CHAPTER 85

179 1 0
                                    

Third Person POV-

Malalim na ang gabi at nasa field ngayon ang grupo ni Selena kasama ang iba pang students ng Abraham.
Ngayon gabi na ito ay ang araw ng kanilang training day na kung saan ay pinag pra-practice sila ng mga ibat ibang skills na maaari nilang magamit.

Tahik na naka upo si Selena sa isang bench at pina nonood ang kanyang mga kaybigan na nag tra-training. Bigla nalang dumako ang kanyang tingin sa
isang babae na kung saan ay tumatakbo kasama pa ang ibang nag tra-training.

Habang pinag mamasdan niya ito ay bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang mga naging kaganap sa cafeteria. Kahit ilang linggo na ang na kaka lipas.

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ni Selena ang mga ngyari sa Cafeteria.

______________FLASH_BACK_____________

Malalim na ang gabi at ngayon ay break time muna ng night class kaya unti unti naring napupuno ang cafeteria ng mga night class students.

Kapansinpansin agad ang pag pasok ng grupo ni Selena Isa sa mga kinakatakutang night class student ng school. kaya halos lahat ng madadaanan nila ay nagsisi tabi para makadaan sila.

Habang nag lalakad napansin bigla ni Selena ang isang babaeng mag isa lang kumakain sa isang gilid. Kaya naman agad niya itong nilapitan kasama ang mga grupo niya.

"Hey weirdo, bili moko ng pagkain"

Utos ni Selena bago ito naupo sa tabi ng babaeng inuutusan niya.

"Bilis tumayo kana dyan at ayaw namin ng pabagal bagal Evenin"

Sabay hawak sa braso ni Evenin at inangat sa kanyang inuupuan ng isa sa mga kasama ni Selena. Walang nagawa si Evenin kung di sundin na lang sila at umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ito agad kung saan naka pwesto si Selena.

Inilapag ng ayos ni Evenin ang lahat ng ipinamili nya para kay Selena at sa mga kasama panito. Akmang aalis na sana siya ng biglang mag salita si Selena.

"Sinabi kobang umalis kana and ano ito huh?"

Pag pigil niya kay Evenin na makaalis ng tuluyan.

"Hindi ko gusto lahat ng binili mo, bakit ganito?!"

Itinapon ni Selena ang lahat ng binili ni Evenin at nag kalat lahat sa sahig . Natigil ang lahat sa kanilang ginagawa at pinanonood lamang ang ng'yayari ngayon.

"Your so stupid Evenin, simpleng utos lang di mopa magawa ha! You're just like your mother, both of you are stupid."

Sabay tawa ni Selena at patirin ang manga kasama nito ay nag sitawanan din. Dahan dahang lumapit si Evenin at agad naman itong napansin ni Selena kaya unti untiring nawala ang tawanan nila.

Unti unting lumapit si Evenin kay Selena at may ibinulong ito sa kanyang teinga.

"Wag kang mag alala dahil pag natapos na ako sa kanila isusunod kita"

Pag katapos nitong maibulong kay Selena ang sinabi niya ay unti unti itong tumawa ng malakas habang naka yuko ito. Lahat ay natigilan sa kanilang ginagawa at pinanonood nilang tumawa ng tumawa si Evenin.

Maraming nag tataka sa ginagawang pag tawa ni Evenin ngayon at ganun narin si Selena. Na parabang sa bawat pag tawa niya ay may kakaiba itong gustong sabihin sa lahat.

"A-anong sinabi mo sakin? at bakit ka ganyan tumawa ha!, tumigil ka!".

Sabay tulak nito kay Evenin pero tumawa tawa parin ito. Hindi na naka kilos si Selena at pati narin ang mga kasama nito ay parang takot lapitan si Evenin.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon