CHAPTER 57

198 2 0
                                    

UNKNOWN POV-

Naka upo lang ako sa gilid at pinag mamasdan ang lola kong nag darasal sa tapat ng binta.

Kina kausap niya ang ispirito ng buwan at hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ng lola ko kaya tahimik lang akong nakikinig at pina nonood siya.

Isa pala kaming Vampire witch ng lola ko at nan dito ako sa kanya dahil ipinadala ako ng manga magulang ko para bantayan at matutu ng mga magic sa kanya.Malaki din ang responsibilidad namin bahil pinag kakatiwalaan kami at ng mga magulang ko ng Royal Family ng mga Clinton.

Dito ako at ng lola ko ngayon naka tira sa palasyo ng mga Clinton dahil may importante silang ipinapagawa sa lola ko.Ang hanapin ang prinsesa.

Marami ang kakayahan ng lola ko katulad na lang ng pang huhula, maka kita ng mga mangyayari at iba pa.Ginagamit lahat ng lola ko ang kakayahan niya para tulungan ang harit at reyna na mahanap ang prinsesa.

Napansin kong napa hinto si lola sa pag darasal at bigla na lang tumayo kaya agad akong lumapit para alalayan siya.

"Ayos kalang po ba lola?".

Magalang na tanong ko sa lola ko at tumango namam siya sa akin.

"Apo".

"Bakit po lola?".

Tanong ko sa lola ko.

"Kelangan nating pumunta sa hari at reyna".

Nag tataka kong tinignan ang lola ko bago nag tanong sa kanya.

"Bakit naman po lola?"

"May kelangan lang kaming pag usapan".

Tumango na lang ako at sumama na lang sa lola ko para puntahan ang hari at reyna.

_______________TIME_SKIP_______________

Nandito kami ngayon ng lola ko sa opisina ng hari at kasama ang kanyang asawa.Nakaupo kami lahat at katabi lang ako ng lola ko habang ang hari at reyna ay naka upo sa kabilang couch at naka harap sa amin

"Manang' sabi nyo po may gusto po kayong sabihin sa amin, Tungkol po ba sa anak namin?".

Tanong ng reyna.Kita ko sa mga mata ng Reyna na sabik na sabik  tagal siyang makita ang matagal ng nawawalang anak nila ng hari.

"Kina usap ko ulit ang buwan tungkol
sa prinsesa at ang sinabi lang niya sa akin ay kaunting panahon nalang makikita na nating lahat ang prinsesa"

Kita kong napangiti ang hari at reyna sa isat isa.

"Magandang balita samin manang na kaunting pano na lang ay makikita na namin ang anak namin"

Masayang sabi ng hari sa lola ko kahit ako din naman ay talagang matutuwang makita ang prinsesa at marami narin ang sabik  na makita ang matagal ng na wawalang prinsesa ng nga Clinton.

"Pero may malaking hapon at pagsubok ang darating sa prinsesa pati din sa inyo "
Kita ko sa mukha ng hari at reyna ang pagka gulat at pag tataka.Agad namang nag tanong ang reyna sa lola ko.

"Anong ibig mo po'ng sabihin sa amin manang?"

Huminga ng malalim si lola bago nag salita

"May mga taong pipigil sa atin na makita  si princess Catherine"

Kita ko sa expresyon ng hari at reyna ang mga lungkot dahil sa sinabi ng lola ko.

"Sino naman po manang?Bakit naman kelangan nilang pigilan kaming makita at makasama ang anak namin"

May halong lungkot at galit ang reyna pati din ang hari.

"Hindi ko alam pero na kakasigurado akong kaunting panahon na lang at babalik na ang prinsesa".

Tumayo at lumapit ang lola ko sa reyna.Hinawakan ang mga kamay nito.

"kelangan nyo lang dalawa mag pakatatag.Pero naka tadhana na ang lahat at makikita nyorin ang prinsesa".

Binitawan na ni lola ang kamay ng reyna at tumingin sa hari.

"Aalis na kami mahal na hari at reyna.Mag papahinga na kami ng apo ko"

Paalam ng lola ko.Tumango naman ang Hari sa amin.

"Maraming salamat po manang.Mag pahinga na po kayong dalawa"

Yumuko naman kami ni Lola at lumabas na ng opisina ng hari.

Tahimik kaming nag lalakad ni lola dito sa palasyo at pabalik nadin sa kwarto namin para makapag pahinga na kami lalong lalo na ang lola ko.

"Lola".

Tawag ko sa lola ko agad naman siyang napatingin sa akin.

"Bakit apo?".

"Totoo bang ngayong taon na ito makikita na ng hari at reyna ang prinsesa?".

Napa hinto sa pag lalakad ang lola ko at nag tatakang tumingin sa akin.

"Bakit apo' nag duduba kaba sa kakayahan kong maka kita ng mga mangyayari?".

Agad akong napa iling sa tanong sa akin ng lola ko at magalang namang sumagot.

"Hindi naman po sa ganun lola pero baka mamaya hindi pala tumama ang hula ninyo po".

Numiti lang ito at nag umpisa mag lakad muli habang naka sunod lang ako sa kanyang tabi.Hindi naman sa nag dududa ako sa kakayahan ng lola ko pero iniisip kolang na baka mamaya ma mali siya at parusahan.

"May tiwala ako sa ispirito ng buwan at alam kong naka tadhana ang lahat para sa prinsesa".

Hindi na lang ako muling nag salita pa at nag patuloy nalang sa pag lalakad.Sananga tama ang mga hula ng lola ko tungkol sa prinsesa at kung naka tadhana na ang lahat para sa kanya.Sana gabayan siya ng buwan pabalik sa reyna at hari.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon