CHAPTER 3

488 8 0
                                    

Biglang nag salita ulit si maam Mendoza

"Alam kong kaka test nyo lang lahat, pero itong test na ito ay iba sa mga test at hindi nyo naman kailangan galingan ng sobra. Dahil pipili lang kami ng isang student na mag rerepresenta ng pangalan ng ating school".

Paliwanag ni ma'am Mendoza sa amin, bago muling nag salita.

"Taon taon ginagawa ito, pero laging nalang tayong di napipili at ngayong taon ay isa ang school natin sa maswerteng kukuha ng special test".

bigla nalang nag tanong si Madison sa tadi ko

"Maam Mendoza, anong premyo po ang makukuha ng mapipiling mag rerepresenta ng school natin?"

Magalang na tanong ni Madison kay ma'am Mendoza.

"Hindi namin pwedeng sabihin kung ano ang premyong makukuha ng stuyanteng mapipili"

Bigla nalang ako nag taas ng kamay kaya na patingin sa akin si Maam Mendoza

"Oh...miss Scarlet may itatanong kaba?"

Tanong sakin ni ma'am at ako naman ay tumango, bago nag salita.

"Maam anong klaseng test po ang kukunin namin at bakit po special test ang tawag?"

Napa ngiti naman si ma'am sa tanong ko bago nag salita.

"Magandang tanong miss Scarlet, ok class kaya tinawag itong special test ay dahil hindi samin manggagaling ang test na ito. Kundi sa isang pinaka mataas na school siya manggagaling at nag hahanap sila ng magagaling na student. Kapag napasa ito ng istuyanteng napili ay bibigyan siya ng premyop, galing sa nag bigay ng special test".

Sabi ni Maam Mendoza sa amin at kita ko agad sa lahat ang pagka excited ng marinig nilang may premyong makukuha.

"Hanggang dunlang ang pwede kong sabihin sa inyong lahat sige na balik na tayo sa klase"

Sabi ni ma'am nag simula ng mag klase.

_______________TIME_SKIP_______________

Lumipas ang mga oras at na tapos din ang clase namin. Inaya ako nina Madison at Anna na bumili ng pagkain sa cafeteria. Nang makabili ay agad kaming nag hanap ng mauupuan para makakain narin kami.

Habang kumakain kami ay biglang nag salita si Madison, kaya nakuha niya ang atensyon namin ni Anna.

"Scarlet may kutod akong ikaw ang ma pipili na mag rerepresenta ng school natin"

Bigla nalang akong napa iling sa sinabi niya.

"Ako?, pano mo namang na sabing ako ang mapipili Madison?"

Tanong ko at sumingit naman si Anna sa usapan namin ni Madison

"Tama si Madison, dahil taon taon ang dami mong medal na nakukuha. Kaya walang duba na mapapasa mo yung special test"

Pag sang-ayon ni Anna sa sinabi ni Madison.

"Kayong talaga dalawa ni Madison kung ano anong iniisip sa tingin konga hindi kasi kakasabi lang diba ni Maam Mendoza na hindi sa kanila manggagaling ang test kung di sa ibang tao"

Sabi ko at bigla nag salita si Madison.

"Alam mo Scarlet kahit sabihin mo pang dimo maipapasa yun. Alam namin na ikaw lang ang matalino dito sa school natin, diba Anna?"

At bigla nalang tumango si Anna at sumasang ayon sa sinasabi ni Madison.

"Alam nyo namang dilang ako ang matalino dito sa school natin, nandyan din naman si Alice ha?"

Sabi ko sa kanila at kita ko naman agad ang pag iling ni Madison sakin

"Iyon matalino?, hindi nga. Napaka plastic ngayon at palaging akala sa sarili ay maganda. Alam mo mas matalino at maganda kapa dun"

Hirit nito sakin at biglang sumingit naman si Anna kay Madison.

"Oonga Scarlet ,mas matalino at mas maganda kapa dun. Tapos mandaraya payun, laging gagamitng ang pera ng pamilya nya para lang masabing napaka yaman niyang tao"

Nagulat ako sa mga pinag sasabi nilang dalawa at agad ko silang pinagsabihan.

"Itigil nyonga yan, kayo talagang dalawa grabe ang inis nyo sa kanya. Baka may makarinig sa inyo"

Sabi ko sa kanilang dalawa dahil baka kasi may makarinig sa kanila, lalong lalo na si Alice. Talagang magkakaroon ng gulo kapag may narinig iyon na hindi maganda tungkol sa kanya.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon