CHAPTER 54

179 2 0
                                    

Scarlet POV -

Oras ng klase naming ngayon at tahimik lang kaming nag susulat lahat ng pagkahaba habang lecture sa history namin.

Na ngangalay na nga ang mga kamay ko kakasulat sa note book at itong si Carla naman na papapikit na habang nag susulat.

"Ma'am Villena"

Na patingin ako at pati ang mga classmates ko sa babaeng tumawag kay  mrs Villena ang teacher namin sa history.

"Ano kelangan mo miss Mckinley?"

Tanong ni ma'am Villena kay miss Clary.
Biglang napatingin sa akin si miss Clary kaya ganun din ang mga classmates ko pati din si ma'am Villena na napatingin sa dereksyon ko kung saan ako naka upo.

"Kelangan ko miss Scarlet ngayon,may pupuntahan kami"

Paalam niya kay ma'am Villena at agad namang tumango ang teacher ko.

"Tara na miss Scarlet"

Utos niya sa akin, agad kong Inayos ang mga gamit ko bago tumayo at lumapit kay miss Clary.

Lumabas na kami ng classroom at nag tataka parin ako kung bakit nag punta si miss Clary sa room at ang sabi niya may pupuntahan daw kami.Kaya na isipan konang mag tanong sa kaniya.

"Miss Clary saan ba tayo pupunta"

"Pina tatawag ka ng prinsepe sa akin"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni miss Clary dahil ipina tatawag na ako ngayon ng prinsepe at hindi pa ako handang harapan siya.

"Paparusahan ba ako ni prince Vince miss Clary?".

May halong takot at kaba sa boses ko.Hindi ko mapigilang mag isip ng kung ano ano ngayon.

Seryosong nag salita si miss Clary habang patuloy kami sa pag lalakad ngayon.

"Sundin mo lang ang sasabihin ko sayo ngayon.Una wag kang kakabahan, pangalawa kung anong itanong niya sayo sagutin mo ng ayos,pangatlo ikwento molang kung paano ka naka punta sa secret garden at ang pang apat wag na wag mong tatawagin sa pangalan ang prinsepe tawagin mo syang dark prince".Maliwanag ba miss Scarlet?".

Tumango tango lang ako kay miss Clary at nag patuloy lang kami sa pag lalakad.

_______________TIME_SKIP_______________

Nadito kami ngayon sa  tapat ng pintuan at sa tingin ko eto na ata ang opisina ni dark prince.

Kumatok si miss Clary at walapang kalahating sigundo agad na itong bumukas.Si mister Herber pala ang nag bukas ng pintuan at agad namang pumasok si miss Clary kasama ako.

Nakita ko ang prinsepe na nakatalikod at  naka tingin sa labas ng bintana niya.

"Dark prince nan dito na si miss Scarlet Monroe"

Magalang na sabi ni miss Clary sa prinsepe.

"Iwanan nyo kami ni miss Scarlet"

Malalim ang kanyang boses ng sabihin niya iyon sa amin .Agad namang sumagot si miss Clary at mister Herber.

"Masusunod dark prince!"

Sabay nilang sabi at yumuko bago kami tuluyang iwanan nilang dalawa dito.Unti uti na mumuo ang kaba sa akin dahil na tatakot ako ngayon.

Huminga ako ng malalim at inisip na kaya ko ito.Hindi ako kakabahan.

"Miss Scarlet"

napatingin ako kay dark prince na naka upo na ngayon sa kanyang upuan at malalim akong tinitignan.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon