CHAPTER 52

186 4 0
                                    

Scarlet POV -

Kasalukuyan akong nasa kwarto kona at nag papahinga.Tahimik akong naka higa at malalim na nag iisip.

Matapos kasi naming makapag usap ni miss Lyra.Hindi na ma wala sa isipan ko yung mga ikinuwento niya sa akin tungkol sa pag kamatay ni Lady Cindy.

Pero malaking palaisipan sa akin kung bakit siya pinatay at sino naman ang pumatay sa kanya.

kung siya talaga ang babaeng nag papakita sa panaginip ko at nag dala sa akin sa secret garden.Bakit naman siya nag papakita sa akin?ehh... hindi ko pa naman siya na kikilala o na kita sa tanan ng buhay ko.

Ramdam kong bumi bigat na ang mga mata ko at ramdam konang ina antok na ako.Kaya unti uti konang ipinipikit ang aking mata at nag padala na sa antok.

______________Scarlet_Dream____________

"Scarlet"

May magandang boses na tumatawag sa akin at parang na rinig kona kung saan ang isang boses ng babaeng tumatawag sa pangalan ko.

"Scarlet"

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at na silaw ako sa liwanag kaya iniharang ko ang aking kanang kamay sa mga mata ko.

Agad akong bumangon sa damuhang hinihigaan ko at napatingin sa buong paligid.Nan dito na naman ako sa lugar kung saan ko unang na kita ang mesteryosong babaeng nasa panaginip ko.

Nakita ko naman siyang naka talikod at nasa malayo.

"Ikaw ba si lady Cindy?"

Tanong ko sa babaeng naka talikod sa akin sa malayo at unti uti itong humarapa.

"Ako nga"

Ngumiti ito sa akin.Hindi ako makapaniwala sa na kikita ko ngayon dahil siyanga si lady Cindy.

May mga ipinakitang picture sa akin miss Lyra ni Lady Cindy at alam ko na kung ano ang mukha niya.

"Bakit mo ako dinala sa secret garden?"

Kahit na gulat ako ay hindi ko iyon pinahalata sa kanya at kalmang nag tanong kay lady Cindy.

"Sabihin na nating may dahil ako kung bakit kita pinapunta sa secret garden.Pero hindi kopa pwedeng sabihin sayo kung bakit"

Ngumiti lang ito ulit ng natapos niyang sabihin iyon habang ako ay hindi kona na pigilan magalit.

"Lady Cindy! , alam moba na dahil sa pag sunod ko sayo sa secret garden ma paparusahan ako ni-"

"Dark prince?"

dugtong niyang sabi sa sasabihin ko at nakitang napa ngiti siya ng sabihin niya ang tawag ng lahat kay prince Vince.

"Ano ba ang kelangan mo sakin lady Cindy! bakit kaba nag papakita sa akin?"

Galit na tanong ko sa kanya habang na iiyak ako.

"lahat ay may dahilan Scarlet , pero hindi kopa pwedeng sabihin sa ngayon sayo dahil naka tadhana na ang lahat"

"Bakit? ano bang meron dyan sa tadhana na yan! hindi moba pwedeng sabihin nalang sakin,Para hindi na ako na hihirapan lady Cindy!"

Hindi ko parin ma pigilang umiyak at magalit dahil na hihirapan na akong intindihin si lady Cindy.Gusto ko lang namang malaman kung ano ba talagang meron sa akin na hindi niyang magawang sabihin.

Nakita kong unti unting lumapit sa akin si lady Cindy.Agad akong pinunasan ang mga luha ko.

Ng makalapit siya ay agad niyang hinawakan ang mga kamay ko bago ito nag salita.

"Alam kong na guguluhan kapa Scarlet'. Kung bakit ako nag papakita sayo.Pero tandaan mo may dahil ako at tadhana lang ang na kakaalam kung ano ang mangyayari sa buhay natin Scarlet"

Gusto kong mag salita at tanungin pa siya pero hindi ko magawa at tinitigan lang ito.

"Oras na para gumising ka"

Napa tingin ako sa buong paligid at unti unting dumilim.Kaya na taranta ako bigla at nakitang wala na si lady Cindy.

"Lady Cindy!"

Tawag ko sa kanya at sinubukang tawagin siya muli.

"Lady Cindy!...LADY CINDY!..."

_________________________________________

Napa bangon ako bigla at sobrang hinihingal.Nagulat ako ng makita si Carla at manang Luisa.

"Scarlet ayos kalang?"

Nag aalang tanong sa akin ni Carla bago ini abot ang isang basong tubig sa akin na agad ko namang ininom.
Napa tingin ako sa pintuan ko at nakitang nakatayo sina Jessica, Harry, Sabrina at Paul.

"Anong ng'yari?"

Yun lang ang unang pumasok na tanong sa isipan ko dahil nag tataka ako kung bakit silang lahat nan dito sa loob ng kwarto ko.

"Narinig ka naming lahat na sumisigaw tas parang nag wawala ka kaya sinubukan naming buksan ang pintuan ng kwarto mo pero naka lock at humingi na kami ng tulong kay manang luisa"

"Nakita ka nalang namin na nag wawala at di ka namin magising"

Kwento sa akin ni Carla.Hindi ako nakapag salita at napa yuko na lang habang pinag mamasdan ang mga kamay kong na nginginig.

"Kayong apat mag sibalik na kayo sa mga kwarto nyo"

Utos ni manang sa apat at kita kong nag si alisan na sila bago tinawag ni manang ang pangalan ko.

"Miss Scarlet', ayos kalang ba? may kaylangan kaba?"

Umiling lang ako kay manang.

"Kung may kaylangan ka sabihan mo lang ako kaagad"

Tumango lang ako bago ito lumabas at isara ang pintuan ng kwarto ko.Na iwan kaming dalawa ni Carla at kita kong nag aalala parin siyang naka tingin sa akin.

"Binangungot ka ata kanina? may masama kabang napa naginipan?"

Tanong sa akin ni Carla.Biglang tumulo ang mga luha ko at niyakap siya bigla.

"Na- nag pakita sakin si lady Cindy".

Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.

"Sa ngayon wag mo munang isipin si Lady Cindy,mag pahinga kana muna Scarlet".

Hindi lang ako sumagot at patuloy parin sa pag iyak ,habang pinatatahan na niya.

"Shshh...wag kanang umiyak Scarlet.Matulog ka nalang ulit, babantayan kita dito"

Humiwalay na ako ng pag kakayakap kay Carla at pinunasan ang mga luha ko bago tumango sa kanya. Humiga muli ako at tinignan ang bintana ng kwarto na madaling araw palang.

Huminga muna ako ng malalim bago unti unting ipikit ang mga mata ko.Sa isip ko maraming tanong ang gusto kong masagot at marami din akong gustong malaman.

Bakit? bakit Lady Cindy sa akin mo gustong mag pakita.Bakit hindi nalang sa iba? at anong meron sa tadhana ko.

Tadhana kobang pumasok dito? tadhana kobang may malamang mga sekreto?.Hindi kona alam kung anong dapat kong gawin, sana ito na lang ang huling ma papanaginip ko si lady Cindy at tigilan na nya sana ako.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon