Chapter 79

162 2 0
                                    

Warning ⚠️
( This chapter of the story contains killing an animal being.If you don't like this part of the story you can skip it. Thank you )

Someone POV-

Naka tingin ako sa malayo kung saan tanaw ko si Scarlet ngayon habang iniintay niya ang kanyang kaybigan sa labas ng restroom.

Nayayamot parin ako sa pag mumukha niya at kating kati na ang mga palad kong patayin siya pero hindi pa naman nya oras at hahayaan ko munang mag paka saya siya.

Habang naka tingin ay na pansin kong may puting pusang sumulpot sa gilid niya. Pinanood ko lang hawak hawak ito ni Scarlet.

"Bakit ka nandito? nasaan ang amo mo"

Rinig kong tanong niya sa pusa at tanging meow lang ang isinagot sa kanya nito. Bigla namang lumabas yung babaeng kaibigan ni Scarlet sa restroom.

"Saan mo naman nakita yan?"

Tanong ng kaibigan niya. Na pansin kong biglang umalis yung puting pusa bago pa makapag salita si Scarlet.

"Ayan na takot sayo ikaw kasi ehh"

"Mukha ba akong na kakatakot Scarlet?"

Ng maisipan kong wala na akong mapapala sa pakikinig sa usapn nilang dalawa ay agad na akong tumalikod at nag umpisang mag lakad palalayo sa kanila.

_______________TIME_SKIP_______________

Nag lalakad akong mag isa ngayon at tamik lang ang buong paligid ko ng may bigla na lang nag ingay at sumulpot sa harapan ko.

"Meow"

Nasa harapan ko ngayon ang puting pusang nakita ni Scarlet.Tinitigan ko lang ito habang naka titig din yung pusa sa akin.

"Meow"

Agad ko itong binuhat at hinaplos halos habang nag lalakad muli.

"Meow, Meow..."

"Meow"

"Meow"

Na iirita na ako ngayon sakaka meow ng pusang ito kaya naman may bigla na lang pumasok sa isipan ko at napa ngiti.

Unti unti kong sinakal yung hawak kong pusa habang iniisip na parang siyang si Scarlet na pinapatay ko ngayon.

Ramdam kong pumipiglas yung hawak kong pusa at hindi kona rin marinig ang nakaka irita nitong pag meow.

Itinigil kona ang pag sakal sa pusa at lumingon lingon sa paligid ko para tignan kung may nasa paligid ba. Nang masiguradong walang kahit sinong ang nakakita sa akin ay agad kong ni labas ang maliit kong kutsilyo.

Hinawakan ko ang ulo nung pusa sabay ginilitan ito sa leeg.Ng matapos kong gawin iyon ay parabang naging masaya ako pero massasaya ako kung kay Scarlet ko ito gagawin.

Ibinaliktad ko ang puting pusa at hinawakan ito sa paa gamit ang kaliwa kong kamay.Nasa kanang kamay ko naman ang maliit na kutsilyong ginamit ko at hinahayaang tumulo ang dugo nito sa sahig habang nag lalakad.

Naka kita ako ng hagdanan na papuntang second floor kaya naman na isipan kong pumanik.

Pumapanik palang ako ng may bigla akong na rinig na paparating kaya Inilapag ko sa hagdanan ang pusang pinatay ko at tyka ginamit ang bilis ko para makahanap ng pag tataguan.

Ng makahanap na ako ng magandang pwesto ay inintay ko naman ang susunod na mangyayari.

Mataimtim ko pinakikinggan ngayon kung sino ang nag uusap sa baba habang ako naman ay nandirito sa second floor.

"Anong problema?"

"May patak ng dugo"

Na bosesan kona kaagad ang sumunod na nag salita. Walang duba nasi Scarlet ito at siguro kasama na naman nya yung kaibigan niya.

"Dugo nga at marami pang bakas ng patak sa sahig"

Na rinig ko silang papanik ngayon sa hagdaan at alam kong sinusundan na nila ang mga dugong nag kalat sa sahig papanik sa hagdanan kung saan ko iniwang patay ang pusa.

"Si-sino namang nilalang ang gagawa ng ganyan?"

Na nginginig na boses ng kasama ni Scarlet.Tanaw ko hanggang dito ang mga itsura nila ngayon at alam na alam kong gulat na gulat sila.

"Dito kana muna Scarlet hahanapin ko lang si dark prince o di naman kaya si prince Chester"

Tumango lang Si Scarlet sa kasama nya bago ito tumakbo pababa ng hagdanan.Pinag mamasdan ngayon ni Scarlet ang pinatay kong pusa at kitang kita kong takot na takot sya sa nakikita niya kaya napa ngiti ako.

"Ganyan din ang mangyayari sayo at hindi na ako makapag intay na patayin ka"

Mahinang bulong ko habang ng lilisik ang mga mata kong naka tingin sa kanya.Habang pina nonood siyang na nginginig sa takot ay may bigla na lang dumating at niyakap siya.

Na mukhaan ko naman agad ito at si prince Chester ang kayakap nya ngayon.

"Tsk, dakilang malandi ka talaga"

Sabi ko sa isipan ko pero wala naman akong paki kung mag yakapan silang dalawa basta huwag na huwag lang yang madikitan ang pinaka mamahal kong prinsepe.

Nakita kong may dalawang lalake pa ang dumating at agad silang inutusan ng
prinsepe na agad naman nilang sinunod.Inalalayan pababa ng prinsepe si Scarlet at hindi kona sila nakita pero pinanood ko parin kung paano linisin ng dalawang lalake ang kalat ko.

Ng matapos silang mag linis ay bumaba na sila at ako naman ay pinupinasan ang maliit na kutsilyo ko ng panyo. Aalis na sana ako ng may bigla na lang nag salita sa baba kaya naman ay pinakinggan ko ito.

"May gusto kaba kay Scarlet?".

Tanong nito na nasababa at may kausap.Hindi sumagot ang kausap niya kaya naging tahimik saglit ang paligid bago ko muling narinig ang prinsepe kong nag salita pero pa bulyaw ito.

"Pag tinatanong kita sumagot ka!"

"Oo gusto ko si Scarlet may magagawa kaba?"

Kalmang sagot ng kausap niya pero na halata ko agad sa boses na si prince Chester ang kanyang kausap.

Biglang kong na ikinoyom ang aking kamay sa galit dahil si Scarlet ang kanilang pinag uusapan.

"Alam mo Vince hinding hindi na ako papayag na agawin mo muli ang gusto ko. Inagaw mona dati sa akin si Cindy at ngayon hindi mo maagaw si Scarlet, dahil sisiguraduhin kong hindi sya mapapasayo"

"Tsk sa tingin moba papayag ako sa gusto mo, nag kakamali ka"

"Dati ba nagawa mong protektahan si Cindy ng mamatay sya? nasa tabi kaba nya nung kailangan nya ng tulong mo? hindi diba"

Naging tahimik saglit silang dalawa pero muling nag salita si prince Chester.

"Vince alam mo hindi mapapa buti sayo si Scarlet at alam kong ipapahamak mo lang sya.Baka maulit ulit ang ng'yari dati kaya hinding hindi na ako papayag Vince"

"Kahit ano pang sabihin mo sa akin Chester hindi rin ako papayag sa gusto mo at hinding hindi maulit kung ano man ang ng'yari dati kay Cindy"

Rinig kong sabi ng prinsepe ko bago naging tahimik ang lahat.Sobrang galit na galit ako ngayon at talagang gusto kong mag wala.

Dahil si Scarlet ang pinag aagawan nila ngayon.Gusto narin sya ng prinsepe ko pero hindi ako papayag na agawin siya sa akin ng ahas na babaeng iyon.

"Talagang dumaramina ang kasalanan mo sa akin Scarlet"

May halong galit sa boses ko ng sabihin ko iyon habang hawak ng mahigpit ang kutsilyo ko.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon