretsyo sa banyo para gawin ang morning routine ko. Nang matapos ay nag bihis na ako ng aking school uniform at nag ayos narin ng sarili.

Nang masiguradong ayos na naman lahat ay kinuha kona ang bag ko, bago lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdanan. Pagkababa ko ay dumiretsyo kagad ako sa dining room at binati si na mama at papa ng magandang umaga ng makita ko sila.

"Good morning mama at papa"

Bati ko sa kanila at nilapitan sila para halikan sa kanilang pisngi.

"Good morning din, nak"

Bati din nila sa akin ng makaupo na ako at sabay sabay na kaming nag agahan. Mabilis lang din kaming kumain dahil maaga din ang pasok ko, habang si mama at papa naman ay may mga dapat pag gawin kaya mabilis lang din silang kumain.

Nang matapos ay nag ayos lang kami ng kaunti, bago sabay sabay na lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. Ihahatid muna nila ako ng school bago sila mag punta sa kanikanilang mga trabaho.

Kami pala ang Monroe family, kilala ang pamilya namin dahil sa isa kami sa mayamang pamilya sa aming lugar. May ari si Papa ng isang sikat na wine shop at si Mama naman ay may ari ng sikat na Pastry shop dito sa aming lugar.

Wala akong kapatid at nag iisang anak lang. Maraming nag-sasabi sakin na swerte daw ako at nag iisang anak lang dahil makukuha ko daw kung ano mang gusto ko. Totoo naman talagang swerte ako sa mga magulang ko dahil na bibigyan nila ako ng magandang buhay at napag-aaral sa mamahaling school dito saming lugar. Pero kahit na ganon ay nag sisikap naman ako mag aral at hindi inaabuso ang pag mamahal nila sa akin.

Minsan nakaramdam na din ako ng inggit dahil wala akong kapatid. Na alala ko pa nung bata ako ay na itanong ko kay mama kung bakit wala akong kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong ko at ang sabi lang niya sakin ay sapat na daw ako.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit at kahit hanggang ngayon ay hindi parin niya sinasabi sakin ang dahilan. Mukhang ayaw din niyang pag usapan sa tuwing mag tatanong ako tungkol sa hindi ko pagkakaroon ng kapatid.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon