CHAPTER 80

193 0 0
                                    

Scarlet POV-

Napa bangon ako bigla sa higaan ko ng bigla kong mapanaginip yung patay na pusang nakita namin ni Carla at pati ang isang nakakatakot kopong panaginip.

Sobrang pinag papawisan ako at hingal na hingal dahil sa panaginip na nakita ko.Parang nanduon talaga ako at pakiramdam kong totoong ngyari iyon.

Naka tayo ako sa hagdanan kung saan ko nakita yung patay na pusa.Naka titig lang ako rito habang patuloy na umaagos ang dugo nito sa hagdanan palapit sa akin.

Napa atras nalang ako bigla dahil nakita kong unti unting gumagalawa yung puting pusa hanggang sa na buhay ito pero nakakatakot na ang itsura nito.

Laslas parin ang leeg at iba narin ang kulay ng mga mata nito.Na gulat na lang ako ng bigla itong tumingin sa akin at unti unting lumalapit habang tumutulo ang dugo nito sa sahig.Napa takbo ako pababa ng hagdanan dahil sa sobrang takot.

Hindi pa ako na kakatakbo ng malayo ng bigla na lang nag iba ang lugar at nalipat ako sa secret garden kung saan ako dati dinala ni lady Cindy.

Bigla nag si taasan ang nga balahibo ko at nanginig bigla ang buong katawan ko ng makita ang aking sarili na naka higa at laslas na ang leeg. Nag hihingalo pa ang sarili ko habang naka tingin sa mga mata ko at unti unting lumalabas sa bibig ang mga dugo.

Nagulat nalang ako ng bigla na lang may lumabas na naka itim na cloak hood at may dala dala itong kutsilyo namay bahid pa ng dugo.Hindi ko makita ang mukha nito pero kita ko ang grabeng pag pula ng mga mata niya habang naka tingin sa akin.

"MAMATAY KANA!!!"

Sigaw nito at tumakbo palapit sa akin.Hindi kona nagawa pang tumakbo dahil sa bilis ang pangyayari at bigla nalang nya akong sinaksak. Naramdaman kopa ang pag baon ng kutsilyo sa dibdib ko at maslalo pa itong ibinaon.

Hanggang duon na lang ang panaginip ko dahil pagka tapos nuon ay nagising na lang nga ako.

Hindi ko ngayon alam kung isa ba itong babala sakin o masamang panaginip lang talaga ito.Pero sana hindi ito mangyari at ayaw ko talagang mangyari kung anoman ang napa naginipan ko.

Sa ngayon hindi ako makadalik sa pag tulog dahil sa bawat pikit ng mga mata ko ay ayun parin ang nakikita ko kaya hirap na akong makatulog ngayon.

_______________TIME_SKIP_______________

"Scarlet"

"Scarlet"

May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko ito pinapansin dahil pakiramdam ko parang nag eecho lang ito sa pandinig ko.

"Scarlet"

Bigla na lang nalang akong nagulat ng may humawak sa balikat ko kaya napa tayo ako bigla.

Pinag masdan ko ang buong paligid ko at naka tingin sa akin ang lahat ng nandirito ngayon sa cafeteria.

"Scarlet ayos kalang?"

Naramdaman kong may humawak bigla sa kamay ko kaya tinignan ko ito kung sino at nakita si Carla.

"Scarlet maupo kana"

Dahan dahan akong umupo at napa tingin sa buong paligid ko.Alam kong nag tataka silang lahat pero hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko ngayon.

Unti-unting bumalik ang lahat sa kanikanilang ginagawa at hindi na tumingin sa pwesto namin kung saan kami naka upo ngayon ng mga kaybigan ko.

"Scarlet masama ba pakiramdam mo? kanikapa parang balisa at malalim ang iniisip mo simula kaninang umaga"

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon