CHAPTER 53

188 3 0
                                    

Lyra POV -

"Miss president!"

Tawag sa akin ni Lucinda pero hindi padin ako humihinto sa pag lalakad.

"Miss president!"

Tawag niya sa akin ulit.

"LYRA!"

Naiirita akong napa hinto sa pag lalakad at huminga ng malalim bago ko hinarap si Lucinda.

"Bakit?"

Kalma kong tanong.

"Saan kaba pupunta?Kanina pa kita tinatawag ayaw mo huminto"

"Pupuntahan ko si dark prince"

Tumalikod ulit ako at nag umpisang mag lakad muli.Naramadaman kong sumabay sa akin si Lucinda at panay ang tanong sa akin.

"Bakit mo naman pupuntahan si dark prince?, pinatatawag kaba ng prinsepe?"

Tanong nito sa akin.

"Hindi ako pinatatawag,may kelangan akong sabihin sa kanya"

Saglit siyang tumahimik at parang may iniisip bago ito nag salita muli.

"Tungkol ba kay Scarlet?"

Tumango tango lang ako sa kanya habang nag lalakad kami papunta sa opisina ng prinsepe.

Nung sabado pa ako nag padala ng sulat kay dark prince para sana kausapin siya.

Hindi kami pwedeng pumunta sa opisina ng prinsepe kung hindi kami pina tatawag o di naman kaya may kelang ipasa sa kanyan mula sa members ng student council.

Desperado na akong maka usap si dark prince,dahil may kelangan din siyang malaman.Gusto ko siyang kausapin tungkol kay Scarlet pero di naman nya ako pinatatawag kaya akona ang gagawa ng paraan para kausapin siya.

Malapit na kami sa opisina ni dark prince pero napahinto kami ni Lucinda ng may dalawang lalake ang humarang sa amin.

"Bakit kayo nan dito?bawal pumasok kung hindi pinatatawag ng prinsepe".

Sabi ng tauhan ng ni dark prince sa amin.

"President ako ng student council, kelangan akong ka usapin ng prinsepe.May meeting kami ngayon".

Pag sisinungaling ko sa nag babantay para pa pasukin kami.

"Isa lang ang pwedeng pumasok, maiiwan ang kasama mo".

Turo niya sa kasama ko kaya napatingin ako kay Lucinda.

"Maiwan na ako dito aantayin na lang kita"

Sabi ni Lucinda sa akin at ako naman ay tumango lang bago ako papasukin ng dalawang lalakeng nag babantay. Nasa tapat na ako ng pintuan ng prinsepe at agad na kumatok.

"Pasok"

Rinig kong sabi ni dark prince kaya agad kong binuksan ang pintuan at pumasok sa lood.

Nakita ko siyang may ginagawa at kunot nuo niya akong tinignan bago nag tanong sa akin.

"Ano naman ang ginagawa mo dito miss Lyra?"

Walang ganang tanong ni dark prince sakin.

"May kelangan tayo pag usapan dark prince at nuong sabado pa ako nag bigay sayo ng sulat, binasa moba?"

Sabi ko naman sa kanya. Nakita kong may kinuha siya sa gilid ng kanyang lamesa at Ipinakita sa akin ang sulat kong hindi pa niya na bubuksan.

"Eto ba?"

Malamig niyang sabi sa akin at ako naman ay tumango lang bago niya inilapag sa pinag kuhanan ang sulat ko.

"Marami akong ginagawa miss Lyra,mag papa meeting na lang ako-"

Seryoso akong nag salita at pinutol ang sasabihin ng prinsepe sa akin.

"Tungkol kay Cindy at Scarlet ang gusto kong pag usapan natin dark prince"

Nakita kong seryoso niya akong tinignan at umayos siya ng upo bago nag salita.

"Makakaalis kana miss Lyra"

Utos niya sa akin at ako naman ay seryoso lang akong tinignan ang prinsepe at hindi parin umalis.

"Miss Lyra wag mo akong galitin,dahil marami pa akong ginagawa"

Napipikon niyang sabi sa akin pero hindi parin ako umaalis.

"Nag sinungaling ako sayo dark prince"

Seryoso kong sabi sa prinsepe. Kita kong nag bago ang expresyon ng kanyan mukha at nag tataka akong tinignan.

"Naalala mo paba dati ng tanungin mo ako kung nag paparamdam ba o na panaginipan ko si Cindy?. Ang sabi ko lang sayo ay hindi"

Kita ko sa mukha niya ang pagka seryoso pero nag patuloy ako sa pag kwe-kwento sa kanya.

"Nuong mailibing si Cindy nag pakita siya sakin, pero isang beses lang iyon at may huli siyang sinabi"

"May isang babae ang darating dito sa Abraham at babaguhin ang lahat. Sa tingin ko si Scarlet ang tinutukoy niya".

Bigla siyang napa tayo at galit akong tinignan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin!"

"Gusto komang sabihin sayo dark prince pero sinabihan ako ni Cindy na wag sasabihin sayo at sabihin sa tamang panahon"

Kalma kong sabi sa prinsepe.Muli siyang na upo at malalim na nag iisip bago ito nag salita.

"Pano kung mali ka? pano kapag hindi yung Scarlet na iyon yung tinutukoy sayo ni Cindy?".

Seryoso akong tinignan ng prinsepe at ako naman ay kalmang sumagot sa kanya.

"Nararamdam kong si Scarlet ang sinasabi ni Cindy sa akin.Pero kapag nag kamali ako, handa kong tanggapin ang parusa mo dark prince at pag alis dito sa Abraham".

Seryoso kong sagot sa kanya at walang harong biro sa lahat ng sinabi.

"Makakaalis kana miss Lyra"

Mahinahon ang boses ng prinsepe ng sabihin niya sa akin iyon at ako naman ay agad na yumuko sa kanya bilang pag galang.

Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa kanyang bintana.Malim niyang pinag mamasdan ang bilog na buwan sa labas.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla akong lumingon at tinawag si dark prince.

"Dark prince,"

Napa lingon siya sa akin at walang emosiyong tinignan ako.

"Hindi kita sinisi sa pag kamatay ni Cindy dahil alam kong ginawa mo lahat ng makakaya mo para mahuli kung sino man ang pumatay sa kanya. Mahal na mahal ka ng kaybigan ko at alam kong ganun rin ikaw. Kaya sana wag monang sisihin ang sarili mo sa pag kamatay niya"

Yuon lang ang sinabi ko sa prinsepe bago tuluyang buksan ang pintuan ng kanyang opisina at lumabas na.

Alam kong parehas kami ni dark prince na hirapan at nag luksa sa pag kamatay ni Cindy.Unti unti kong na kitang nag bago ang prinsepe simula ng mawala ang kaybigan ko at alam kong masakit din para sa kanya na siya halos ang sinisi ng pamilya ni Cindy.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon