CHAPTER 44

204 3 2
                                    

Napa sandal nalang kami ni Carla sa upuan sa sobrang pagod ni isa wala kaming na hanap na libro.

"Ano bayan wala manlang tayong na hanap na libro tungkol sa Abraham"

"Baka nasa school library"

Na isip ko na maraming libro sa school library baka nanduon ang mga libro tungkol sa Abraham.

"Pero matanong kita Carla may konting alam kaba dito sa Abraham?"

Napa tingin pa ito sa akin bago tumango

"Ano naman?"

"Sa pag kakaalam ko Clinton family ang may hawak nitong buong Abraham"

"Clinton family?"

Bigla siyang nag taas ng kilay at tinignan ako bago ito nag salita.Hindi ko naman kilala kung sino ang Clinton family pero parabang narinig kona sila kung saan.

"Wag mong sabihin sakin Scarlet na dimo kilala ang Clinton family?"

Umiling lang ako sa kanya para sabihing diko talaga kilala kung sino mangyan Clinton family nayan.

Na kita kong umayos ito ng pag kakaupo bago tumingin sa akin at mag umpisang mag salita.

"Ang Clinton family ay isa sa pinaka mataas na mga bampira sa lahat.Sila sina queen Cathleen at King Lucas ang na mumuno ngayun sa buong mga bampira at anak nila si princess Catherine ang na wawalang prinsesa"

"Syaba yung blue moon prinsess?"

Tumango lang ito sa akin.Nakita kong bigla itong tumayo at nag unat pa bago ito tumingin sa akin.

"Tara balik na tayo sa mga kwarto natin,may pasok pa tayo bukas".

Tumango na lang ako sa kanya at sumabay na lumabas ng library.

Naka balik na kami ni Carla sa kanya kanya naming mga kwarto at nag papahinga na.

Agad akong humiga sa kama at malalim na nag iisip habang naka tingin sa kisame ng kwarto ko.

Bakit sa tuwing na ririnig ko ang pangalan ni princess Catherine,para bang na raramdaman ko na may koneksiyon kami.

Huminga na lang ako ng malalim at unti unting ipinikit ang aking mga mata.Sa ngayon kelangan ko muna mag pahinga dahil may pasok pa ako bukas.

_______________TIME_SKIP_______________

"Scarlet... Scarlet!"

Biglang may yumuyugyog sa akin kaya napa tingin ako sa katabi ko.

"Kanina kapa naka tulala sa pagkain mo,may problema ba Scarlet?"

Napansin kong naka tingin na sa akin sina Amanda at iniitay akong sagutin ang tanong sa akin ni Carla pero umiling lang ako.

"Sigurado ka Scarlet?,tas tignan mo mukang kulang kapa sa tulog".

May halong pag alala sa boses ni Amanda pero tama sya kulang nga ako sa tulog kagabi.Dahil may kakaiba akong napa naginipan.

Nakita ko sa panaginip ko na may buwan at asul ito.Naka tapat lang ang buong liwanag ng buwan sa akin para bang pag pinag mamasdan ko ito sa kalangitan diko ma paliwanag yung na raramdaman ko.

Pero unti unting dumili ang buong paligid.Hanggang sa nagising na lang akong ng madaling araw kagabi.

Ayun lang ang na aalala kong ng yari sa panaginip ko pero diko maiwasang isip bakit.

Bakit may mga kakaiba akong na papanaginipan,una yung mesteryosong babae tas yung puno , pangalawa naman yung babaeng na kikipag usap sa panaginip ko tas ito ngayon buwan naman ang na papanaginipan ko.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon