CHAPTER 56

200 1 0
                                    

Scarlet POV -

Oras ng klase namin ngayon pero wala si ma'am Olivia dahil may meeting daw kaya naman maingay dito sa room.

Wala naman akong magawa at si Carla naman ay nag babasa kaya na isip kong matulog muna saglit sa desk ko.

Biglang tumahimik ang lahat pero diko na lang pinansin at patuloy ipinipikit ang aking mga mata.

"Miss Scarlet!"

Hindi pa naman ako tuluyang na kaka idlip ng bigla akong niyugyog ng katabi ko kaya napa bangon ako at nag tatakang tinignan si Carla.

"May tumatawag sayo"

"Sino?"

"Ayun ohh"

Napatingin ako bigla sa babaeng itinuturo ni Carla na nasa gilid ng pintuan namin.Naka salamin ito at matangkad siyang babae.

"Ikaw ba si Miss Scarlet?"

Mataray niyang tanong sa akin at ako naman ay tumango lang sa kanya.

"Sumama ka sakin"

Agad itong tumalikod at lumabas ng room.Nag mamadali akong tumayo at lumabas din ng classroomroom namin.

"Saan po tayo pupunta?"

Magalang na tanong ko sa babaeng kasama kong maglakad.Hindi niya ako sinagot kaya nag kibit balikat na lang ako at sumunod na lang kung saan kami pupunta.

Napasin ko ang mga daanang na dadaanan namin at bigla akong kinabahan dahil papunta ito sa opisina ni dark prince.Pero tuloy lang ako sa pag lalakad at kina kalma ang sarili.

Ng nasa tapat na kami ng opisina ni dark prince ay agad niya itong binuksan at pinauna akong pinapasok.Bigla nalang  ng babae isinara ang pinto kaya na gulat ako dahil ano naman ang gagawin ko dito.

Bubuksan ko sana ang pintuan ng bigla na lang may nag salita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo?"

Napa lingon ako at na kita si dark prince na naka upo sa kanyang lamesa at malalim akong tinitignan.

"Ahh..wala po dark prince"

Magalang kong sabi sa prinsepe

"Tsk"

"Bakit mo po ako pinatawag?"

Tanong ko kay dark prince.

"linisin mo ang buong opisina ko maliban lang sa lamesang ito".

Sabay tapik sa lamesang inuupuan niya at walang emosiyong akong tinignan.

"Maliwanag ba miss Scarlet"

Tumango tango lang ako bago nag tanong sa prinsepe.

"Bakit po dark prince ako ang pag lilinisin nyo po?"

"Dida slave kita kaya dapat sundin mo kung anong pina uutos ko sayo at tyka tigilan monga ang kapo po sa akin masyadong na kakatanda"

Na iirita niyang sabi sa akin bago ako sinagi para makalapit siya sa pintuan at ako naman ay napa bulong ng mahina.

"Matanda kanaman talaga,muka kalang bata"

"May sinasabi kaba miss Scarlet"

Masama siyang naka titig sa akin at ako naman ay umiling lang.

"Wala Dark prince hinahanap ko kung anong gamit na mga panlinis ang gagamitin ko".

Peke akong ngumiti sa prinsepe at siya naman ay mukhang na iirita sa akin.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon