CHAPTER 8

352 5 0
                                    

Kasa lukuyan akong nasa room at nakaupo kasama si Anna. Inaantay namin si Madison, pero bigla ko nalang naalala yung mga panaginip ko.

______________FLASH_BACK_____________

Napa bangon ako bigla dahil na naman sa panaginip ko. Kinapa kapa ko ang aking sarili at pinunasan ang akin mga pawis.

Sumagi sa isip ko ang lalaking nakita ko sa aking panaginip ngayon at hindi na lang ang babae at sanggol ang nasa panaginip ko pati din yung lalake na di ko manlang nakita ang mukha.

Nagtaasan bigla ang aking mga balahibo ng maalala ang mga sinabi niya sakin.

"Sa tinging mo ba makakatakas ka sakin?, Akin kalang?"

Nagtataka kong sabi sa aking sarili at inulit ang mga sinabi niya. Anong ibig sabihin ng mga iyon?.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa aking orasan mag uumaga pa palang pala.

"Siguro itulog ko nalang to ulit"

Sabay higa muli sa kama pero sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata ay laging sumasagi sa isip ko ang panaginip ko at kahit anong pikit ko ay hindi ko magawang makatulog muli.

Napa bangon na naman ako mulit dahil sa hindi ako makatulog at may parte sakin na gustong malaman kung sino ba sila.

Bakit gabi gabi nalang na nanaginip ako ng masama?, na parabang parakiramdam ko may parteng hinahanap ko ang aking sarili.

Tumayo ako at humarap sa aking salamin para tignan ang aking sarili.
Nag salita naman ako sa harap ng salamin na animoy kinakausap ang sarili.

"Sino ba sila? anong ibig sabihin ng mga panaginip ko? may kalangan ba sila sakin?".

Sunod sunod na tanong ko sa aking saril dahil hindi ko alam kung may gusto bang ipahiwatig sa akin lahat ng panaginip ko

_________END_OF_FLASH_BACK________

"Scarlet, Scarlet, Scarlet!"

Hindi ko na malayang tinatawag na pala ako ni Anna kaya humarap ako sa kanya at nagtanong kung bakit.

"Scarlet, kaniba pa kita tinatawag at hindi kanaman sumasagot, may problema kaba?".

Tumingin lang ako sa kanya ng malalim at sinabing ayos lang ako pero parang di pa sya kumbinsido sa sinabi ko.

"Ayos lang ako Anna"

"Mukhang dika naman maayos, tapos parang kulang kapa sa tulog, anong ginagawa mo ha?".

Nag aalala naman niyang sabi sa akin. Na isip kong mag sinungaling na lang sakanya para dina sya masyadong mag tanong.

"Ahh....nag review lang ako kagabi para sa test. Baka kasi nan duon sa mga na review ko ang mga sagot"

Sabi ko at sabay ngiti lang sa kanya. Nakita ko naman agad si Madison sa harap ng pintuan ng classroom namin na papasok na sa loob kaya kinawayan ko siya agad.

Agad naman siyang lumapit samin ni Anna at umupo sa aking tabi. Pag kaupo niya ay agad naman syang nag salita.

"Alam nyo ba na sa next week na ang special test natin?"

Sabi niya samin ng makaupo ito. Bigla nalang nag salita si Anna ng matapos masabi ni madison ang gusto niyang sabihin.

"Hoy Madison! dakilang chismosa ka talaga, imbis na batiin mo kami ng magandang umaga ehh....na una na yung chismis mo samin".

Napatawa naman ako ng marahan dahil sa sinabi ni Anna kay Madison. Agad ding nag salita si Madison kay Anna.

"Edi magandang umaga sa inyo, ano ok naba yun Anna" sabay ngiti at tawa niya.

Umirap nalang si Anna kay Madison.

"Siguro madison narinig mona naman yan sa mga teacher ?"

Tanong ko kay Madison at tumango naman ito sa akin

Mag sasalita sana si Anna ng dumating bigla si ma'am Mendoza. Nag si tayuan naman kaming lahat para batiin siya ng magandang umaga.

"Good morning ma'am Mendoza"

Bati naming lahat kay ma'am Mendoza.

"Good morning din students, you may sit down now"

Sabi nito at nag si upuan na kaming lahat. kapansin pansin naman na may
dala dalang mga malalaking libro si ma'am Mendoza na hindi kopa nakikita dito sa school at inilagay naman niya ito sa lamesa.

"Class, ngayon ay mag aanunsyo na ako na sa next week ang ating special test at ngayon ay mag rereview tayo sa mga posibleng lumabas sa test".

Sabi nito sa aming lahat.

"Dala ko ngayon ang mga libro na ng galing pa sa paaralang mag bibigay ng test sa atin. Kaya hindi kayo makakapangdaya"

Sabi ni ma'am Mendoza at sabay bukas ng isang lidrong dala niya, bago nag sulat sa black board

Naisip ko namunang mag aral at wag na muna masyadong mag isip sa mga panaginip ko kaya na kinig nalang ako kay Maam Mendoza.

"May mga tanong paba kayo?"

Tanong ni ma'am Mendoza sa lahat at wala namang sumagot.

"Kung wala na naman ay mag umpisa na tayo".

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon