CHAPTER 75

166 0 0
                                    

Scarlet POV-

Ramdam kong parang ang tigas ng hinihigaan ko at parang ang lamig ng paligid.Kaya unti unti kong iminulat ang aking mga mata at talagang natakot dahil nasa labas na ako.

Agad akong bumangon at pinag masdan ang aking paligid.Nasa isang gubat ako at tanging maririnig mo lamang ay mga insekto at kaluskos.

Napa lingon ako bigla sa aking likuran at na pansin ang madilim na parte ng gubat.Biglang nag si taasan ang mga balahibo ko ng may makitang nakatayo sa dulo at parang nakatingin sa akin.

Pinag masdan kong maigi ito at bigla na lang pumula ang kanyang mata.Maslalo pa akong na takot ng biglang dumami ang mga pulang matang nakatingin sa akin.

Bigla na lang ako napa takbo papalayo sa kanila at lumingon napansin kong hinahabol na nila ako kaya masbinilisan kopa ang pagtakbo ko.

Nararamdaman kong tumutulo ang aking mga luha pero hindi ko ito pinapansin at tumatakbo lang.

Bigla na lang akong nadapa at talagang napa hinto dahil sa sobrang sakit ng paa kong tumama sa isang bato.
Sinubukan kong tumayo pero sa sobrang sakit ay napa upo ako.Unti unting na mumuo ang takot sa akin at talagang napaiyak na ako ng makita silang papalapit sa akin.

Napapikit na lang ako bigla ng malapit na sila at napasigaw na ako sa sobrang takot.

"AHHHH!!!!"

Unti untin akong huminto sa pag sigaw ng walang maramdamang humawak o sumugod sa akin kaya iminulat ko ang aking mga mata at nakitang mahamog ang aking paligid.

dahan dahang akong tumayo at lumakad kahit hindi ko masyadong makita ang aking paligid.Na pansin ko bigla sa di kalayuan na may maliit na liwanag ang papalapit sa akin at isa itong alitaptap.

Sinundan kolang ito hanggang sa unti unting na wala ang hamog at kasabay ng pagka wala ng alitaptap.Dinala ako nito sa malaking puno kung saan ko dati na kikita ang misteryosong babaeng nasa panaginip ko.

Dahan dahang akong lumakad papalapit sa malaking puno at ng makalapit pinag masdan ko ito patidin ang buong paligid ko.

Puro puno lang ang na kikita ko at may pagka malawak ang paligid.Sa lahat ng puno mas Malaki itong kinakatayuan ko ngayon.

Pinag masdan ko ang punong kinakatayuan ko ngayon at unti unti kong itinaas ang aking kanang kamay at hinawakan ito.

Bigla nalang akong may mga nakitang imahe pero malabo ito sa isipan ko.May isang lalakeng naka kulay itim na clock hood at pinalilibutan siya ng apoy,may mga taong nag tatakbuhan at nag sisigawan.

Nakita korin ang isang babaeng may dala-dalang sanggol ang tumatakbo at may mga humahabol sa kanya.

Inalis ko bigla ang aking kamay sa puno at na tumba pa ako dahil sa hilo.

"Ano yung mga nakita ko?"

Mahinang tanong ko sa sarili dahil hindi ko alam kung ano ang mga na kita ko pero bakit pakiramdam ko na kita ko na iyon dati na pakiramdam ko parte iyon ng pagka tao ko.

"Scarlet"

Nagulat ako bigla ng may nag salitang mahinang boses ng isang babae at napa tingin ako sa buong paligid.

Napatayo ako bigla ng may makitang babaeng papalapit sa akin.Nag liliwanag ang kanyang katawan at pati ang kanyang damit ay nag liliwanag din kaya na silaw pa ako at napa iwas ng kaunti.

"Scarlet"

Tawag nito sa akin na kakaakit ang kanyang boses ng tawagin nya ako pero hindi ko alam kung bakit alam niya ang pangalan ko.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon