CHAPTER 67

181 2 0
                                    

Scarlet POV -

Nag lalakad kami ngayon ni Carla sa hallway ng school at papasok na sa classroom.

Napansin ko sa di kalayuan na nag lalakad din sina Amanda,Jaze at Andrea sa hallway kaya agad ko silang tinawag.Sabay silang tatlong napalingon sa amin ni Carla.

Lumapit kami agad sa kanilang tatlo at binati sila. Ganundin ang kanilang ginawa bago kami sumabay sa kanila.

Nakarating din kami sa classroom at marami narin sa mga classmates ko ang nandito sa loob ng room.

Napansin ko agad sa upuan ko na may isang itim na kahon na naka patong sa desk ng upuan ko.Agad ko itong kinuha at hindi naman ito gaanong kabigat hawakan.

"Kanino galing yan?"

Tanong ni Carla sa akin at na pansin korin ang pag lapit nina Amanda,Jaze at Andrea para tignan kung anong hawak ko.

"Diko alam na kita ko nalang na naka patong sa desk ko"

Napansin ko sa gilid ng kahon na naka sulat ang pangalan ko sa pulang kulay na tinta.Agad ko itong binuksan at nagulat ako sa nakita kong laman ng kahon kaya agad ko itong na bitawan at napa atras ganundin sina Carla .

"SINONG NAG LAGAY SA INYO NG PATAY NA AHAS SA DESK NI SCARLET!!!"

Galit na sabi ni Amanda sa lahat ng nasa classroom.

Nag lapitan ang mga classmates ko at tinignan yung itim na kahon kung saan naka lagay ang patay na ahas.

"Wagkang mag alala Scarlet i rereport ko ito agad kay miss president"

Sabi sakin ni Amanda.Hindi ako masyadong makapag salita at naka tulala sa patay na ahas sa sahig.

"Anong ng yayari dito"

Napa lingon ako at ganundin ang iba ng makita naming lumapit si ma'am Marian sa amin.

"Ma'am may nag bigay po kay Scarlet ng patay na ahas"

Sabi ng classmate kong babae kay ma'am Marian.Na kita ko ang pag kagulat sa muka ng teacher ko kaya agad nya akong nilapitan.

"Ayos kalang ba miss Scarlet"

"Ayos lang naman po pero na kakagulat lang po na may mag bibigay sakin ng ganito ma'am"

"Miss Amanda at miss Scarlet sumama kayo sakin sa principal office i rereport natin ito"

_______________TIME_SKIP_______________

Nasa cafeteria kami ngayon at hindi ko parin maiwasang maisip kung bakit ako bibigyan ng patay na ahas.

Na report nadin sa principal at pati kay president Lyra ang ng'yari.Gagawa sila ng aksyon para mahuli kung sino sa mga estuyante ng Abraham ang nag padala sakin ng patay na ahas.Sabi din sakin ni Analyn isa sa mga classmate ko at maagang na pasok sa room.Nakita na  lang niyang naka patong sa desk ko yung itim na kahon at hindi nya alam kung sino ang nag lagay sa desk ng upuan ko.

"May hinala akong si Selena yung nag bigay sayo ng patay na ahas Scarlet"

Sabi ni Andrea at bigla namang sumang ayon si jaze sa kanya.

"Oonga tapos diba inaway kapa nya"

"Wala tayong patunay na syanga ang nag bigay sakin nung patay na ahas oo alam kong may galit sya pero masama ang mag bingtang kung wala tayo patunay na syanga ang may gawa"

Sabi ko sa kanila dahil wala naman kaming patunay na sya ang nag lagay sa desk ko ng patay na ahas.

"Nako Scarlet talagang kapag na laman kolang nayang Selena nayan ang nag bigay sayo ng patay na ahas.Masasabunutan koyung babaeng iyon!"

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon