CHAPTER 68

176 0 0
                                    

Scarlet POV -

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napa bangon bigla ng mapag tanto ko na nasa opisina parin ako ni dark prince.

"Buti gumising kana"

Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni dark prince sa gilid ko.

"Bakit dimo ako ginising?"

Tanong ko sa kanya at napansin ko ang pag taas ng isang kilay niya habang ang kanyang mga kamay ay naka lagay sa kanyang bulsa.

"Hindi ko gawaing gisingin ka dahil una palang ikaw ang na tulog sa couch ko kaya dapat mag kusa kang gumising mag isa"

Tinarayan kolang siya dahil na naman sa napaka sungit nyang ugali.

"Anong oras naba?"

May halong pagka irita sa aking boses ng mag tanong ako sa kanya.

"8:30 pm, Gabi na"

"ANO!"

Napa sigaw ako dahil gabi na pala at sa mga oras na ito dapat nasa kwarto kona ako.

"Sinisigawan moba ako Scarlet"

Napa kamot ako sa ulo ko dahil napa lakas ata ang pagka sigaw ko kay dark prince kaya agad akong humingi ng paumanhin sa kanya.

"Sorry"

Pag papaumanhin ko sa kanya.Tumango lang siya sa akin at umupo sa kabilang couch.

Tumayo naman ako bigla at akmang mag lalakad na sana ng biglang mag salita si dark prince.

"At saan ka naman pupunta?"

"Ahh uuwi na bakit?"

"Sa tingin mo makaka uuwi ka.Sa mga oras na ito marami ng estuyanteng bampira sa labas".

Napa upo ulit ako sa couch at na isip na tama nga si dark prince maraming bampirang estuyante ang nasa labas baka mapa hamak pa ako.

Naka ramdam ako ng gutom bigla at hindi pa pala ako nag hahapunan.Kaya napa tingin ako bigla kay dark prince.

Kunot noong napa tingin sa akin si dark prince habang naka krus ang kanyang mga braso.

"Bakit anong tinitingin tingin mo dyan?"

"Dipa ako nag hahapunan"

Na hihiya kong sabi sa kanya at napa yuko ng kaunti.

"Nag pautos na ako ng pag kain mo kanina,mamaya nandito nayun intayin mo nalang"

"Salamat"

Biglang may kumatok sa pintuan kaya napa tingin kami parehas sa pinto.

"Pasok"

Sabi ni dark prince.Agad namang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matandang babae na may dala- dalang tray.Napansin kong pagkain ang dala ng matandang babae.

Inilapag nya ito sa isang maliit na bilog na mesa bago yumuko sa amin at nag mamadaling umalis sa opisina ni dark prince.

"Ayan na yung pagkain mo,kumain kana"

Sabi sa akin ni dark prince napa tayo naman ako bigla at lumapit sa mesa para tignan kung anong pagkain ang dinala nung matandang babae.

"Ikaw dark prince di kaba kakain?"

Umiling lang ito sa akin bago tumayo at nag lakad papunta sa kanyang mesa at may inaayos na mga papel.

Nag kibit balikat nalang ako at umupo na lang sa upuan para kumain na dahil gutom na talaga ako.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon