CHAPTER 23

268 5 0
                                    

Mag isa akong nag lalakad ngayon pa punta sa aking classroom at iniisip parin kung ano ang naka lagay sa sulat na ipinadala ng Abraham Academy sa amin.

Habang nasa malalim na pag iisip ay bigla nalang akong nagulat dahil sa pag sulpot ni Madison at Anna sa harapan ko.

"Ano ba kayo! ginugulat nyo naman akong dalawa"

Nag tawanan lang silang dalawa habang ako naman ay naka titig parin ng masama sa kanila.Bigla nag salita si Madison kaya napatingin kami sa kanya ni Anna.

"Si Anna kaya naka isip na gulatin ka"

Bigla nag iba ang expresyon ni Anna ng marinig ang kaniyang pangalan habang naka pa mewang na humarap kay madison .

"Hoy Madison anong ako! ikaw kaya pumayag lang naman ako kasi makulit ka"

Inakbayan ko silang dalawa kaagad para hindi na sila mag away kung sino talaga ang nag pasimuno sa kanilang dalawa.

"Tara na mahuhuli na tayo sa Klase natin at wag na kayong mag away "

Nginitian ko na lang silang dalawa habang nag lalakad kaming tatlo pa punta sa aming classroom.

Ng makalapit na kami sa pintuan ng  classroom ay agad ng pumasok sina Madison at Anna sa loob pero nakaramdam ako ng kakaiba kaya na pahinto ako sa pag lalakad.

Parabang may nakatingin sa akin lumingon lingon ako kung saan pero wala naman akong nakita kaya hinayaan ko nalang at pumapasok na sa lood.

Ng makapasok ako sa loob ay umupo na ako sa aking upuan narinig kong nag salita sa tabi ko si Madison kaya napa tingin ako sa kanya.

"Bakit hindi ka pumasok kaagad kanina"

Agad ko naman sinagot ang tanong niya sa akin.

"Wala kala ko lang may nakalimutan ako"

Na pili ko nalang mag sinungaling sa kanya kasi marami na naman syang itatanong sa akin.

Tumango lang siya sa akin bago nakipag harutan kay Anna.Pina bayan ko nalang sila na alala ko pala ang mga sulat na kinuha ko kanina .

Kinuha ko kaagad ang mga sulat sa bag ko at isa isang binasa kaso pare parehas lang din ang nakalagay sa mga sulat.

Katulad ng kung payag naba ang mga magulang ko kung pwede bang kumbinsihin si mama na pumayag na  makapasok ako sa Abraham Academy.

Nakita kong pumasok na si maam Mendoza kaya agad konang ipinasok ang mga sulat sa bag ko dahil mag uumpisa na ang klase.

Maka lipas ang mga minuto ay sa wakas break time narin. Habang nag aayos ng gamit ay nag yaya si Anna na bumili na kami ng pag kain.

"Uy tara na gutom na ako ikaw Scarlet maya mona ayusin iyan tarana"

Naka simangot lang na nakatingin sa akin si Anna kaya napa ngiti na lang ako sa kaniya ng matapos na mag ayos ay kaagad rin naman akong tumayo para suma na sa kanilang bumili sa Cafeteria.

Habang nag lalakad kaming tatlo ay napansin ko ang babae at lalake na kasama ni principal Beverly .

Parang galing sila sa ibang lugar at naka itim na itim ang kanilang mga suot na pansin korin na napa tingin sa akin ang babaeng kasama ni Mrs Beverly kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Nakita ko nalang na pumasok silang tatlo sa Principal office pero parang may na raramdaman akong kakaiba.

Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad kasama sina Madison at Anna. Malamang hindi nila na pansin kanina ang mga kasama ni Mrs Beverly dahil panay ang kulitan nilang dalawa.

Ng makarating kami sa Cafeteria ay agad din naman kaming bumili ng pag kain at nag hanap ng mauupuan .

Matapos makahanap ay agad rin naman kaming umupo.Habang kumakain ay bigla nag salita si Madison at tinawag ang pangalan ko.

"Uy Scarlet kalat na sa school natin na irerepresenta ka ng school natin sa Abraham Academy alam mo naba iyon?"

"Nagulat ako sa sinabi ni Madison panong nalaman kaagad ng buong school kaya kaagad akong nag tanong kay Madison"

"Panong na laman ng buong school at sino nag sabi?"

Mag sasalita sana si Madison ng biglang nag salita si Anna kaya napa tingin naman ako sa kanya .

"Na laman namin kanina sa section B-1, Sabi kasi may nag tanong na istuyante kung saang school kaba daw  irerepresenta at hindi sinasadyang nasabi ni Mrs Santos na sa Abraham Academy ka ililipat"

Huminga na lang ako ng malalim at bumalik sa magkain bigla naman ako napa tingin kay Madison ng mag salita siya.

"Pero alam mo maraming nag hahangad na maka pasok sa Abraham Academy pero pili lang ang mga nakakapasok duon at isa ka sa maswerte"

Tinignan ko sila isa isa at nakita ko sa kanilang mga mata na may gusto pa silang sabihin sa akin pero alam kona kaagad kung ano iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita at tinawag ang kanilang mga pangalan kaya nakuha ko ang kanilang atensyong habang kumakain sila.

"Alam ko na iniisip nyo na kapag pumasok ako sa Abraham Academy ay baka kalimutan ko kayo pero hindi ko gagawa iyon"

Ngumiti lang ako ng matapos kong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanila nakita kong napa ngiti nalang sila sa mga sinabi ko.

"Pero hindi ko alam kung makakapasok ba ako sa Abraham Academy dahil sa ayaw pumayag ni mama"

Na gulat sina Madison at Anna sa sunod na sinadi ko agad nag tanong si Anna sa akan.

"Bakit? halos lahat ng magulang gustong pag aralin sa Abraham Academy ang mga anak nila tas ikaw ayaw ng mama mo"

Agad ko naman sinagot ang tanong sa akin ni Anna .

"Hindi ko alam kung bakit talaga ayaw nila pero matanong lang ano ba ang meron sa Abraham Academy bakit sinabi nyo na maraming gusto na mag aral duon".

Nag tingin pa sina Madison at Anna sa isat isa bago tumingin sa akin naka taas pa ang isang kilay ni Anna sa sa akin kaya nag taka ako bigla.

Nag salita kaagad si Madison kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Seryoso ka Scarlet hindi mo alam kung bakit maraming gustong maka pasok sa Abraham?"

Iling lang ang tanging na isagot ko at itong si Madison ay napa kamot nalang sa kanyang ulo bago mag salita.

" Kakaiba daw ang Abraham Academy dahil mga maharlika ang nag papatakbo sa Abraham at kakaiba daw sila mag turo duon".

Nag tataka ako tuloy anong especial duon sa mga sinabi ni Madison.Narinig kong nag salita si Anna kaya napa tingi kami ni Madison sa kanya.

"Kung sakaling pumasok ka sa Abraham mag ingat ka dahil maraming bampira duon at kelangan daw sundin ang mga utos ng Prinsepe at Prinsesa dahil na kakatakot mag bigay ng parusa sila"

Sumangayon si Madison kay Anna para bang tinatakot nila ako kung sakaling pumasok ako sa Abraham pero hindin naman ako natako parang kinabahan lang ako.

Na isip kong tumayo na sa kina uupuan ko kaya napa tingin silang dalawa sa akin at nakita ko sa mga mata nila ang pag tataka.

"Tara na balik na tayo sa room".

Ngumiti lang ako sa kanila at nag si tayuan naman ang dalawa agad naman kumapit sa mga braso ko sina Madison at Anna habang nag lalakad kami palabas ng cafeteria.

Na iisip ko tuloy pano kung pumasok ako ng Abraham ibig sabihin maiiwan sila dito pero hindi naman payag si mama kaya walang dahilan para mag alala ako na baka hindi kona makita si Madison at Anna kapag pumasok ako sa Abraham Academy.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon