CHAPTER 28

231 4 0
                                    

Nagising ako bigla dahil sa liwanag na nasa bintana ng aking kwarto.Agad akong bumangon at tinignan ang aking orasan.

Masyado pang maaga kaya hindi ako ma huhuli sa pag pasok mamaya.Na isipan kong tumayo na para maka ligo at maka pag almusal dahil hindi ako kumain ka gabi.

Na alala ko parin ang lahat ng nang yari kagabi at sa palagay ko galit parin sila sa akin.Na iisip ko rin kung ano ang magiging reaksyon nina Madison at Anna kapag sinabi ko sa kanila na may tatlong araw na lang ako para maka sama sila , magagalit kaya sila,mag tatampo.

Hindi ko alam kung magiging ganun din ang mga reaksyon nila pero kailangan kong sabihin sa kanila ito.

Ng matapos akong maligo at maka pag palit ay ka agad akong bumaba at dumiretsyo sa kusina na kung saan ko nakita si Manang na nag luluto.

Binati ako ni manang at ganundin ang aking ginawa.Huminga muna ako ng malalim bago tinawag si manang Susan.

"Manang na saan po sina mama at papa?".

Tumingin naman sa akin si manang parang nag aaling langan pa siyang mag salita bago ako kina usap.

"Ahh...nak si papa mo maagang umalis at si mama mo naman ay nasa kwarto niya ayaw nya munang mag pa istorbo ngayon".

Tumango na lang ako kay manang bago nag paalam sa kanyang pupunta na sa sala para duon na lang mag antay ng pag kain.

Malungkot akong umupo sa upuan dahil ito ang unang beses na hindi ko kasamang kumain sina mama at papa.Na ramdamang kong tumulo ang aking luha kaya agad ko itong pinunasan.

Nakita ko si manang na dala dala na ang akin pagkain at ibinigay ito sa akin agad naman akong nag pasalamat sa kanya.

Nakita kong tumabi siya sa akin at tinapik ang likuran ko bago ito nag salita at kita kong mukang nag aala siya.

"Nak alam na naming lahat dito na tatlong araw ka nalang naming makakasama at alam naming may tapuhan na na gaganap".

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko ulit dahil hindi kona ma pigilan at na pa harap kay manang.

"Manang masama ba akong anak?, mali po ba ang ginawa ko?"

Umiling iling sa akin si manang bago ito nag salita.

"Nak hindi ka masamang anak sa mga magulang mo ako nga tinuturing na kitang anak ko pero ni minsan hindi ka naging pasaway na bata dahil mabait ka ginagawa mo lang ang alam mong magiging tama".

"Tandaan mo parati nak ginawa mo ito hindi para sa sarili mo lamang para ito sa pamilya mo dahil mahal mo sila at ayaw molang na may mangyaring masama,kaya ka pumayag"

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni manang sa akin.Agad ko siyang niyakap at nag pasalamat sa kanya.

"Manang anong pwede kong gawin?, galit parin sa akin sina mama at papa dahil sa ginawa ko".

Hinawakan ni manang ang mga kamay ko at ngumiti ito bago nag salita.

"Walang magulang ang  habang buhay na gagalit sa kanilang anak nag tatampo lang sila pero mahal ka parin nila".

"Hayaan mo kaka usapin ko ang mama mo kapag bumaba siya para kumain,Sa ngayon kumain kana dahil i hahatid kapa ni Thomas".

Tumango na lang ako kay manang at ni yakap siya ulit bago siya bumalik sa mga ginagawa niya.

Ng matapos ay agad na akong umalis at lumabas ng bahay.Nakita kong naka sakay na si kuya Thomas at handa na akong ihatid kaya agad akong pumasok at umalis na ng bahay.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon