CHAPTER 89

211 3 3
                                    

Third Person POV-

Parang biglang nag liwanag ang mga mata ni Amanda ng makita niya si Lyra o maskilala nila sa tawag na miss president. Kasama din nito sina Jaze at Lucinda.

Kita agad sa mukha ni Lyra ang pagka seryoso nito at nilibot ang tingin sa bawat night class members ng newspaper club. Hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa dating tinuturing niyang kaybigan na si Mia, ang president ng newspaper club.

"Long time no see Lyra"

Seryosong sabi ni Mia at sabay ngumisi ito sa kanya. Bigla namang lumapit agad si Jaze ng makita niya si Amanda na nakatalali sa isang upuan.

"Amanda, sorry na huli kami. Ayos kalang ba?"

Nag aalala tanong ni Jaze at tumango naman kaagad si Amanda. Tatanggalin na sana ni Jaze ang duct tape na nasa bibig ni Amanda ng bigla siyang hawakan sa kanyang braso ni Eathan. Isa sa mga kasamahan at members ni Mia sa newspaper club.

"Hindi pa kami tapos"

Seryosong sabi ni Eathan sa kanya. Kita naman agad sa mukha ni Jaze ang inis at pilit binabawi ang kanyang braso pero mahigpit na nakahawak sa kanya ang binata.

"Bitawan mo ko!"

Galit na utos ni Jaze pero hindi naman nag salita si Eathan at tumingin lang sa kanilang president na parabang may iniintay itong sabihin. Tinignan naman ni Mia ang kanyang kasamahan na si Eathan at nag taas lang ito ng kanyang isang kamay bago din ito binaba. Parabang sinesenyasan niya ito na hayaan si Jaze na pakawalan si Amanda.

Binitawan naman agad si Jaze ng binata at hinayaan na itong pakawalan at tanggalin ang duct tape na nasa bibig ni Amanda. Nang matapos mapakawalan ni jaze si Amanda ay hindi agad nag dalawang isip si Amanda na sugurin si Eathan at sapakin ito ng buong lakas.

Nagulat naman ang lahat sa ginawa nitong pag sapak sa binata. Napahawak naman agad si Eathan sa kanyang panga at tinignan ng seryoso ang nanapak sa kanya. Sabay punas ng dugo sa kanyang labi.

"GAG* KA!, KALA MO HINDI AKO GAGANTI SAYO HA?!"

Galit na galit na sigaw nito sa binata at susugurin sana niya ito muli pero pinigilan kaagad siya ni Jaze.

"Amanda, tama nayan"

Paki usap ni jaze habang sinusubukan ilayo si Amanda kay Eathan pero hindi ito nag papigil at susugod ulit pero biglang may sumigaw.

"AMANDA!"

Malakas na sigaw ni Lyra, kaya napa tingin agad si Amanda sa kanilang president at ganun din ang lahat.

Kita naman sa mukha ni Lyra ang pagka seryoso ng tignan niya si Amanda at sabay umiling din ito na para bang sinasabihan niya itong tumigil na. Wala namang nagawa si Amanda kaya nagawa nalang nitong tignan ang binata ng masama, bago niya naramdaman na unti unti siyang inilalayo ni jaze. Hanggang sa makarating sila sa pwesto kung nasaan ang kanilang president.

Na kita pa ni Amanda ang pag ngisi sa kanya ni Eathan at ang pag kaway pa nito na parabang nangangasar. Kaya napa irap nalang si Amanda at hindi nalang pinansin ang binata kahit gustong gusto pa niya itong sugurin.

"Sa tingin nyo ba tama ang ginawa ninyo kay Amanda?!"

Pagalit na tanong ni Lyra sa mga nanakit kay Amanda pero parang wala silang pakialam. Napa kuyom na ito ng kanyang kamay at tinuon ang kanyang atensyon kay Mia.

"Ikaw Mia, president kapa naman din ng newspaper club! . So, it is your responsibility to treat your members well and teach them correctly. Hindi yung ikaw pa ang pasimuno".

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon