CHAPTER 76

162 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa dining hall at lahat ay handa na sa pag dating ng hari at reyna.Pinagmasdan ko ang buong paligid at talagang magara ang mga dekorasyon dito sa dining hall.May mga estudyanteng nag sisipag pasok na dito at ang iba naman tulad ng mga teachers at student council ay abalang inaayos ang lahat.

Na pansin ko ang pag lapit ni Andrea sa amin ni Carla kung saan kami naka pwesto ng upo.

Kumaway ito sa amin at naka ngiti pa kaya ganun din ang aming ginawa ni Carla hanggang sa tuluyan itong naka lapit sa amin

"Nakakapagod yung practice namin kanina gusto kona mag pahinga".

Reklamo ni Andrea sabay upo sa tabi ni Carla.

"Hayaan mona mag pahinga ka na lang pagka tapos"

Sabi sa kanya ni Carla at tumango lang si Andrea.Abalang abala ang lahat at na pansin kong papalapit sa amin sina Amanda at Jaze.

"Ano na ng'yari ? nandyan naba ang hari at reyna?"

Tanong ni Carla ng makalapit sina Amanda sa amin.

"Ang sabi nasa labas na daw sila ng school"

Pabulong na sabi sa amin ni Amanda at  mukha namang na gulat yung dalawa.

"Mag sipag handa na ang lahat nandito na ngayon ang hari at reyna"

Sigaw ng isang teacher.Agad nag sipag upo ng ayos ang lahat at unti unting na wala ang ingay sa buong paligid.

Naka tingin kami lahat ngayon sa pintuan at inaantay na buksan na ito ng dalawang lalakeng nag babantay.Hanggang sa unti unti na nilang binuksan ang malaking pintuan at unang mga pusok ay sina prince Vince, princess Victoria at prince Chester.

Sumunod naman ang dalawang nasa likuran nila.Sa unang tingin ko palang alam kong ito na ang hari at reyna.

Hindi ko maiwasang mamangha ngayon dahil mukhang ang babata pa ng mga mukha nila at masasabi mong magaganda at gwapo ang kanilang mga itsura.

Ng makapunta na silang lahat sa harapan ay agad silang na upo.Ang hari at reyna ay nasa gitna at ang mga prinsepe at prinsesa naman ay nasa gilid naka upo kung saan kita parin sila ng lahat.

Pumunta sa harapan ang babaeng Headmaster ng buong school at nag simulang mag salita na

"Magandang Tanghali sa inyong lahat narito kayo ngayon upang makilala ang pinaka matataas na bampira ang hari at reyna"

"Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan at ngayon ipina kikilala kona sa inyo sina King Lucas at Queen Cathleen"

Nag si palak pakan kaming lahat at kasabay din nyon ang pag tayo ng hari at reyna habang magka hawak kamay.Na upo muli ang Reyna habang ang hari naman ay pumunta sa harapan upang mag salita.

Agad unti unting nawala ang palak pakan ng mag simula ng mag salita si King Lucas.

"Maganda tanghali ng mag aaral ng Abraham Academy"

Masayang panimulang bati ni king Lucas sa aming lahat.Bago ito muling nag salita ulit.

"Matagal na nung huli kaming punta ng asawa ko dito at ngayong naka punta ulit kami rito ay masasabikong malaki na ang pinag bago ng Abraham at mas lalo pang dumarami ang mga estudyante natin"

"Lubos kaming nag papasalamat ng aking asawa sa ating dalawang prinsepe na sina Vince at Chester pati narin kay princess Victoria sa walang sawa nilang tatlong pag tulong sa amin na panatilihing maayos ang school na ito.Pati narin sa mga estudyanteng bumubuo ng student council, teachers at pati din sa inyong lahat na mga mag aaral ng Abraham Academy"

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon