CHAPTER 42

240 4 0
                                    

Scarlet POV-

Gumising ako ng maaga at nag handa dahil ayaw ko namang ma late sa unang klase ko dito sa Abraham.

Kasalukuyan kami ni Carla nasa dining room at kaka tapos lang din naming kumain.

Sabi ni manang Luisa dito muna daw kami habang inaantay sina miss Clary at mister Herber dahil sila ang mag hahatid samin ni Carla sa mga classroom namin .

Na isip ko bigla ang sulat na ginawa ko kani kanina lang para kayna Anna at Madison ,syempre meron din sina mama at papa.Merong sariling post office ang Abraham kung saan pwede kaming mag padala ng sulat.

"Carla"

"Bakit?"

"Pwede mo ba kong samahan mamaya sa post office?".

Ngumiti lang ito sakin bago tumango at agad naman akong nag pasalamat sa kanya.

Na isip kong mag pasama mamaya sa kanya para maipadala ko ang sulat ko.
Biglang bukas ang pintuan kaya nagulat pa kami ni Carla bago napatayo sa kina uupuan naming dalawa.

"Tarana ma huhuli na kayo sa unang klase nyo".

Sabi sa amin ni Miss Clary .Agad kong kinuha ang bag at libro ko, ganundin ang ginawa ni Carla.Agad kaming sumunod kay miss Clary kasama si mister Herber.

Habang nag lalakad kapansing pansing wala ng masyadong istuyante sa labas at masasabi kong late na kami ni Carla sa unang klase namin.

"Ahh miss Clary saang room kami ni Scarlet, mag classmate ba kaming dalawa?"

Biglang nag tanong si Carla kay miss Clary na agad din naman niyang sinagot habang nag lalakad parin kami ng hagdanan.

"Sa Second Floor ang room nyong dalawa at oo mag classmate din kayo".

Bigla kaming nag tinginan ni Carla at ngumiti sa isat isa dahil mag classmate kami.Pumanik kami sa isang hagdanan.

pag kapanik namin marami kaming nakitang mga room at minsan di ma iwasang pag tinginan kami ng mga istuyante pero patuloy lang kami sa pag lalakad.

Huminto kami sa isang classroom at na pansin kong napa hinto ang isang teacher sa pag tuturo at tumingin sa amin.Pumasok ka agad sina miss Clary at mister Herbert sa loob kaya sumunod lang kami sa kanila.

"Mister Winton at miss McKinley magandang umaga"

Tumingin lang si Mister Herbert Bago tumingin sa mga istuyante at nag salita.

"Magandang umaga sa inyong lahat, gusto naming ma kilala nyo ang bago ninyong mga classmate sina miss Scarlet Monroe at miss Carla Garcia"

Walang nag salita ni isa at tumingin lang sa aming ang lahat.Lumapit samin ang teacher at inilahad niya ang kanyang kamay bago nag pakilala.

"Kamusta Miss Monroe at miss Garcia,ako pala si mrs Marian at welcome sa section ko"

Ako ang unang nakipag kamay kay mrs Marian bago nakipag kamay ito kay Carla.Agad nya kaming pina upong dalawa sa bakanteng upuan.

Ngumiti sa amin si miss Clary bago sila lumabas kasama si mrs Marian.Nakita kong kina ka usap ni mister Herber at miss Clary si miss Marian.

Saglit lang naman nilang kina usap ito bago muling pumasok sa loob ng classroom.

"Welcome ulit sa inyong dalawa miss Scarlet at miss Carla ,Wag kayong mahihiyang mag tanong sakin kung may mga problema kayong dalawa"

Ngumiti at nag pasalamat na lang kami ni Carla kay miss Marian bago ito mag simulang mag turo.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon