CHAPTER 34

215 3 0
                                    

Scarlet POV-

Hawak ni Adam ang kamay ko habang hinihila ako papunta sa Cottage.Kita kona sa malayo sina tita at mama kasama sina papa at tito.

Nag tataka ako dahil parang hindi sila masayang nag kwekwentuhan kung di mga seryoso ang kanilang expresyon.

Hanggang sa maka lapit kami sa kanila ay narinig kong may sinabing sekreto si mama at hindi kona na intindihan ang iba kaya na isipan kong mag salita habang hawak ko ang kamay ni Adam.

"Sekreto?anong sekreto po pinag uusapan nyo?"

Nakita kong napa tigil silang lahat.Lumapit bigla si Adam kay tita at niyakap naman nya ito.Agad akong lumapit at umupo sa gitna nina mama at papa.

"Ma at pa anong sekreto ang pinag uusapan nyo po?"

Alam kong masamang makinig sa usapan ng matatanda pero hindi ko naman na rinig lahat ng pinag uusapan nila dahil kaka rating lang din namin.

"Kakarating nyo lang ba ni Adam nak?"

Tumango lang ako sa tanong ni mama pero para syang na tataranta kaya  hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang.

"Ano po ba ang pinag uusapan nyo tita?"

Agad namang sumagot si tita Angie sa akin habang nasa tabi niya si Adam.

"Ahh...kasi may pinag uusapan kami tungkol sa gagawin naming secret garden dito sa park, gusto sana namin na wag muna ipag kalat sa mga gustong pumunta dito"

Ngumiti naman sa akin si tita ng matapos niyang sabihin iyon na rinig kong tinawag ni mama ang pangalan ko kaya napa tingin ako sa kanya.

"Scarlet, humingi lang ng tulong ang tita at tito mo sa amin kung anong magandang ideya ang pwede nilang gawin sa secret garden na gagawin nila kaya yun ang pinag uusapan namin"

Tumango na lang ako kay mama.Secret garden pala ang pinag uusapan nila nina tita pero bakit may na raramdaman akong mali.

Bigla nalang nag salita si tito Mark kaya napa tingin kaming lahat sa kanya.

"Kain na muna tayo at baka na gugutom na ang mga bata"

"Kanina pa kasi ako binubulungan ni Adam na gutom na daw siya"

Napa tawa nalang kaming lahat oonga pala kaya kami punta ni Adam dito dahil kanina panya sinasabi sa aking guto na daw sya.

Inaya kami ni tito at tita na lumipat sa ibang Cottage kung saan naka handa na lahat ng pag kain.Masaya naman kaming nag kwentuhan at kumain.

________________TIME_SKIP______________

Natapos ang buong araw namin at ngayon uuwi na kami sa bahay.Kelangan bago mag gabi ay maka uwi kami dahil baka dumating si Miss Clary at Mister Herbert.

Nag paalam na kami kay na tita Angie at kay Tito Mark.Ma mimiss ko tuloy si Adam ayaw panga akong pa alisin ni adam at umiiyak pa pero napa tahan naman siya ni tita.Na ngako na lang akong babalik pero hindi ko alam kung keylan.

Hanggang sa naka sakay na kami ng sasakyan nina mama at papa.Tahimik lang ang byahe namin at ramdaman kong alam na nila ang mga mangyayari mamaya pero handa na ako.

Naka tingin lang ako sa labas ng binta habang pinag mamasdan ang pag lubog ng araw.

Unti unti kong ipinikit ang aking manga mata at hinayaan ang sariling maka tulog muna.

Nagising ako bigla dahil may yumuyugyog sa akin iminulat ko ang aking mga mata at nakita si mama.

"Anak nasa bahay na tayo"

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon