CHAPTER 72

154 2 0
                                    

Kakatapos lang ng klase namin at nag aayos na lang kami ng gamit ni Carla habang sina Amanda,Jaze at Andrea ay inaantay na lang kami matapos bago lumabas ng classroom.

"Scarlet may nag hahanap sayo"

Napa lingon ako bigla at nag tatakang tumingin kay Amanda.

"Sino naman?"

Biglang lumabas sa may gilid ni Amanda si miss Clary at talagang na gulat ako dahil ngayon ko lang ulit na kita si miss Clary kaya agad akong lumapi sa kanya.

"Miss Scarlet kamusta kana?"

"Ayos lang naman po miss Clary.Ikaw poba miss Clary kamusta na?,ngayon na lang tayo nag kita ulit"

"Ayos lang naman Scarlet.Ngapala pinapatawag ka ni dark prince"

Narinig kong umubo si Carla sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya at ganun din si miss Clary.

Na pansin ni Carla na naka tingin kami sa kanya kaya tumigil ito sa pag ubo at ngumiti lang bago lumapit kayna Amanda.

"Ahh...una na kami Scarlet"

Nag alala akong napa tingin kay Carla dahil mag isa lang siyang uuwi at hindi ako kasabay ngayon.

"Pano ka Carla mag isa kalang uuwi?"

"Wag kang mag alala ihahatid naman nila ako, diba?"

Sabay tingin sa tatlo at tumango naman sa akin si Amanda.

"Basta intayin ka nalang namin sa dining hall"

Sabi sa akin ni Amanda at ako naman ay napa tango na lang.

"Ohh sya alis na kami at ikaw puntahan mona yung prinsepe mo baka iniitay kana"

Pinang lakihan ko ng mata si Jaze dahil sa sinabi niya pero tumawa lang ito ng mahina at ganun din yung tatlo.

"Tarana miss Scarlet"

"Ok po miss Clary".

Nag umpisa ng nag lakad si miss Clary habang ako naman ay nasa likuran lang niya at naka sunod.Lumingon muna ako para tignan saglit ang mga kaybigan ko at na pansin kong nag bubulungan pa sila saglit bago tumawa.

Tumingin sa akin ang mga kaybigan ko at kumaway ganun din ang ginawa ko bago tuluyang sumunod kay miss Clary.

_______________TIME_SKIP_______________

Nakarating na kami sa tapat ng opisina ni dark prince at diko alam kung bakit pinatatawag na naman niya ako pero talagang kina kabahan ako dahil na iisip ko na naman yung ng'yari sa amin kagabi kung pano nya ako hinalikan.

Agad binuksan ni miss Clary ang pintuan at na unang pumasok sa loob bago ako sumunod sa kanya.Napansin kong nag uusap si mister Herbert at si dark prince pero agad din sila tumigil sa pag uusap ng mapansin nila kaming pumasok.

"Dark prince"

Magalang na pag kakasabi ni miss Clary bago ito yumuko at napansin kong tuming si dark prince saglit sa kanya bago lumipat ang tingin nito sa akin kaya agad akong napa yuko para iwasang matitigan siya.

"Makakaalis na kayong dalawa,mag pahinga na lang muna kayo"

Nakita kong yumuko lang si miss Clary at mister Herbert kay dark prince bago sila lumabas ng opisina ng prinsepe.Na iwan kaming dalawa dito ngayon at talagang kinakabahan ako sa prinsepe dahil ang tahimik lang niya at seryoso siyang naka tingin sa akin.

"Bakit mo pala ako pinatawag"

Tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot at tumayo lang siya sa kinauupuan niya bago lumipat ng pesto sa tapat ng kanyang lamesa.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon