CHAPTER 91

337 10 5
                                    

Scarlet POV-

"KASALAN MO KUNG BAKIT SILA NAPAHAMAK!"

"KASALAN MO KUNG BAKIT SILA NAPAHAMAK!"

"KASALAN MO KUNG BAKIT SILA NAPAHAMAK!"

"Scarlet?"

Na bigla nalang ako ng may huwak sa balikat ko. Kaya agad akong napalingon sa gawing kanan ko at tinignan kung sino ang humawak sakin.

"Carla"

Banggit ko sa pangalan niya ng makita kong sya pala ang naka hawak sa balikat ko.

"Ayos kalang?"

Tanong naman nito sakin at ako naman ay agad tumango. Na pansin kong nag si tayuan na ang mga classmates namin at ang iba naman ay nag silabasan na ng room.

"Break time na ba?"

Tanong ko kay Carla at tumango naman ito sakin. Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin kaya agad ko nang inalis ang mga gamit ko sa desk ko at inilagay ito sa bag. Habang nag-aayos ay narinig ko namang nag salita si Carla sa tabi ko.

"Hanggang ngayon ba iniisip mo parin yung sinabi ni Antony sayo?"

Sabi sakin ni Carla, napatingin naman ako sa kanya at kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.

"Hindi, Carla"

Pag sisinungalin ko sa kanya at tipid na ngumiti. Hindi naman ito nag salita agad at tinitigan lang ako na para bang binabasa niya kung nag sasabi ako ng totoo. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at tinuon ang pansin sa buong paligid ng classroom namin.

"Wag kang mag sinungaling sakin Scarlet, simula ng sabihan ka ng kung ano-ano ng Antony nayan naging tahimik ka at parabang ang lalim ng mga iniisip mo"

Sabi niya sakin at ako naman ay tumayo na.

"Ayokong pag usapan muna kung anong ngyari nung nakaraan Carla, kaya tara na"

Walang ganang sabi ko sa kanya dahil hagang maaari ay iniiwasan kong pag usapan namin kung anong ngyari nung nakaraan.

"Carla, Scarlet"

Napalingon naman ako bigla at ganunin din si Carla ng may tumawag samin. Na kita naman namin na papalapit samin sina Jaze at Andrea.

"Ano ok naba kayo?, tara na"

Pag aaya ni Jaze samin.

"Bakit mga mukha kayong seryoso dyan? may problema ba kayo?"

Tanong naman ni Andrea samin.

"Wala naman, tara na"

Sabi ni Carla at sabay tayo sa kanyang upuan bago kumapit sa aking braso. Hindi na naman sila muling nag tanong pa kaya lumabas narin naman kaming apat ng classroom. Hindi muna kami didiretso papuntang cafeteria dahil na pag planuhan na naming apat na dadalawin muna namin sina miss pres at pati si Amanda sa kanilang mga dorm dahil naka uwi na sila.

Una muna naming dadalawin si miss press sa dorm nila ni Lucinda para kamustahin at makalipas ang mga ilang minuto ay narating na din namin ang dorm nila sa second floor. Nang nasa tapat na kaming apat ng pintuan ay agad namang kumatok si Jaze at mga ilang saglit lang ay pinag buksan na kami. Pagbukas ng pinto ay nakita namin ang gulat kay Lucinda.

"Hello"

Sabi ni Andrea at kumaway kay Lucinda. Agad namang lumabas si Lucinda sa kanilang dorm at isinara ang pintuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon