CHAPTER 88

189 2 4
                                    

Lyra POV-

Maingay ang buong classroom ngayon at may kanya kanyang ginagawa ang lahat. Habang ako naman ay naka tingin lang sa labas ng bintana at pinag mamasdan ang makulimlim na kalangitan.

"Parang hindi naman deserve nung Scarlet maging next lady ng school. Sa tingin nyo?"

"Oonga, sa tingin ko hindi talaga. Bakanga nilandi lang nya talaga si dark prince at prince Chester".

Bigla na lang akong nakarinig sa aking likuran ng mga babaeng nag uusap kaya lumingon ako at sinilip kung sino.

"Hindi naman sya kagandan sa tingin ko. Siguro may ginawa sya para magkaroon sya ng relasyon sa isa sa mga prinsepe natin".

"Tama".

Pagsang ayon ng balawa niyang kausap.

Napa singhal na lang ako at hindi makapaniwala sa mga pinag sasabi nitong mga babaeng classmates ko. Hindi din nila na pansin na naka tingin ako sa kanila at pinakikinggan lahat ng mga pinag sasabi nila.

"Hoy! kayong tatlo"

Tawag ko sa kanila at napa tingin naman sila sa akin.

"Kung magiging next lady ng school si Scarlet, wala na kayong pakialam duon at pati narin sa kung sino mang karelasyon nya sa dalawang prinsepe.

Sermon ko at tinignan sila ng seryoso.

"Sa labas nga kayo mag-chismisan!, wag sa likuran ko!".

Na iirita kong sabi sa kanila.

"Sorry miss pres"

Pag hingi ng tawad ng isa sa mga kasama nila sabay alis nilang tatlo at lumipat ng pwesto malayo sa akin. Napa irap nalang ako at muling tumingin sa labas ng bintana.

Mabilis kumalat ang balit sa buong Abraham at hagang ngayon dito sa classroom namin ay si Scarlet parin ang pinag uusapan ng lahat. Kaya may balak akong puntahan mamaya si Scarlet at kausapin tungkol sa kumakalat ngayon sa school.

"Miss president"

May bigla nalang humawak sa balikat ko kaya napa tingin agad ako kung sino ito at si Lucinda lang pala.

"Bakit ang tagal mong bumalik?, kala koba sa restroom lang ang punta mo?".

Tanong ko sa kanya ng maka upo ito sa tabi ko.

"Pabalik na ko ng makasalubong ko si ma'am Beltran kanina at ang sabi niya ay wala muna siyang class ngayon. May biglaang meeting daw sila ng mga teachers"

"Tungkol saan naman?".

Tanong ko sa kanya na agad naman niyang sinagot.

"Tinanong ko pero hindi alam ni ma'am".

Napa tango nalang ako at muling tumingin sa bintana.

"Parang ang seryoso mo ata ngayon Lyra, may problema ka ba?".

Umiling naman ako sa tanong niya sa akin at muling tumingin sa kanya.

"Wala naman".

Sabi ko at sabay sinubsob ang aking mukha sa desk at ginawang unan ang aking mga braso.

"Buti naman kung ganon"

Sabi niya at ako naman ay naka subsob parin sa aking desk. Ipipikit ko na sana ang aking mata ng bigla na lang may kumalabit sa braso ko.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon